Chapter 5: A Twin's Sacrifice

5.3K 98 5
                                    

Hailey’s POV

“Heather! Hang in there, Heather!” Ang naluluha kong pahayag habang nagmamadaling itinakbo ng mga nurse at doctor ang kambal ko papunta sa emergency room ng St. Luke’s Medical Center.

Wala pa ring malay si Heather nung mga sandaling iyon, at balot ng mga gasgas at sugat ang kanang bahagi ng katawan niya. Meron rin siyang natamong sugat sa sentido niya, na hanggang sa ngayon ay dumudugo pa rin.

“Sorry Miss, pero hanggang dito na lang po kayo.” Harang sa akin ng isa sa mga nurse doon.

I reluctantly stopped on my tracks and watched in horror as they charged my twin into the emergency room. Agad na napunta ang dalawa kong mga kamay sa ibabaw ng aking bibig, at mas lalo lang akong napaiyak dahil sa sobrang pag-aalala.

Heather, please. Please hang in there.

Pumasok na yung nurse na humarang sa akin sa loob ng kwarto at naiwan na lang akong nag-iisa sa labas, lumuluha pa rin nang sobra-sobra. Mga ilang minuto ang lumipas at maya-maya’y dumating na rin sina Mom at Dad, hingal na hingal at alalang-alala rin.

“Saan na si Heather?” Tanong ni Dad.

Hindi ko na makayanang magsalita nung mga sandaling iyon, kaya itinuro ko na lang ang emergency room bilang sagot. Nag-umpisa na ring lumuha si Mom pagkatapos nun, at agad niyang niyakap si Dad nang sobrang higpit.

“Cody, of all people, why did it have to be our daughter?” Iyak niya.

Dad patted her on the shoulder gently, trying to calm her down.

“Dear, we have to stay strong and we need to be positive. Heather will definitely be okay. She’ll surely recover from this.” Sabi niya. Napunta sa akin ang titig niya. “Hailey, ano ba kasi ang nangyari at bigla na lang naaksidente ang kambal mo?” Tanong niya.

I was about to answer his question when Mom suddenly turned towards my direction and stared at me in surprise.

“Teka Dear, bakit mo suot ang school uniform ni Heather?” Ang naguguluhang tanong niya.

I hiccupped a few times and tried to calm myself down. Dahan-dahan kong ikinuwento kela Mom and Dad ang mga nangyari ngayong araw na ito: ang pagpapalit namin ng identity ni Heather, ang biglaan niyang pagmamadali kanina nung dumating ako sa Starbucks, hanggang sa mabunggo siya ng motorsiklo habang tumatawid sa kalsada.

Mas lalo lang napaiyak si Mom nang matapos na ang kwento ko.

“Pero bakit niyo namang naisipang gawin yun ni Heather? The two of you should have known better than to do that!” Halos isigaw na niya.

I hugged her regretfully and buried my head on her shoulder.

“I’m so very sorry, Mom. Ako po talaga ang may kasalanan. Heather only wanted to do me the favor since I wanted to experience high school life so much. I’m really sorry.” Sabi ko.

Hindi na nagsalita si Mom pagkatapos nun. She just continued to weep bitterly, and I cried along with her. Dad started pacing back and forth in front of us, preoccupied with his own thoughts. Ilang oras ang lumipas, at nanatili lang kaming ganun doon. Wala pa ring lumalabas na doctor or nurse galing sa emergency room para ipaalam sa amin ang tungkol sa kondisyon ni Heather. Four hours turned to five, then six. Minutes passed, but still, nothing.

And finally, at about 1:00 A.M. the next day, lumabas ang isa sa mga doctor sa emergency room at naglakad papunta sa amin. Ibinaba niya ang surgical mask na suot niya at tiningnan kaming mag-anak. Unti-unting naglaho ang kabang nararamdaman ko nung mga sandaling iyon when he gave us a reassuring smile.

To Lie and PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon