January 22, 2012
Hailey’s POV
“Heather.” Ang agad na salubong ni Christian sa aking kakambal pagkapasok na pagkapasok niya sa hospital room nito nung umagang iyon.
Nakita ko namang nangislap ang mga mata ni Heather nang makita niya ang kanyang kasintahan, at dagli silang nagyakapan pagkatapos.
“Christian, I missed you.” Sambit ng aking kakambal, napakasaya ang ngiting nakalapat sa kanyang mukha.
“I missed you too. So much.” Tugon naman ni Christian, sabay halik sa noo niya.
Nanatili na lamang akong tahimik nung mga sandaling iyon, wala nang ibang magawa kundi ang panoorin ang kanilang muling pagsasama mula sa sidelines. Hindi ko talaga alam kung bakit, pero bigla na lang bumigat ang aking dibdib at para bang sumakit ang aking puso nang masilayan ko ang napakasaya nilang reunion.
Pagkaraan ay bigla na lang bumukas ang pintuan ng silid at lumitaw sina Gracelyn at Kurt, na nagmamadaling tumungo papunta sa kama ni Heather.
“Heather! Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin na nandito ka pala?” Ang agarang demanda ni Gracelyn nang makita niya ang kanyang best friend, sabay yakap dito.
Nakita ko namang ngumiti ang aking kakambal sa kanya at binalik ang yakap niya.
“Pasensya na talaga kung nilihim ko ang kasalukuyang sitwasyon ko sa inyo.” Sambit niya.
Tinapik naman siya ni Kurt sa kanyang balikat, tinitingnan siya nang maigi.
“Sa susunod na may mangyaring ganito sa’yo, sabihin mo na sa amin a? Para naman hindi kami ma-left out. Wala man lang kaming kamuwang-muwang sa mga nangyari sa’yo. Ni hindi nga namin alam na naaksidente ka pala at halos isang buwan ka nang namamalagi dito sa ospital.” Pagrereklamo niya.
Dagli namang tumango si Heather sa direksyon niya, tila natatawa ang ekspresyon sa kanyang mukha.
“Opo, Sir Kurt. Promise, hindi na ako maglilihim sa inyo.” Saad niya.
Napangiti na rin si Gracelyn pagkatapos.
“Buti naman kung ganun! Para sa susunod, matutulungan naman namin kayo ni Hailey if ever that you two will switch lives again. That will definitely be fun and exciting for us all!” Tili niya.
Napatawa naman sila pagkatapos, at pagkaraan ay napalingon si Gracelyn sa aking gawi. Agad siyang lumapit sa akin at sinalubong ako ng isang mapalakaibiganing ngiti.
“I know that it’s pretty late, but it’s really nice to finally meet you, Hailey. I heard a lot of great things about you from Heather.” Tugon niya.
Ibinalik ko rin ang kanyang ngiti.
“It’s nice to finally meet you too, Gracelyn.” Sambit ko.
Nakita kong tumango at ngumiti rin sa aking direksyon si Kurt, na madali ko namang ibinalik pagkatapos. Mamaya-maya ay tumungo muli si Gracelyn sa tabi ni Heather, at nagsimula na siyang magkwento ng kung anu-anong mga pangyayaring naganap sa school nung mga panahong nakaliban sa klase ang aking kakambal.
Dun ko naman napansing hindi pala nila kasama si Dylan, which was quite weird since he was the one who first found out about my façade. Pero kung tutuusin, dahil sa sunud-sunod na mga biglaang pangyayaring naganap noong mga nakaraang araw, tila wala pa rin akong masyadong natuklasan tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng kakambal ko. Ngunit malakas talaga ang kutob ko na pawang meron silang naging nakaraan, na pilit nilang itinatago at inililihim sa aming lahat.
Napatigil ang aking pagmumuni-muni nang bigla kaming nagkasalubong ng tingin ni Christian. At bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay lumapit ako sa kanya at tinapik ko siya sa kanyang balikat.
“Pwede bang mag-usap tayo saglit? Sa labas?” Pakiusap ko sa kanya.
Tiningnan niya ako nang maigi, at pagkaraan ay tumango siya sa aking gawi. Magkasama naman kaming lumabas ng silid, parehong tahimik at tila naiilang sa isa’t isa.
“Ano bang gusto mong pag-usapan?” Ang agad na tanong niya sa akin pagkarating namin sa hallway na nasa tapat ng hospital room ni Heather.
Ilang beses akong huminga nang malalim, at pagkatapos ay tiningnan ko na rin siya nang diretso.
“I just wanted to apologize to you once again. Kahit alam kong sinabi ko na ito sa’yo kagabi, I just really want to clarify to you that I’m honestly and completely sincere with my apology. I’m truly sorry for lying to you all this time. For pretending to be someone whom you thought you truly knew. And for continuously deceiving you even up to this point. I really am very sorry, and I hope that you’ll be able to find it in your heart to forgive me despite all that I’ve done.” Paghingi ko ng patawad.
Bigla niya akong tinapik sa aking balikat, at nagulat naman ako nang makita kong binigyan niya ako ng isang mapaanyayang ngiti.
“Wag kang mag-alala, hindi masama ang loob ko sa’yo. Tutal, alam ko namang ginawa mo lang ang lahat ng iyon alang-alang kay Heather. So, don’t fret, alright? All is well that ends well. And after all, there was no harm done in the end.” Pahayag niya.
Napangiti na rin ako pagkatapos.
“Thank you.” Ang natutuwang sambit ko.
Mamaya-maya ay dagli ko namang naalala ang isa ko pang dahilan kung bakit kailangan ko talaga siyang makausap. Madali kong inilabas mula sa aking bulsa ang kwintas na ibinigay niya sa akin kagabi, at inilapat iyon sa ibabaw ng kanyang kamay.
“I forgot to return this to you last night.” Saad ko, nakayuko nang konti.
Dagli naman siyang tumango sa aking direksyon, at nakita kong inilagay niya sa kanyang bulsa ang kwintas.
“Sige, Hailey. Babalik na ako sa loob. Gusto ko kasing bawiin ang mga oras na hindi ko nakasama si Heather noong mga nakaraang araw.” Pagpapaalam niya.
Napatango na lang rin ako.
“Sige.” Ang mariin na tugon ko.
Muli siyang tumango sa aking direksyon, at pagkatapos ay bumalik siya sa loob ng hospital room ni Heather.
Nanatili naman ako doon sa labas, nakatitig pa rin sa pwestong kanina ay tinatayuan niya lang. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako nagkakaganito. After all, I should’ve already expected this to happen soon enough. Things would gradually go back to how it used to be, and Heather and I would return to our old lives.
Dapat inasahan ko na ang mga pangyayaring ito, pero bakit kaya may namumuong mga luha sa aking mga mata ngayong mga oras na ito?
BINABASA MO ANG
To Lie and Pretend
Teen Fiction[Love, Lies, and Deception Trilogy Book I] [Summary] Simula pagkabata, ni isang beses, hindi naranasan ni Hailey Buencamino ang magkaroon ng normal na buhay. Home-schooled at laging nasa ospital dahil sa kondisyon niya, hindi niya kailanman naranasa...