Heather’s POV
“Talaga?” Tanong ko sa kambal ko, tila hindi makapaniwalang pumayag talaga siya.
Hailey nodded and patted my hand in response.
“If it’s the only way, then I’ll do it for you, twin.” Sabi niya.
I smiled gratefully at her and leaned forward to give her a hug.
“Thank you so much, Hailey. You’re the best twin sister any girl could ever have.” Pasasalamat ko.
Ngumiti siya sa akin pagkabitaw ko sa kanya, and she playfully messed up my hair.
“Alam mo namang kahit ano gagawin ko para sa’yo, Heather. After all, you’re my one and only beloved twin sister.” Sabi niya. Pagkatapos nun ay tinulungan niya akong humiga nang maayos sa kama. “Sige na, matulog ka na ulit. You’ll need all the rest you can get.” Dagdag pa niya.
I nodded and tried to settle myself. Lumapit naman sina Mom and Dad sa tabi ko, who both had unreadable expressions on their faces.
“Dear, ako na muna yung magbabantay sa’yo ha? Uuwi lang saglit si Dad para kunin ang mga gamit mo at para na rin ihatid si Hailey.” Pagpapaalam ni Mom sa akin.
Tumango ako at tumingin kela Dad at Hailey.
“Ingat po kayo.” Sabi ko.
Tumango silang dalawa at naglakad papunta sa pinto.
“Magpahinga ka na anak.” Ang huling bilin sa akin ni Dad bago sila tuluyang lumabas ni Hailey.
Agad namang napunta kay Mom ang titig ko pagkatapos.
“May gusto po kayong sabihin?” Tanong ko sa kanya.
Napaiwas tingin siya nung una, pero maya-maya’y tinitigan na rin niya ako nang diretso.
“Sigurado ka na ba talaga diyan sa plano mo, Dear? Paano kung malantad ang sikreto niyo ni Hailey? Baka hindi na talaga tuluyang ibigay sa’yo ang scholarship kung ganun.” Pag-aalala niya.
I took hold of her hand and patted it gently.
“Mom, magtiwala lang po tayo kay Hailey. She will definitely keep up the act. I’m sure of that.” Paninigurado ko.
Pero mukhang hindi pa rin mapakali si Mom.
“But what about you, Heather? Okay lang ba talaga sa’yo na ibigay ang buhay mo kay Hailey? I don’t mean to sound like I’m against your sister, pero paano kung bigla na lang magbago ang lahat-lahat kapag bumalik ka na?” Ang muling pagtatanong niya.
Her question completely caught me offguard at that moment.
Oo nga naman. Sa totoo lang, okay nga ba talaga sa akin ‘tong set-up na ‘to? Okay nga ba talaga sa akin ang ibigay na lang sa kambal ko ang buhay ko? Oo, ako nga ang nag-isip ng planong ito. At oo, aaminin kong hindi nga talaga ako nag-alinlangang makipagpalit kay Heather nung unang beses, pero dahil lang yun sa katotohanang magpapanggap lang naman siya bilang ako ng isang araw lang. But everything is completely different this time.
Hailey’s going to pretend to be me for several weeks, maybe even months. Paano kung magbago nga ang lahat-lahat pagkabalik ko? Paano kung mas magustuhan pa ng mga kaeskwela ko si Hailey na nagpapanggap lamang bilang ako? Paano kung tuluyan na nila akong ipagpalit para sa kambal ko? Makakayanan ko kaya kung mangyari nga yun?
At paano kung pati sina Christian, Gracelyn at Drake, mas pinili rin si Hailey?
I immediately slapped my forehead remorsefully when I realized what I was thinking. Ano ba yan Heather? Ganyan ka na ba talaga kawalang-tiwala sa kambal mo? Binibigyan mo agad siya ng false assumptions kahit wala pa namang nangyayari. Don’t be so pessimistic. Hinding-hindi yun gagawin nina Christian sa’yo. At mas lalong hinding-hindi yun gagawin ni Hailey sa’yo.
Magtiwala ka lang. Ilang beses kong inulit-ulit sa utak ko.
I sighed and turned to look at Mom, who was still waiting for my answer. I gave her a reassuring smile and nodded.
“Of course it’s okay with me, Mom. Besides, temporary lang naman ang set-up na ‘to. Sigurado naman akong walang masyadong pagbabagong mangyayari. After all, when I return, I’m definite that everything will go back to how it used to be. I’ll still be the Heather Joyce Buencamino that everyone knows and loves. And that will never ever change.” Pagkukumbinsi ko.
Tiningnan ako nang maigi ni Mom nang ilang sandali, at sa huli ay tumango na rin siya.
“Well, I guess you do make a point, dear.” Sang-ayon niya. She smiled apologetically at me and gently touched my cheek. “Pasensya na kung masyado akong negatibo mag-isip ha? Masyado lang talaga akong nag-aalala sa magiging kinahinatnan ng plano niyo kaya ako nagkakaganito.” Pagpapaumanhin niya.
I patted her hand and smiled once again.
“There’s nothing to worry, Mom. Everything will definitely work out.” Sabi ko.
She nodded and gave a hopeful sigh. Afterwards, she placed another blanket over me and tucked me in.
“Sige, dear. You should rest now.” Sabi niya. “Just call me if you need anything.” Paalala niya, bago maglakad papunta sa lounge chair na malapit lang sa kama ko.
“Yes, Mom.” Sabi ko.
Nakita kong sumandig siya doon at ipinikit ang mga mata niya. Maya-maya’y nakatulog na rin siya dahil sa sobrang pagod.
I twist and turned around my bed for a while, trying to get as comfortable as I could. Pero sa huli, nauwi na lang akong nakatitig sa kisame, hindi na talaga makatulog. I gave another sigh and tried to steady my breathing.
“Everything will definitely work out.” I repeated, trying so hard to convince myself.
Pero yung problema lang talaga, kahit ilang beses ko pang sabihin yun sa sarili ko, hinding-hindi pa rin talaga mapalagay ang loob ko.
BINABASA MO ANG
To Lie and Pretend
Roman pour Adolescents[Love, Lies, and Deception Trilogy Book I] [Summary] Simula pagkabata, ni isang beses, hindi naranasan ni Hailey Buencamino ang magkaroon ng normal na buhay. Home-schooled at laging nasa ospital dahil sa kondisyon niya, hindi niya kailanman naranasa...