Chapter 8: Revelations

4.1K 84 9
                                    

 

January 13, 2012

 

Heather’s POV

“How’s everything at school so far?” Ang agad na tanong ko kay Hailey pagkapasok niya sa kwarto ko nung hapong iyon.

Agad na lumapit sa hospital bed na aking kinahihigaan ang kambal ko at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

“Everything’s okay, so you don’t have to worry about anything.” Sabi naman niya, sabay bigay sa akin ng isang mapaniguradong ngiti. Inalalayan niya akong makaupo nang maayos at isandig ang likod ko sa ulunan ng kama ko.

“Mabuti naman kung ganun.” Sabi ko, naginahawahan na rin ng loob sa wakas.

Ngayon palang kasi nakabisita ulit si Hailey sa akin simula nung naaksidente ako. Mukhang naging busy na siya sa mga activities sa school kaya hindi siya masyadong nakakapunta dito sa ospital. Tsaka kung tutuosin, kailangan niya rin kasing magpahinga sa katapusan ng bawat araw para mabawi ang lahat ng lakas na ginamit niya. Bawal pa rin kasi siyang masyadong magpagod dahil baka hindi makayanan ng katawan niya ang stress ng mga gawain sa school.

Napatingin muli ako sa kambal ko at hindi ko mapigilang maguluhan nang makita ko ang ekspresyon sa mukha niya.

“May problema ba?” Tanong ko sa kanya, nagtataka.

My twin sister blinked back several times, taken aback by my sudden question.

“Umm…eh…wala naman…” Sabi niya, sabay iwas tingin.

Tiningnan ko siya nang maigi at nagbuntong-hininga.

“Hailey, alam kong may problema. Sabihin mo na kasi.” Sabi ko.

Lumipas ang ilang sandali, at maya-maya’y tiningnan na rin ako nang diretso ng kambal ko.

“Heather, pwede bang magtanong?” Sabi niya sa akin.

Tinapik ko ang balikat niya at tumango.

“Syempre naman.” Sagot ko. “Ano ba yun?”

Tinitigan niya ako sa mata at nagbuntong-hininga.

“Gaano ba kayo ka-close ni Dylan?” Ang mapanuring tanong niya.

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang mga sinabi niya.

“T-teka, Hailey. Bakit mo naman yan biglang natanong?” Ang natatarantang pahayag ko.

Mukhang naguluhan rin ang kakambal ko sa naging reaksyon ko.

“Wala lang naman.” Sabi niya. “Bakit? May masama ba sa pagtanong ko?”

Pinilit ko ang sarili kong manatiling nakatingin sa kanya.

“Hindi naman sa ganun.” Pwersahan kong sinabi, naiilang na talaga nang sobra-sobra nung mga sandaling iyon. “Simpleng magkaibigan lang kaming dalawa ni Dylan. Tutal, since bestfriend siya ni Christian, in good terms naman kami kahit papano. Normal naman ang pagturing namin sa isa’t isa.” Pahayag ko.

Tiningnan muli ako nang maigi ni Hailey nang ilan pang mga segundo, bago niya inilayo nang tuluyan ang titig niya.

“Ganun ba?” Sabi niya.

Madalian naman akong tumango.

“We’re just friends. Nothing more, nothing less.” Dagdag ko pa.

Nanahimik nang ilang sandali ang kakambal ko, halatang pinag-iisipan ang mga sinabi ko. Agad na may namuong kaba sa dibdib ko. Posible kayang pinagdududahan na ni Hailey ang tunay na relationship namin ni Dylan? Posible kayang nalaman na niya ang namagitan sa amin noon? At posible kayang may natuklasan na siya tungkol sa nakaraan namin?

Hindi ko na talaga alam kung anong dapat kong gawin nung mga oras na iyon. Sadyang hindi talaga kasi ako mapakali. Ano na kaya ang nalaman ni Hailey? Alam na rin kaya ito ni Gracelyn? Ni Kurt? Ni Christian?

Pero unti-unti namang nawala kahit papano ang kabang nararamdaman ko nang makita kong ngumiti sa akin ang kakambal ko.

“Kaya naman pala. Akala ko kasi may galit siya sa’yo. Hindi kasi siya masyadong nakikisama sa amin nina Christian eh.” Sabi niya.

I immediately fought the urge to sigh in outright relief.

“Ganun talaga si Dylan.” Sabi ko naman. “Gusto niya kasing laging mapag-isa eh.”

Tumango na lang si Hailey. Bigla namang nagring ang cellphone niya, at agad niya itong nilabas. Tiningnan niya ang Caller ID at mamaya-maya’y itinuon niya muli sa akin ang titig niya.

“Tumatawag si Gracelyn. Sandali lang ha?” Pagpapaalam niya.

Tumango ako. Nagmadali namang lumabas ng kwarto ko si Hailey at sinagot ang tawag. Hinintay ko siyang tuluyan nang makaalis bago ako huminga nang sobrang luwag.

Hay naku. Akala ko talaga malalantad na ang sikreto namin ni Dylan. Buti naman at walang nalaman si Hailey tungkol sa amin. At buti naman dahil hindi na siya nagtanong pa. Baka kasi ako pa yung biglang umamin nang di oras kung nagpatuloy pa ang usapan namin kanina.

Sigh. Basta, bahala na ang lahat. Panandalian lang naman ang kasinungalingang ito eh. Sa tingin ko naman hindi magiging masyadong komplikado ang sitwasyon namin. Tutal, ang pamilya ko lang naman ang nakakaalam sa pagpapalit ng buhay namin ni Hailey. Siguradong wala namang lalabas na problema dahil sa set-up na ito.

Wala pang isang minuto ang lumipas ay bigla na lang bumukas ang pintuan at may pumasok muli sa kwarto ko.

“Oh, ba’t parang ang bilis ng usapan niyo ni Gracelyn? Ano bang sinabi─” Agad na naputol ang pangungusap ko nang marealize kong hindi pala si Hailey ang taong iyon.

Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siyang lumapit sa kama ko.

“I knew it. Hindi nga talaga ikaw ang nakakasama namin sa school kundi isang impostor lang.” Ang pahayag ng walang iba kundi ni Dylan del Amar.

To Lie and PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon