Chapter 3: The Switch

5.6K 110 8
                                    

 

January 9, 2012

 

Hailey’s POV

“Good morning Ate Heather!” Ang pansampung bati na natanggap ko nung umagang iyon.

This time, galing naman yun sa isang babaeng lowerclassmen, probably around first or second year. As far as I could remember, Andi ata yung pangalan niya, isa sa mga ka-miyembro ni Heather sa drama club.

“Good morning.” Sagot ko naman, nakangiti sa kanya.

Binalik naman niya ang ngiti ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa classroom nina Heather na nasa Building A, Room 402. Buti naman at mabilis akong makakuha ng directions at hindi ako masyadong naligaw. Kung tutuosin kasi, ang laki-laki ng school. Halata talagang para sa mga elite at mayayaman. Hay. Ang swerte talaga ng kambal ko! (*_*)

After a few minutes, nakarating na rin ako sa destinasyon ko sa wakas. Papasok palang ako ng classroom nang may biglang sumalubong sa akin at binati ako gamit ng isang mahigpit na yakap.

“Good morning Heather!” Sabi ng babaeng yumakap sa akin.

Napatingin ako saglit sa mukha nito at inaalala kung ano ang pangalan niya. As far as I can remember from what Heather has told me, iisang tao lang naman ang ganun ang pagbati sa kanya.

“Good morning Gracelyn.” Bati ko sa bestfriend ni Heather na si Gracelyn de Jesus.

Mukha namang tama yung pangalang naalala ko since agad siyang bumitaw sa akin at pumunta sa tabi ko. Isang masayang ngiti ang ibinigay niya at sumunod siya sa akin papunta sa upuan ni Heather na nasa first row, third column.

“Nga pala, today is Christian’s arrival from his competition, right?” Ang casual na tanong niya, sabay upo sa tabi ko.

Agad na napunta sa kanya ang titig ko.

“Umalis si Christian?” Tanong ko.

Binigyan niya ako ng isang naguguluhang ekspresyon.

“Nakalimutan mo na ba? He went to Europe last Friday for the swimming competition diba?” Paalala niya.

Oh shoot. Hindi yan nasabi sa akin ni Heather! (>_<)

I faked a laugh and playfully slapped my forehead in response.

“Oo nga noh. Silly me. I was too busy studying these past few days kaya ko nakalimutan.” Palusot ko.

Mas lalo lang naguluhan ang ekspresyon sa mukha ni Gracelyn.

“You’re actually studying?” Tanong niya, halos hindi makapaniwala.

I blinked back several times, confused as well.

“Oo naman. Bakit?” Tanong ko.

Nanlaki naman lalo ang mga mata niya, if that was even possible.

“But you NEVER study!” Sabi niya.

“Talaga?”

“YES!”

Hindi ko mapigilang mapatunganga nung mga sandaling yun. What the heck? Seryoso ba talaga si Gracelyn? Eh saan nanggagaling ang matataas na grades ni Heather kung hindi siya nag-aaral? Kung tutuosin, wala nga akong nakitang ni isang textbook sa kwarto niya. So ibig sabihin ba nun, puro stuck knowledge lang yung laging ginagamit ng kambal ko? Ang galing naman niya! (>_<)

Dun ko lang narealize na nakatitig pa rin pala si Gracelyn sa akin. I tried to compose myself and think of a reliable excuse.

“Well you see, wala kasi akong masyadong magawa these past few days. Tsaka since ayoko namang madisappoint sina Mom and Dad, naisipan ko na lang mag-aral para ma-maintain yung grades ko.” Pagrarason ko.

To Lie and PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon