January 10, 2012
Hailey’s POV
“Uy, Heather. Sigurado ka bang okay ka lang talaga?” Ang nag-aalalang tanong ni Gracelyn sa akin habang tinititigan ako nang maigi. Nilapat niya ang kamay niya sa ibabaw ng noo ko, at maya-maya naman ay nilipat niya ito sa leeg ko. Pagkatapos nun ay ang leeg at noo naman niya yung siniyasat niya, tinitingnan kung magkapareho kami ng body temperature.
“Wag kang mag-alala. Hindi ako nilalagnat.” Ang mahinang sagot ko, habang patuloy na naglalakad papunta sa gym.
Dahan-dahan lang ang bawat yapak ko, pero pagkalipas ng ilang sandali ay bigla na lang akong nawalan ng balanse. Mabuti naman at nasalo agad ako ni Gracelyn bago pa ako matumba.
“See what I mean? You may not have a fever, pero halata namang masama ang pakiramdam mo. Ano bang ginawa mo kahapon at naging ganito na lang bigla ang kondisyon mo?” Tanong niya habang inaalalayan akong tumayo nang maayos. Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad, pero this time, sinusuportahan na niya ako.
“Pagod lang ‘to.” Sabi ko. “Marami kasi akong ginawa kahapon kaya hindi ako nakapagpahinga masyado.”
Tinitigan niya ako nang maigi.
“Talaga? Mukhang nakakapagod talaga yung mga ginawa mo kung ganun. This is the first time na nagkaganyan ka eh, even though you’re already accustomed to do a lot of school works and activities for the student council and the drama club.” Sabi niya.
Hindi ko mapigilang mapatunganga na lang sa kanya nang marinig ko ang mga sinabi niya. Superwoman ba si Heather? Grabe na ha. Hindi ko nga makayanan ang kahit isang gabi na kulang sa tulog eh. Hindi talaga kasi sanay ang katawan ko sa pagpupuyat. Madalas, eight to ten hours ang kailangan kong itulog just to stand up straight the next day. Tapos yung kambal ko naman, sanay na sanay na sa laging pagpupuyat? Hindi ata ako makaka-survive kung lagi ko na lang yang gagawin! (>_<)
Nang ilang talampakan na ang inabot namin, tuluyan na talagang bumigay ang katawan ko at halos natumba na ako nang tuluyan. Hindi ko na talaga kasi makayanan ang pagod na nararamdaman ko nung mga oras na yun.
“Heather, pumunta na lang kasi tayo sa clinic. Baka mas lalo pang lumala yang kondisyon mo kung umattend ka pa ng PE class.” Pagpupumilit ni Gracelyn, sabay alalay sa akin na makasandig sa pader doon sa hall.
I drowsily looked at her and forcefully shook my head.
“Ayoko. Baka mamaya, pauwiin pa nila ako kung ganun. I have to maintain my perfect attendance record.” Pagmamatigas ko.
“Pero Heather─”
Agad na naputol ang protesta ni Gracelyn nang may biglang nagsalita sa likuran namin.
“Anong nangyayari dito?” Tanong ng isang lalaking hindi masyadong pamilyar ang boses.
Itinuon ko ang titig ko sa direksyon niya, para sulyapan ng tingin ang mukha niya, pero I only ended up seeing a blurred image. Damn. Kahit ang mga mata ko sinusukuan na ako! (-_-)
“Dylan, ikaw pala yan.” Bati ni Gracelyn sa kanya.
Ah, kaya naman pala hindi siya pamilyar sa akin. Hindi kasi ako nabigyan ng pagkakataong makita o makausap sa personal si Dylan kahapon.
“Ano namang nangyari kay Heather?” Tanong niya, sabay lapit sa amin.
Nagbuntong-hininga si Gracelyn sa tabi ko at nagmamakaawa niyang tiningnan si Dylan.
“Dylan, pwede bang ikaw na lang yung magdala kay Heather sa clinic? Mukhang matatagalan pa kasi kung ako yung aalalay sa kanya. Ako na lang yung magpapaalam kay Ms. Ortega tungkol sa kondisyon niya.” Sabi niya.
BINABASA MO ANG
To Lie and Pretend
Teen Fiction[Love, Lies, and Deception Trilogy Book I] [Summary] Simula pagkabata, ni isang beses, hindi naranasan ni Hailey Buencamino ang magkaroon ng normal na buhay. Home-schooled at laging nasa ospital dahil sa kondisyon niya, hindi niya kailanman naranasa...