Heather’s POV
“You will be released from the hospital in at least a week’s time.” Ang mabuting balita ni Dr. Montereal sa akin nung umagang iyon, isang masayang ngiti ang nakalapat sa kanyang mukha.
May namuo na ring ngiti sa aking mga labi pagkatapos.
“That would be great then. Thank you so much for the wonderful news, Dr. Montereal.” Ang natutuwang sambit ko.
Agad namang tumango ang doktor.
“Well, I guess that’s all I can update to you about your current condition.” Tugon niya. “Anyways, I have to attend to another patient and you also need to rest, so it’s better that I leave now. Just remember that if you need anything, feel free to call me or any of the nurses, alright?” Paalala niya sa akin.
“Yes, Doctor.” Sagot ko naman, sabay higa sa aking kama.
Mamaya-maya ay lumabas na rin siya ng silid, dala-dala ang kanyang checklist. Tumingala na lang ako pagkaraan, humihinga nang malalim at nakatitig lang sa kisame.
Hay. Minsan talaga, ang boring dito sa ospital. I even feel like I’m a bird trapped in a cage who’s not allowed to get out because of a broken wing. Sobrang limited lang naman kasi ng mga pwede kong gawin since my right leg is still in a cast. All I mostly do is sleep, eat meals, rest for a while, and then sleep again. Hindi rin naman ako pinapayagang lumabas ng kwarto para mag-ikot-ikot sa corridors o kahit sa back garden man lang ng ospital hangga’t wala akong kasamang guardian or nurse. Completely boring and sad life, right? (-_-)
And I guess I’m just feeling absolutely restless. Kung tutuusin rin naman kasi, nasanay na talaga akong laging maraming ginagawa maging sa school man o sa bahay, so at most times, my schedule is completely occupied. Sadyang naninibago lang talaga ako sa pagiging immobile.
I closed my eyes tightly, really hoping that sleepiness would finally overcome me. Pero pagkalipas ng ilang minuto ay muli akong napadilat, hindi talaga makatulog. Napaupo ako sa aking kama, at sumandig na lang ako sa ulunan, rubbing my eyes. Saktong-sakto ay may pumasok sa aking kwarto, at agad na napunta ang aking tingin sa direksyon ng pintuan.
Dagli namang nanlaki ang aking mga mata nang makita ko kung sino ang dumating.
“What are you doing here?” Ang agarang demanda ko kay Dylan, na siyang may hawak-hawak na bouquet of flowers, goody basket at ilang mga notebooks.
Hindi niya masyadong pinansin ang masamang tingin na itinuon ko sa kanya, but instead, he continued to stride towards me, giving me a small smile. Pagkaraan ay inilapag niya ang kanyang mga dala sa table na nakapwesto sa tabi ng kama ko.
“Kamusta ka na?” Tanong niya sa akin, sabay pwesto sa upuan na nasa tapat ng kama ko.
Napayuko naman agad ako, tila iniiwasan ang kanyang tingin.
“What are you doing here?” Ang muling ulit ko.
At the corner of my eye, I saw him give me a forced smile, at pagkaraan ay bigla siyang tumayo sa kanyang kinauupuan at tumungo papunta sa bedside table ko. Nakita kong kinuha niya ang bouquet na dala-dala niya kanina, pati na rin ang vase na nakapatong sa tapat ko. Pumunta siya sa wash room at nilagyan ng tubig ang container, taking the wrapper off of the bouquet and arranging the flowers afterwards.
“I’m here to visit you, of course.” Ang kanyang tugon pagkabalik niya, sabay lapag ng vase sa tapat ko.
I gazed at the flowers neatly arranged on the container, and I couldn’t help but sigh when I realized that he brought me a bouquet of carnations, all of different colors that completely brightened the room.
“Favorite flower mo ang carnation diba? I just thought that it might cheer you up if I brought you a bouquet of them. Alam ko naman kasing hindi ka mapapakali habang nandito ka. After all, you were always such a busy buddy. Tsaka nagdala na rin ako ng chocolates since I know how much you love sweets. At wag kang mag-alala, there aren’t any nuts in them. Alam ko naman kasing allergic ka dun. And I also brought you some notes para makapag-review ka pa rin ng mga panibagong mga lessons kahit nandito ka.” Sambit ni Dylan, sabay pwesto muli sa tapat ko.
Pilit kong iniwasan ang kanyang tingin, talagang naiilang at nanghihinayang nung mga oras na iyon.
“Hindi ba’t may pasok ka ngayon? Bakit ka nandito?” Sumbat ko sa kanya.
Napayuko na lang rin siya.
“Kasi nandito ka, at alam kong nag-iisa ka ngayong mga oras na ‘to. I came to give you company.”
“Dylan, bumalik ka na sa school. Kaya ko namang mag-isa dito, so there’s no need for you to waste your time visiting me. I don’t need your company, so all of your efforts would definitely end up futile.”
“But Heather, every second that I spend with you is never a waste of my time. Tsaka wala rin naman akong ma-mi-miss out sa mga lessons sa school. Discussions lang naman ng mga Course Outline for the Fourth Quarter ang kadalasang ginagawa namin, so wala pa ring kwenta ang pag-attend ko ng klase. I’d rather visit you here in the hospital and take care of you.”
I immediately clenched my fists after hearing his sentiment, gritting my teeth in outright irritation. Tiningnan ko na rin siya nang diretso sa wakas, at binigyan ko siya ng isang napakasamang tingin.
“Bakit ba hindi mo pa rin ako naiintindihan hanggang ngayon? Ilang beses ko pa ba kailangang uulit-ulitin sa’yo? HINDI KITA KAILANGAN! So stop visiting me, alright? And leave me alone!” Sigaw ko.
Nakitang kong naging malungkot ang ekspresyon sa mukha ni Dylan.
“Pero Heather—” Umpisa ng protesta niya, na agad ko namang pinutol.
“Stop visiting me. And leave me alone.” Utos ko, sabay higa muli sa kama ko at takip ng kumot sa aking mukha.
Lumipas ang ilang sandali, at sa wakas ay naramdaman ko ang kanyang pagtayo mula sa kanyang pwesto. Narinig ko siyang magbuntong-hininga, at alam kong nakatitig siya sa akin nung mga oras na iyon.
“Fine, I’ll leave. If that’s what you really want me to do, Heather.” Ang huli niyang pahayag bago siya naglakad patungo sa labasan.
Nang marinig ko ang pagsara ng pintuan ay agad kong itinanggal ang kumot sa aking mukha at muling umupo sa kama. Pinagmasdan ko nang maigi ang plorera ng mga carnations na nakapwesto sa tapat ko, at dagli ko namang naalala ang napakalungkot na ekspresyon sa mukha ni Dylan nung sinigawan ko siya kanina.
At agad naman akong napaluha pagkatapos.
BINABASA MO ANG
To Lie and Pretend
Teen Fiction[Love, Lies, and Deception Trilogy Book I] [Summary] Simula pagkabata, ni isang beses, hindi naranasan ni Hailey Buencamino ang magkaroon ng normal na buhay. Home-schooled at laging nasa ospital dahil sa kondisyon niya, hindi niya kailanman naranasa...