Heather’s POV
10:30 PM.
That’s the time when I woke up that very late evening.
Agad akong napaupo sa aking kama at humikab. Hindi ko na-realize na nakatulog na pala ako. Kung tutuusin rin naman kasi, for once in my almost one-month stay here in the hospital, I was finally too preoccupied to even notice the time or the fact that I was already becoming tired. I guess his company was what I really needed all this time, para kahit papano ay ma-enjoy ko naman ang mga nalalabing araw ng pamamalagi ko dito.
Pagkaraan ay nagmasid-masid ako sa aking paligid. Madilim ang aking silid, at ang tanging nagpapaliwanag lamang ng kwarto ay ang liwanag na galing sa buwan na nakapiring sa labas ng bintana. Madali ko namang napansin na hindi lang pala ako nag-iisa doon, at nakita kong nakaupo sa aking tabi ay walang iba kundi si Dylan.
Mahimbing siyang natutulog, nakalapag ang ulo sa gilid ng aking kama at ginagamit niyang unan ang kanyang mga nakapulupot na braso. Pinagmasdan ko nang maigi ang kanyang itsura, at mamaya-maya ay aking inilayo ang mga nakatakip na buhok sa kanyang mukha.
Halatang pagod na pagod siya nung mga oras na iyon. Palibhasa naman kasi, araw-araw na niya akong binibisita dito sa ospital, at kadalasan ay umaabot pa siya ng gabi para lang bantayan ako. Buti nga at hindi sila nagkakasalubong nina Mom, Dad o Hailey, dahil hindi ko talaga alam kung ano ang maibibigay kong paliwanag sa kanila patungkol sa lagi niyang pagdalaw sa akin.
Bigla naman akong napabuntong-hininga nang maalala ko ang aking kakambal. Sa totoo lang, dapat siya ang nagbabantay sa akin ngayong araw na ito, ngunit ni anino man lang niya ay hindi ko nakita buong araw. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapalagay nung mga oras na iyon. Hindi ko tuloy mapigilang magduda sa mga totoong motibo niya. At hindi ko tuloy mapigilang pag-isipan siya nang masama dahil sa mga ikinikilos niya.
Muli na naman akong nagbuntong-hininga pagkalipas ng ilang sandali.
Heather, wag ka namang ganyan. Tutal, ginagawa lang ni Hailey ang pakiusap mo sa kanya. Siyempre, expected na rin na magiging madalang ang pagpunta niya dito para bisitahin ka. You’re already aware of how busy your life is, at talagang hindi na kagulat-gulat na magiging marami ang pagkakaabalahan ng kakambal mo. At kung tutuusin, ikaw rin naman ang nagplano ng lahat ng ito in the first place. Kaya pawang wala ka rin talagang karapatang paghusgahan si Hailey. Dahil ikaw naman talaga ang may pakana nitong lahat.
Dagli namang napunta ang titig ko sa cellphone ko pagkaraan, na siyang nakapatong lang sa bedside table ko. The blinker was turned on, at mukhang nag-alarm ito kanina. It seems like I have a reminder scheduled for this day, but I don’t remember what the actual occasion is.
Kinuha ko ang aking mobile at pinatay ang blinker. I unlocked it afterwards, finally reading the reminder. At agad namang nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko kung anong araw na pala ngayon.
Saktong-sakto, nagising na rin sa wakas si Dylan, at madali siyang umunat at napatingin sa aking gawi pagkatapos.
“Ano ba yan. Hindi ko na-realize na nakatulog na pala ako. Heather, dapat ginising mo man lang ako. Kanina ka pa ba nagising? May kailangan ka ba?” Ang sunud-sunod na mga tanong niya.
Napayuko naman ako, tila hindi na makapagsalita nung mga sandaling iyon. Agad siyang lumapit sa akin at inilapat ang kanyang kamay sa aking noo, tinitingnan kung may lagnat ba o iba pang karamdaman ako.
“Wala kang sinat, at mukha namang hindi ka namumutla. Teka, may masakit ba sa’yo?” Ang nag-aalalang sambit niya.
I finally looked at him directly afterwards, and my face was completely expressionless.
“Umalis ka na, at wag mo na akong bibisitahin ulit dito kahit kailan.” Ang mariin kong tugon.
Halatang nabigla siya sa aking mga sinabi, at ilang beses siyang pwersahang umiling.
“Heather, akala ko ba okay na tayo? Akala ko ba hahayaan mo na akong bantayan at alagaan ka? At akala ko ba willing ka nang makipag-compromise sa akin? Pero bakit ba pilit mo na naman akong ipinagtatabuyan at itinatakwil ngayon?” Pagpupumilit niya.
Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.
“Compromise? Yan ba ang tawag mo dito sa ginagawa natin?” Pagkokontra ko. “Dylan, dahil sa kinunsinti ko ang pangungulit mo at hinayaan kitang samahan ako dito, I ended up cheating on Christian. Kaya itigil na natin ang kung anumang meron sa pagitan natin. Because what we’re doing right now is utterly and absolutely wrong.”
Tinitigan niya ako nang maigi.
“Bakit ba patuloy mo pa ring ipinaglalaban si Christian? Heather, nandito naman ako a. Handa naman akong gawin ang lahat ng aking makakaya para lamang mapasaya ka. Handa naman akong isakripisyo ang kahit anuman para lamang sa’yo. At handa naman akong ubusin ang bawat segundo ng buhay ko para lamang patunayan na totoo nga talaga ang pagmamahal ko para sa’yo. Hindi pa ba yun sapat? Hindi pa ba ako sapat?”
Muli kong inilayo ang aking tingin sa kanya.
“Oo, hindi ka pa sapat para sa akin. Kasi si Christian ang mahal ko. Siya ang kailangan ko. At kailanman ay hindi magiging ikaw yun.” Huminga ako nang malalim pagkatapos. “Kaya please, Dylan. Lubayan mo na ako. Itigil mo na ang pangungulit mo. At wag na wag ka nang babalik dito para bisitahin ako. Dahil hindi ko kailangan ang pag-aalaga at pagmamahal mo.”
At the corner of my eye, I saw a teardrop fall from his eye, which he immediately wiped away. Madali siyang tumayo pagkatapos, tumalikod sa akin, at nag-umpisang maglakad patungo sa pintuan ng aking kwarto.
“Fine, hindi na kita guguluhin pa. Hindi na kita gagambalain. Hindi na kita pipilitin. I’ll leave you alone, and I won’t come back here ever again.” Sambit niya, at pagkatapos ay binuksan na niya ang pintuan at lumabas ng silid.
Nagbuntong-hininga naman ako at tumingin sa labas ng aking bintana, pinagmamasdan ang buwan at ang mga butuin sa kalangitan. Agad-agad namang tumulo ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan mula sa mga mata ko, at madali naman akong napahikbi pagkatapos.
Alam kong mali ang ginawa ko kay Dylan kanina, pero sadyang nadala na kasi ako sa aking mga emosyon. Sadyang nabigla ako sa aking natuklasan. At sadyang masama ang aking loob noong mga sandaling iyon kaya sa kanya ko nabuntong ang galit na nararamdaman ko.
Kaya naman pala hindi ako binisita ni Hailey ngayon. Kasi alam kong ngayong mga oras na ito, kasama niya si Christian at masaya nilang ipinagdiriwang ang supposed-to-be first anniversary namin bilang magkasintahan.
Masaya silang magkasama ngayong mga sandaling ito, samantalang ako nama’y umiiyak at mag-isa dito sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
To Lie and Pretend
Jugendliteratur[Love, Lies, and Deception Trilogy Book I] [Summary] Simula pagkabata, ni isang beses, hindi naranasan ni Hailey Buencamino ang magkaroon ng normal na buhay. Home-schooled at laging nasa ospital dahil sa kondisyon niya, hindi niya kailanman naranasa...