Chapter 11: The Rescuer

3.8K 66 19
                                    

 

January 17, 2012

 

Hailey’s POV

“Christian? Nasaan ka?” Tawag ko sa boyfriend ni Heather pagkapasok na pagkapasok ko sa pool area ng school gymnasium nung dapit-hapong iyon.

Tumingin-tingin ako sa paligid ko, pero walang tao doon. Lumapit ako sa swimming pool at naglakad-lakad sa gilid nito, naghihintay. Most likely, nasa locker room pa siya ngayon. May pupuntahan daw kasi kami ngayon kaya sabi niya sabay na daw kaming umalis ng campus. At least, yun yung sabi sa note na nilagay niya sa locker ko kanina.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad-lakad, at mamaya-maya’y narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng gym. Lumingon ako at itinuon ang tingin ko sa direksyon nun.

“Ikaw ba yan Christian?” Tawag ko.

Lumipas ang ilang sandali, pero walang sumagot. Maglalakad na sana ako patungo doon nang may biglang humila sa braso ko at walang babala’y itinulak ako papunta sa swimming pool. Pagkatapos ay may narinig akong nagmamadaling lumabas ng gym at agad na sinara ang pintuan nito.

Pinilit kong umahon sa tubig, kahit lumutang man lang, pero yung problema talaga, hindi naman ako marunong lumangoy. Hindi kasi ako naturuan nung bata ako dahil sa mahinang kondisyon ng katawan ko.

“Tulong!” Ang nagpupumilit kong sigaw, naghihirap na nang sobra-sobra. “Tulong!” Muling ulit ko, pero wala pa ring dumating para isalba ako.

Lumipas ang ilang sandali, at tuluyan na talagang bumigay ang katawan ko at nahimatay ako. Hindi ko na alam kung ano pa ang mga nangyari pagkatapos, pero nang magkamalay muli ako ay nakaramdam ako ng mga labing nakalapat sa mga labi ko, at ang pagpasok ng hangin sa sistema ko. Mamaya-maya’y napaubo ako, at lumabas ang mga tubig na nalunok ko habang nasa pool pa ako.

Huminga ako nang malalim at dahan-dahang idinilat ang mga mata ko.

“Finally, you’ve woken up.” Ang agarang pahayag ni Christian nang makita niya ako, at huminga siya nang maluwag pagkatapos.

Magsasalita na sana ako para pasalamatan siya nang bigla na lang niya akong hinila papunta sa kanya at niyakap nang sobrang higpit.

“I’m sorry. Sorry dahil pinaghintay pa kita. Kung alam ko lang talagang mangyayari ‘to sa’yo, dapat hindi na lang kita niyayang sumabay sa akin ngayon. Sorry talaga.” Ang nagsisising sambit niya.

Tinapik ko ang likod niya at umiling.

“Hindi mo yun kasalanan. Hindi naman ikaw ang nagtulak sa akin papunta sa swimming pool eh. Tsaka hindi mo naman alam na ito ang mangyayari. Wag mong pagbintangan ang sarili mo.” Sabi ko.

Umiling siya nang ilang beses, at huminga nang malalim.

“Hahanapin ko talaga ang tumulak sa’yo at sisiguraduhin kong pagsisisihan niyang ginawa niya yun.” Paninigurado niya.

Muli akong umiling.

“Wag na please. Kalimutan mo nang nangyari pa yun. Hindi na yun importante.” Sabi ko.

“Pero—” Umpisa ng protesta niya na agad ko namang ipinutol.

“It doesn’t matter. What’s done is done. All that matters right now is that you’ve manage to save me on time. And I’m grateful to you because of that.” Pagpapasalamat ko.

Pero deep down, ang nasa isip ko nung mga sandaling iyon ay hindi ang tungkol sa katauhan ng tumulak sa akin, kundi ang katotohanang kahit CPR man yun, si Christian Montessa ang unang nakakuha ng first kiss ko.

To Lie and PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon