"Love is ironic."
Oo, totoo yan.
Kahit sino namang nakaranas nun,
Sigurado akong sasang-ayon rin.
After all,
Halos lahat naman tayo ay may kanya-kanyang mga experiences ng mga ironies ng love.
For example,
First time mo na ngang ma-in love,
May mahal namang iba ang minamahal mo.
Nagkaroon ka na nga ng boyfriend,
Bigla mo namang malalamang trip lang pala nilang magbabarkada ang pagliligaw niya sa'yo.
Plano mo na ngang sagutin ang manliligaw mo,
Bigla mo namang malalamang sila na pala ng inaakala mong bestfriend mo.
Ang sasaklap ng mga halimbawang nabanggit ko noh?
At alam kong marami pang ibang mga ganung sitwasyon na nagaganap sa love life ng isang tao.
Sadyang ganun talaga kasi ang love.
At kahit anong gawin mo,
Hanggang kailanma'y hinding-hindi mo ito mababago.
Pero alam niyo ba kung ano talaga ang pinaka-ironic sa love?
Yun ay kahit hindi ikaw ang pinili ng taong mahal mo,
Hanggang sa huli,
Siya pa rin ang itinitibok ng puso mo.
Ang sobrang ironic noh?
At kahit ako,
Nakaranas na rin ng ganun.
Nagmahal na nga ako,
Nasa piling naman siya ng iba.
Naging kami na nga,
Hindi naman pala ako ang babaeng inaakala niyang mahal niya.
Ako na nga yung nakipaghiwalay,
Ako pa rin yung mas lalong nasaktan.
At lumayo na nga ako,
Hindi naman siya makayanang makalimutan nang tuluyan ng puso ko.
Pero yung pinakamasaklap talaga sa lahat,
Ang lalaking minahal ko nang lubusan at totoo,
Ay ang lalaking pinakaimportante naman para sa isang taong malapit rin sa puso ko.
Kaya sa huli,
Habang masaya silang magkasama at sa piling ng isa't isa.
Ako nama'y nag-iisa at nagdurusa.
Pero may magagawa pa ba ako?
Kung sadyang ganito na talaga ang naging kinalabasan ng pag-ibig ko?
Love is ironic.
Oo, sadyang totoo yan.
Kasi sa simula palang,
Kahit hindi mo ito plinano,
Mararanasan mo rin ito sa ayaw man o sa gusto mo.
BINABASA MO ANG
To Lie and Pretend
Roman pour Adolescents[Love, Lies, and Deception Trilogy Book I] [Summary] Simula pagkabata, ni isang beses, hindi naranasan ni Hailey Buencamino ang magkaroon ng normal na buhay. Home-schooled at laging nasa ospital dahil sa kondisyon niya, hindi niya kailanman naranasa...