Chapter 18: Forced Smiles

3.5K 64 2
                                    

January 28, 2012 

 

Heather’s POV 

“I’m so glad that you’ve finally been released from the hospital.” Sambit ni Christian habang inaakbayan ako, holding my hand tightly and pulling me close. 

Napangiti naman ako sa kanyang direksyon at isinandig ang ulo ko sa balikat niya, kuntentong-kuntento ang pakiramdam. Nandito kami ngayon sa bahay ni Gracelyn, sitting by the poolside and wading our feet against the water, completely relaxed and bonding together as much as possible.

Kakalabas ko lang sa ospital kahapon, at tuluyan na nilang tinanggal ang cast mula sa aking kanang paa nung isang araw. Nang malaman naman ni Gracelyn ang mabuting balitang iyon ay agad siyang nag-organize ng pool party, iniimbitahan ang halos lahat ng mga kakilala niya sa school dahil sa sobrang pagkasabik.

Pero siyempre naman, hindi niya ikinuwento ang totoong nangyari sa akin o kahit ang pagpapanggap ni Hailey bilang ako, at ang tanging dahilan na kanyang ipinaalam sa kanila ay welcome party ito para sa aking kakambal, which technically is also true since it really is one of the reasons why we’re celebrating, apart from my release from the hospital of course.

Nakita kong marami na ring nakikipagkilala kay Hailey, and it looked like she already made a lot of friends. Buti naman kung ganun. At least my twin sister is finally exposed to everyone, and she’s also opening up to other people.

Dagli namang napunta ang aking tingin kay Christian, at kitang-kita ng aking dalawang mata na nakatitig siya sa aking kakambal. And as I looked up at him during those moments, there was no doubting the longing that I saw in his eyes.

Agad namang bumigat ang aking dibdib at bigla akong lumayo sa kanya. Tila nagulat siya sa biglaan kong pagkilos, at madali siyang napatingin sa aking gawi.

“Is there something wrong?” Ang nag-aalalang tanong niya sa akin.

Pilit naman akong ngumiti at umiling sa kanyang direksyon.

“Nothing’s wrong.” Ang agarang sagot ko. Dagli akong tumayo at tumalikod sa kanya. “I’ll just go get a drink for the two of us.” Pagpapaalam ko, at madali akong naglakad palayo sa kanya bago pa niya ako matawag pabalik.

Pero habang naglalakad ako patungo sa long table para kumuha ng dalawang baso ng punch ay bigla ko namang nakasalubong si Dylan, na naglalakad patungo sa kabilang direksyon.

Agad akong napayuko nung nagkasalubong ang aming mga tingin, pilit na iniiwasan ang kanyang titig. At the corner of my eye, I saw him give me a forced smile.

“Buti naman at nakalabas ka na sa hospital.” Tugon niya, at agad-agad siyang naglakad palagpas sa akin, not even looking back as he strode away.

Napakurap na lamang ako, tila nagulat sa bigla niyang paglayo.

Napalingon ako sa kanyang direksyon pagkatapos, tinitingnan siya habang naglalakad papunta sa mga kamiyembro niya sa soccer club. I noticed that he was laughing and smiling with them, but I know that the happiness that he’s showing to other people is completely, and without a doubt, fake.

Napabuntong-hininga naman ako pagkaraan, feeling utterly empty inside during those moments.

Today is supposed to be such a happy day, but why is it that only forced smiles are forming on my face?

To Lie and PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon