Epilogue

4.8K 86 10
                                    

 

Hailey’s POV 

“Go Christian!” Ang patuloy naming pag-chi-cheer ng aking mga kasamahan habang pinapanood ang sampung mga participants sa 145th National Swimming Competition na kasalukuyang nagpapaligsahan ngayong mga oras na ito. 

Punung-puno ang gym ng mahigit sampung libong mga manonood, at ang karamihan sa kanila ay mga mag-aaral at mga staff members dito sa St. Martin University. Buti naman at pinayagan ng institusyon na pumasok ang mga outsiders sa loob ng paaralan, basta’t mayroon lang silang mga visitors’ passes. At siyempre naman, kinuhanan agad ako ni Heather access slip a few days ago para lang makapunta ako sa event na ito. (^O^)

Katabi ko naman ngayon sa pinaka-ilalim na mga upuan sa bleachers at pinakamalapit na pwesto sa pool area sina Heather, Dylan, Gracelyn at Kurt.

Aaminin ko, nung ako’y sinalubong nilang apat kanina sa tapat ng main gate ng school ay pawang naguluhan ako sa biglaang pag-iba ng pakikitungo nina Heather at Dylan sa isa’t isa. Mukhang nagkakabutihan na silang dalawa, at tila nawala na rin ang ilangang nararamdaman nila para sa isa’t isa. Pero kung tutuusin, that might probably not be such a bad thing. After all, the two of them were both part of the same group of friends, so it’s pretty much predictable that they would mend fences and settle their issues with each other soon enough.

Bigla namang nagsitayuan at naghiyawan ang ilan sa mga manonood sa aking kapaligiran, at isang napakalakas na tili rin ang dagling lumabas mula sa aking bibig nang mapag-alaman kong tapos na pala ang paligsahan at nanalo si Christian.

Nag-umpisa na sa pag-cha-chant ng pangalan ni Christian ang karamihan sa mga mag-aaral ng St. Martin University, at kahit ang ilan sa mga staff members ay nakisabay na rin. I and my companions also joined in after a short while, completely becoming ecstatic because of Christian’s outright and utter victory.

Lumipas ang ilang minuto, at nagsimula na rin sa wakas ang awarding ceremony para sa lahat ng mga nanalo. Pawang naging napakalakas at napakaligalig ang palakpakang isinalubong ng mga manonood kay Christian nang isinabit ng main representative ng board of sponsors sa kanyang leeg ang gintong medalya na nagsisilbing panukala ng kanyang pagkapanalo sa kumpetisyon.

And after a short while, closing remarks were ensued, at nang magsimula nang magsibabaan mula sa stage ang mga nanalong mga participants from Second Place to the Champion, madaling sinalubong ng mga photojournalists at mga cameramen si Christian.

Actually, napakarami ngang mga media personnel ang nagsipuntahan dito para lang panoorin at i-televise ang event. And also, the competition was filmed live and broadcasted nationally on the television since it’s pretty much considered as one of the most major swimming competitions being held here in the country.

“To whom do you dedicate this victory that you’ve once again achieved in this particular swimming competition?” Tanong ng isa sa mga reporters sa kanya.

Napangiti naman si Christian nang kanyang marinig ang tanong ng journalist, at bigla na lang napadako ang kanyang tingin sa direksyon naming magkakasama.

For some strange reason, bigla na lang nang-init ang aking mukha at namula ang aking mga pisngi nang magkasalubong ang aming mga tingin, pero mamaya-maya ay pwersahan naman akong umiling nang mapagtanto kong posibleng kay Heather talaga siya nakatitig.

Duh, Hailey. Umasa ka namang sa’yo siya nakatingin at nakangiti. Ang napaka-ilusyonada mo talagang bruha kahit kailan. Di porket nagkatabi lang kayo ng kakambal mo sa bleachers, inakala mo kaagad na nakatingin sa’yo si Christian. Geez. Sino ba ang girlfriend niya? Diba si Heather at hindi naman ikaw? Hanggang pagbabaka-sakali ka lang talaga. (=_=)

To Lie and PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon