Hailey’s POV
“Sige na. Pumunta ka na please?” Ang panlimang pilit ni Gracelyn sa akin, at dinig na dinig sa background ang malakas na tugtog mula sa speakers sa linya niya.
Napabuntong-hininga ako.
“Hindi talaga ako pwede ngayon eh.” Pagdadahilan ko, nag-aatubili. “Madami pa kasi akong errands na gagawin. Tsaka tambak pa ako sa mga assignments at projects sa Student Council. Next time na lang. Promise, pupunta na talaga ako.”
“Pero Heather, minsan na nga lang tayo mag-party eh. Tsaka birthday pa naman ngayon ni Joyce, at gusto niya talagang pumunta ka. Sige na.” Dagdag pa niya.
Muli na naman akong napabuntong-hininga.
“Sorry Grace, pero hindi talaga pwede. Next time na lang, okay?” Ang wakas na pahayag ko.
Napabuntong-hininga na rin ang bestfriend ni Heather.
“Sige na nga.” Ang nag-aalinlangang pagsang-ayon niya. “But in case you finish everything early and have extra time, come. Please?” Ang muling pagpupumilit niya.
Napakamot ako sa ulo, nag-aatubili pa rin. Pero mamaya-maya’y, napakibit-balikat na lamang ako.
“Fine. But only when I have the extra time.” Sabi ko.
Ang madaliang pagtili ang agad na isinagot ni Gracelyn sa akin.
“Great!” Sambit niya, halatang tuwang-tuwa. “Sige, I’ll leave you in peace now. Bilisan mo Heather ah? Bye!” Pagpapaalam niya.
“Sige, bye.” Pahayag ko, at pagkatapos nun ay naputol na ang tawag.
Ibinalik ko ang cellphone na aking hawak-hawak sa bulsa ko at tumungo pabalik sa kwarto ni Heather. Pero habang naglalakad sa lobby ay may bigla akong nakitang pamilyar na lalaki, na patungo rin sa destinasyon ko. Tumigil ako sa paglalakad at nagmasid, at dun ko narealize na si Dylan pala ang lalaking iyon.
Agad akong tumalikod at nagmadaling tumungo papunta sa kabilang direksyon, pero nang di inaasaha’y may nakabunggo ako.
“I’m so sorry. I was in a hurry.” Ang madaliang pagpapaumanhin ko.
“Heather?” Ang tila gulat na sambit ng kaharap ko.
Napatingin ako sa kanya at agad na nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko kung sino siya.
“C-Christian? Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko.
May grin na namuo sa mga labi niya.
“I was about to ask you the same thing.” Panandalian siyang tumawa. “Nagpasama kasi si Dylan sa akin. May bibisitahin daw siya dito. Although, unfortunately for me, I lost track of him while on the way.” Sabi niya.
So si Dylan nga talaga ang nakita kong naglalakad papunta sa kwarto ni Heather kanina. Ibig sabihin ba nun, alam na niya ang sikreto namin? Ang pagpapanggap ko? Pati na rin ang aksidente ni Heather?
Pero paano naman niya yun natuklasan? Wala namang ibang nakakaalam tungkol sa set-up namin maliban kela Mom at Dad. Paano niya naungkat ang katotohanan? At higit sa lahat, paano niya napaniguradong hindi nga talaga si Heather ang kasama nila, kundi ako na isang impostor lamang?
Mas lalo pang dumami ang mga katanungang pumasok sa isipan ko nung mga sandaling iyon, at mas lalo pa akong nagduda tungkol sa tunay na relasyon nina Heather at Dylan sa isa’t isa. Pero agad na naputol ang pag-iisip ko nang biglang magsalita muli si Christian.
“Oo nga pala, hindi mo pa pala sinasabi ang dahilan kung bakit ka rin nandito.” Sabi niya, sabay bigay sa akin ng isang nagtatakang tingin.
Agad kong inilayo ang titig ko sa kanya, at nagmadaling nag-isip ng matinong palusot.
“Meron lang pinakuhang medications si Mom sa akin dito. Nakalimutan niya kasing dalhin pauwi ang mga prescriptions niya nung nagpacheck-up siya kanina.” Pagsisinungaling ko.
Tiningnan niya ako nang maigi at tumango.
“Ah, ganun ba?” Sambit niya, sabay ngiti. “Akala ko kasi nagpacheck-up ka kaya ka pumunta dito. Kinabahan tuloy ako. Akala ko talaga nagkasakit ka na naman.” At huminga siya nang malalim pagkatapos.
Umiling ako at binigyan siya ng isang mapaniguradong ngiti.
“Wag kang mag-alala. I’m completely well.” Sabi ko.
Tumango muli siya.
“Ah, muntikan ko nang makalimutan. Pupunta ka ba sa party ni Joyce ngayon? Invited ka naman diba?” Tanong niya.
Pinagkibit ko ang mga balikat ko.
“Oo…pero…” Umpisa ko, nag-aalinlangan.
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
“Come on. Minsan lang naman eh. I-te-text ko na lang si Dylan na mauuna na tayo. Plano naman naming dumiretso papunta doon pagkatapos naming dumaan dito.” Pagpupursigi niya.
Nag-atubili muli ako, hindi talaga sigurado kung anong dapat na maging sagot ko. But unfortunately for me, I made the mistake of looking at Christian’s eager and excited face, and all the hesitation and reluctance that I felt at that moment completely dispersed from my mind.
Tumango ako at sumunod sa kanya.
“Sige na nga. Tutal, minsan lang naman eh.”
BINABASA MO ANG
To Lie and Pretend
Teen Fiction[Love, Lies, and Deception Trilogy Book I] [Summary] Simula pagkabata, ni isang beses, hindi naranasan ni Hailey Buencamino ang magkaroon ng normal na buhay. Home-schooled at laging nasa ospital dahil sa kondisyon niya, hindi niya kailanman naranasa...