Chapter 15: Guilt and Longing

3.5K 62 3
                                    

January 21, 2012 

 

Hailey’s POV 

“We’re here.” Tawag ni Christian si akin nang ipinarada niya sa tapat ng entrance ng park ang kanyang kotse nung gabing iyon. 

Agad niyang pinatay ang engine at lumabas mula sa driver’s side. And as usual, tumungo siya sa aking direksyon, pinagbuksan ng pintuan at inalayayan palabas. A gentleman as always.

Buong araw kaming magkasama ng boyfriend ni Heather ngayon, and he’s been taking me out to all kinds of fun and exciting places. First, we went to Enchanted Kingdom and rode on almost all of the attractions. Afterwards, when we finally got tired and hungry, he took me to the five-star restaurant, La Chetté Nicollé, and treated me to a completely fancy dinner. At ngayon, bago kami umuwi ay dinala niya ako dito sa park para mag-stargazing.

Hay. Kung tutuusin, this day is absolutely and without a doubt, perfect. Kahit sinong babae ay kikiligin talaga nang sobra-sobra ngayong mga oras na ito, most especially at how sweet and romantic Christian is. He definitely was every girl’s dream guy, and anyone would be lucky to have him as a boyfriend.

Pero kahit ano pa mang pilit kong maging masaya ngayong araw na ito, hindi ko rin talaga mapagkakaila ang mapait na katotohanang nanghihinayang rin ako nang sobra-sobra. Kasi kailanman ay hinding-hindi ko mababago ang katotohanang si Heather dapat ang kasama ni Christian ngayong mga sandaling ito at hindi ako.

Kasi si Heather naman talaga ang tunay niyang kasintahan at ang babaeng matagal na niyang minamahal, samantalang ako naman ay ang kakambal niyang pilit na nagpapanggap lamang. At yun ang pinakadahilan kung bakit talaga ako nanghihinayang ngayon.

Hinawakan ni Christian ang aking kamay, at magkasama kaming tumungo sa grasslands na nasa bandang gitna ng park. Nakahanap ng magandang pwesto ang kasama ko, at agad niyang inilatag ang dala-dala niyang blanket. Dagli naman kaming humiga doon at tumingala sa langit pagkatapos.

“The night sky is definitely beautiful, isn’t it?” Sambit niya pagkalipas ng ilang sandali.

Napatango ako, patuloy na pinagmamasdan ang kalangitan.

“It surely is.” Sang-ayon ko.

At the corner of my eye, I saw him smile in my direction.

“It’s almost as beautiful as you.” Tugon niya.

Hindi ko mapigilang matawa nang marinig ko ang kanyang mga sinabi.

“Nambobola ka na naman.”

Agad naman siyang napaupo at tiningnan ako nang maigi.

“Sinasabi ko kaya ang totoo.” Pagpupumilit niya, tila nangingiti na rin.

Nag-eyeroll naman ako.

“Oo na nga lang.” Saad ko.

Napatawa siya saglit pagkatapos, at mamaya-maya ay meron siyang kinuha mula sa kanyang bulsa. Napaupo na rin ako at napatingin sa kanyang gawi.

“Ano naman yang tinatago mo diyan?” Ang agarang tanong ko sa kanya.

Muli siyang napangiti sa direksyon ko, at pagkatapos ay tumungo siya sa aking likuran. Pagkalipas ng ilang sandali ay meron siyang isinuot na kwintas sa aking leeg, at dagli niya akong niyakap nang sobrang higpit.

“Happy First Anniversary to us. I love you, Heather Joyce Buencamino.” Sambit niya.

Nakita ko ang pendant ng kwintas na ibinigay niya, and I saw that it was made of pure silver and shaped like a heart, containing the letters C and H in its interior. Muling nanumbalik ang panghihinayang na kanina ko pang nararamdaman nung mga sandaling iyon, at nang di inaasahan ay bigla na lang may namuong mga luha sa aking mga mata. Agad naman akong napahikbi pagkatapos.

This was wrong. Everything was definitely and absolutely wrong.

Madali namang bumitaw sa akin si Christian at dagling pumunta sa aking harapan. Kitang-kita ko ang matinding pag-aalala sa kanyang mga mata nang tinitigan niya ako. 

“Teka, Heather. Bakit ka umiiyak? Are you hurt? Did I do something wrong?” Ang sunud-sunod na tanong niya, pawang natataranta at hindi na mapalagay.

I know that I should be glad because he was very worried about me, but in the end, his concern only made me cry all the more.

“Christian, I’m really sorry for deceiving you. I’m really sorry for misleading you. And most of all, I’m really sorry for lying to you all this time.” Paghikbi ko.

Halatang mas lalo lang siyang naguluhan pagkatapos niyang marinig ang mga sinabi ko.

“Anong ibig mong sabihin?” Ang tila nag-aatubiling tanong niya.

Huminga naman ako nang malalim at tinitigan siya sa mata, tanging sobrang panghihinayang na lamang ang nararamdaman nung mga sandaling iyon.

“Hindi ako si Heather, kundi ang kanyang kakambal na si Hailey.”

To Lie and PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon