Heather’s POV
“Anong ginagawa mo dito?” Ang agad na demanda ko, sabay bigay kay Dylan ng isang napakasamang tingin.
Nagpatuloy naman siya sa paglapit sa hospital bed ko, hindi man lang apektado.
“Heather, anong nangyari sa’yo? Bakit ka nagkaganyan? Gaano ka na katagal dito?” Ang sunud-sunod na pagtatanong niya, at walang duda ang pag-aalalang nakikita ko sa mga mata niya.
Madali kong inilayo ang tingin ko.
Dahil kasi sa’yo at naging ganito ang sitwasyon ko. Gusto ko sanang sabihin.
But after some considerations, I immediately brushed the thought away, remorseful. Mali. Hindi dapat si Dylan ang pagbintangan ko. Kasalanan ko rin naman talaga ang lahat eh. Tutal, ako ‘tong nagmadali sa pagtawid kaya ako nabunggo. Pero nangyari lang naman yun dahil sa pilit kong iniiwasan si Dylan.
Pati na rin ang naging nakaraan namin.
Pwersahan akong umiling at pilit na inilayo sa aking isipan ang mga ala-alang iyon.
“It’s none of your business.” Ang mapait kong salita, nakayuko.
Bigla kong naramdaman ang paglapat ng kamay niya sa balikat ko.
“Heather.” Ang mabanayad niyang sambit, alalang-alala.
Agad kong itinanggal ang kamay niya at muling sinamaan siya ng tingin.
“Pwede ba, umalis ka na!” Sigaw ko.
Naudlot siya saglit, pero hindi pa rin siya umalis sa kinatatayuan niya. Tinitigan niya ako nang maigi, at mamaya-maya’y napabuntong-hininga siya.
“Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin? Bakit ka pa nagpadala ng impostor para maging kapalit mo? At higit sa lahat, bakit mo kami pilit na niloloko?” Pagdedemanda niya.
Hindi ko siya magawang tingnan nang diretso nung mga sandaling iyon, at unti-unti nang bumibigat ang dibdib ko dahil sa sobrang pagdadalamhati.
“Gaya ng sinabi ko kanina, it’s none of your business. Kaya umalis ka na.” Pagpupumilit ko.
“Alam mo bang inaagaw na ng kakambal mo ang lahat ng dapat sa’yo?” Dagdag pa niya, sumisigaw na rin.
“Hailey would never do that to me!”
“At paano mo nasabi yun? Nandoon siya samantalang nandito ka lang. Wala kang saksi sa lahat ng mga totoong nangyayari. Baka magulat ka na lang, nang hindi mo inaasahan, wala na ang lahat sa’yo. Dahil kinuha na ang mga iyon ng impostor na pinagpapapanggap mo!”
“Hindi yan totoo!” Sigaw ko muli, pero nang di inaasaha’y biglang naputol ang boses ko, at ako’y napahikbi. “Hindi yan totoo. Hinding-hindi yan gagawin ni Hailey sa akin.” Pag-uulit ko, pilit na kinukumbinsi hindi lang si Dylan, kundi pati na rin ang sarili ko.
Agad na napalitan ng panghihinayang ang ekspresyon sa mukha niya.
“Heather.” Sambit niya, sabay lapit sa akin.
Umusog ako sa hospital bed hanggang sa mapunta na ako sa dulo, pursigidong lumayo hanggang sa aking makakaya.
“Umalis ka na.” Utos ko, lumuluha pa rin.
Pero ayaw pa rin niya akong sundin.
“Heather, kahit naman maging totoo ang lahat ng mga yun, kahit ipagpalit ka na ng lahat, at kahit mawala na sila sa tabi mo, mananatili pa rin ako sa’yo. Hinding-hindi kita iiwan. Hinding-hindi kita ipagpapalit kahit kaninuman. Tanging sa’yo lamang ako.” Sabi niya.
Alam kong pinapagaan niya lang ang kalooban ko, pero nang marinig ko ang mga sinabi niya ay mas lalo lang akong napaluha.
“Hindi kita kailangan.” Pwersahan kong sinabi. “Si Christian ang kailangan ko. Kasi siya ang mahal ko. Hindi ikaw.” Pagmamatigas ko.
Muli siyang naudlot nang sabihin ko ang mga yun, at naging malungkot ang ekspresyon sa mukha niya.
“Sige, yan ang sabihin mo. Pero tandaan mo rin Heather. Sino ang kasama ni Christian ngayon? Sino ang kinikilala niyang girlfriend ngayon? At sino ang nasa piling niya ngayon? Hindi ba’t ang kakambal mo? Face the bitter truth Heather.” Pahayag niya, at pagkatapos nun ay dumiretso na siya palabas ng kwarto ko bago ko pa siya mapigilan.
Bigla namang nagvibrate ang cellphone ko, at agad kong kinuha yun mula sa bedside table ko. Galing ang message kay Hailey, at mas lalo lang bumigat ang dibdib ko nang mabasa ko ang naka-compose doon.
Something urgent came up. I won’t be able to come back there. Tatawagan ko na lang sina Mom at Dad para makapunta agad sila diyan at mabantayan ka. And don’t worry about me, I’m with Christian.
Muli akong napahikbi pagkatapos nun, at patuloy lang sa pag-agos ang mga luha sa mga mata ko.
Face the bitter truth Heather.
Tama si Dylan. Kung totoo nga talagang hindi mawawala si Christian sa akin, dapat nandito siya sa piling ko ngayon, hindi kasama si Hailey na nagpapanggap lamang bilang ako.
BINABASA MO ANG
To Lie and Pretend
Teen Fiction[Love, Lies, and Deception Trilogy Book I] [Summary] Simula pagkabata, ni isang beses, hindi naranasan ni Hailey Buencamino ang magkaroon ng normal na buhay. Home-schooled at laging nasa ospital dahil sa kondisyon niya, hindi niya kailanman naranasa...