Hailey’s POV
“Are you sure that you’re really alright now? You’re not feeling any pain? You don’t need to go to the clinic? Or the medical center? Or even the hospital?” Ang muling pag-uusisa sa akin ni Christian habang minamaneho niya ang kanyang kotse patungo sa direksyon ng aming bahay.
Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa pagiging sobrang maaalalahanin niya. Banayad ko naman siyang tinapik sa kanyang balikat, assuring him.
“Seriously, Christian. I really am fine. I’m just tired, so all that I have to do is to rest for a short while. And afterwards, I’m very sure that I’ll definitely feel a whole lot better.” Sambit ko.
Napatingin siya saglit sa aking direksyon, halata talagang hindi mapalagay.
“Talaga?” Pag-uulit na naman niya.
Ngumiti ako muli, at pagkaraan ay tumango ako sa kanyang gawi. Tinitigan pa niya ako nang ilan pang sandali, at mamaya-maya’y itinuon na niya muli ang kanyang tingin sa aming mga dinadaanan. Nagbuntong-hininga siya pagkatapos.
“Fine, I believe you. I won’t hover too much anymore.” Ang mariin na pagsuko niya.
Tinapik ko naman siya muli sa kanyang balikat.
“That’s good to hear then. Akala ko aabot pa ng ilang oras bago ka tuluyang maniniwala sa akin.” Tawa ko. “By the way, pasensya na talaga dahil hindi kita masasamahan sa pupuntahan mo.”
Agad naman siyang umiling, at binigyan niya ako ng isang mapaniguradong ngiti.
“It’s alright. Pwede naman akong magpasama sa iba e, and it’s not that important right now. My top priority is to make sure that you’re always safe, and that precedence goes above everything else.” Tugon niya.
Napayuko naman ako, nodding slightly.
“Thank you.” Ang mahinang pahayag ko, completely feeling nostalgic during those moments.
Bigla namang inilapat ni Christian ang kanyang libreng kamay sa ibabaw ng kamay ko, patting it gently. We remained like that for a short while, keeping silent, at ang tanging ingay lamang na aming naririnig sa paligid ay ang pag-ugong ng engine ng kotse.
Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na rin kami sa aming street, at mamaya-maya ay ipinarada ni Christian ang kanyang kotse sa tapat ng gate ng aming bahay, pinatay ang engine at madaling lumabas ng sasakyan. He hurriedly walked towards the passenger side of the car, at pagkaraan ay pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan palabas.
Dagli naman akong tumungo sa tapat ng aming gate, at pinindot ang doorbell pagkatapos. Nanatili naman si Christian sa aking tabi, at sinamahan niya akong maghintay doon sa labas hanggang sa pinagbuksan ako ng kasambahay naming si Ate Larisa.
“Maraming salamat sa paghatid.” Pagpapaalam ko sa kanya.
Tumango naman siya sa aking gawi, at mamaya-maya ay bigla na lang niya akong hinalikan sa aking pisngi at nginitian.
“Magpahinga ka na kaagad a?” Pagpapaalala niya.
Tila nabigla pa rin ako sa kanyang ginawa, pero buti naman at nakatango pa rin ako nang kahit papano. Agad-agad naman akong tumalikod sa kanya at tumungo papasok sa looban.
“Ingat sa pag-uwi.” Tawag ko sa kanya, bago ko isarado ang gate at tumakbo papunta sa bahay.
Madali akong dumiretso sa aking kwarto, at nang makapasok sa loob ay dagling nanghina ang aking mga tuhod at napaupo na lamang ako doon. Napunta naman ang aking kamay sa ibabaw ng aking dibdib, at naramdaman ko ang napakabilis na pagtibok ng puso ko. Tila nang-iinit rin ang aking mukha, na para bang lahat ng dugo sa aking sistema ay napunta sa aking mga pisngi.
Oh no.
Don’t tell me that I’m actually falling in love with my twin sister’s boyfriend?
BINABASA MO ANG
To Lie and Pretend
Fiksi Remaja[Love, Lies, and Deception Trilogy Book I] [Summary] Simula pagkabata, ni isang beses, hindi naranasan ni Hailey Buencamino ang magkaroon ng normal na buhay. Home-schooled at laging nasa ospital dahil sa kondisyon niya, hindi niya kailanman naranasa...