Chapter 19: Unforeseen Heartbreak

3.8K 70 8
                                    

Hailey's POV 

"Mukhang madami ka nang naging mga bagong kaibigan a." Ang biglang salubong ni Dylan del Amar sa akin nung hapong iyon, sabay upo sa cot na nakapwesto sa tabi ko. 

Agad naman akong napalingon sa kanyang gawi, gulat na gulat dahil sa biglaan niyang paglapit sa akin.

Napatingin na rin siya sa aking direksyon pagkatapos, at dagli siyang napatawa nang masilayan niya ang ekspresyon sa aking mukha.

"There's no need to stare, you know." Saad niya, tila natatawa pa rin.

Napakurap naman ako nang ilang beses, natatauhan na rin sa wakas.

"Pasensya na. Hindi ko rin kasi mapigilan ang sarili ko for reacting that way. After all, I really thought that you were going to bite my head off the last time that you talked to me." Sambit ko.

Huminga siya nang malalim, tumitingala nang konti.

"I'm really sorry for being that way, and I'm also sorry for judging you wrongly. Dapat inalam ko muna ang totoong dahilan kung bakit ka nagpapanggap bilang si Heather. Dapat hindi kita inakusahan at pinagbintangan na nang-aagaw ng buhay ng kakambal mo, all to the point that I even pushed you into the swimming pool at the school a few weeks ago. At dapat hindi kita hinusgahan nang ganun-ganun lang, lalo na dahil hindi pa naman kita kilala nang lubus-lubusan. Sana magawa mo pa talaga akong patawarin kahit ang dami ko nang nagawang kamalian sa'yo." Paghingi niya ng patawad.

Napatango naman ako at tumingin nang diretso pagkatapos.

Somehow, I already had a hunch a long time ago that Dylan was the one who pushed me into the swimming pool at the school. Tutal, siya lang rin naman kasi ang naisipan kong may sapat na motibo para gawin yun, although I admit that I didn't bother to ponder on the thought anymore. Kung tutuusin rin naman kasi, I didn't have any evidence that he really was the one who did the crime, and I don't want to end up accusing him wrongly. Ayoko namang mas lalo lang maging komplikado ang sitwasyon naming lahat dahil lang sa maling pagbintang ko sa kanya.

Pero kahit na matagal na akong naghihinala tungkol kay Dylan, at dapat ay magalit na ako sa kanya lalo na at kinumpirma na niya ang pagkukutob ko, hindi ko talaga magawang kumimkim ng sama ng loob. Dahil alam ko namang ginawa niya lang ang lahat ng iyon alang-alang sa kakambal ko. And I can never be angry at him because of that mere fact.

"It's alright. I already forgave you a long time ago, Dylan. And besides, there really was no harm done in the end. Tsaka at least naresolba na rin ang lahat-lahat ngayon. Heather and I have finally returned to our old lives, and everything has gone back to how it used to be before our whole façade." Saad ko.

Tiningnan niya ako nang maigi.

"Is that really what you think?" Pagkokontra niya.

I reluctantly nodded, forcefully trying to avoid his gaze.

After all, I know for a fact that not everything will go back to how it used to be. Because during my whole act as Heather Joyce Buencamino, there were some changes that occurred in our lives that are truly irreversible. Some changes that are still affecting us up until now.

Bigla namang napadako ang aking titig sa direksyon nina Christian at Heather, na magkasamang nakaupo sa poolside. Nagkasalubong saglit ang titig namin ng boyfriend ng kakambal ko, at agad akong napayuko pagkatapos.

Hindi ko naman na-realize na nakatingin pa rin pala sa akin si Dylan.

"Mahal mo na siya no?" Tugon niya.

Dagli naman akong napatingin sa kanya, gulat-gulat sa kanyang biglaang pagtanong.

"A-ano?" Ang natataranta kong sambit.

Tumingin siya nang diretso at pilit na ngumiti.

"Si Christian, mahal mo na siya diba? And I'm telling you right now, don't even attempt to deny that fact. After all, there's really no point in doing that since it's already and completely obvious."

Inilayo ko muli ang aking tingin sa kanya, hindi na makasagot.

"E ikaw? Mahal mo si Heather diba?" Balik-tanong ko naman.

Narinig ko ang kanyang mariin na buntong-hininga, and at the corner of my eye, I saw him gaze towards my twin sister's direction, his eyes full of longing and regret.

"Oo, mahal na mahal ko siya, at alam kong mahal niya rin ako. Pero yung problema lang talaga, in denial pa rin siya hanggang ngayon." Tugon niya, at napatingin muli siya sa akin pagkatapos. "Tulad ninyo ni Christian." Dagdag pa niya.

Agad akong naguluhan sa kanyang pahayag, pero bago ko pa man siya matanong tungkol dun ay bigla na lang siyang tumayo at tumalikod sa akin.

"Sige, una na ako. Sabihin mo na lang kela Gracelyn na umuwi na ako." Pagpapaalam niya.

Madali naman siyang umalis pagkaraan, at hindi ko na siya tinawag pa. After all, somehow, I really didn't want to hear his explanation, kasi baka mas lalo lang akong maguluhan kung malaman ko pa ang kanyang ibig na iparating sa akin kanina.

Mamaya-maya ay muli na naman akong napatingin sa direksyon nina Christian at Heather, and while I looked at the two of them together, both completely happy and contented with each other, hindi ko talaga mapigilang mapaluha at masaktan nang sobra-sobra.

Kasi nung mga sandaling iyon ay dun ko lang na-realize na mahal ko na nga talaga si Christian Montessa.

To Lie and PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon