Chapter 14: Compromise

3.6K 60 2
                                    

January 19, 2012 

Heather’s POV 

BORED.

Yan ang nararamdaman ko ngayong mga oras na ito. I am, without a doubt, completely and utterly bored to death.

Isang buntong-hininga na naman ang lumabas sa aking bibig, at sumandig ako sa likuran ng aking wheelchair pagkatapos, tumitingala na lamang at pinagmamasdan ang kalangitan. 

Nasa back garden ako ngayon ng hospital, binabantayan ng nurse kong si Nurse Cabrera, and obviously, wala naman akong magawa dito kundi ang tumambay na lamang at magpahangin. Even though I’m truly grateful dahil pinayagan na nila akong lumabas ng hospital room ko, parang wala pa rin namang pinagkaiba ang pag-stay ko dito sa pamamalagi ko doon sa kwarto. Hay. Extreme boredom is truly agonizing. (=_=)

Naramdaman kong may biglang lumapit sa aking wheelchair. Most likely, si Nurse Cabrera iyon. Umalis kasi siya saglit para kuhanan ako ng tubig, at mukhang nakabalik na rin siya sa wakas.

“Nurse, pwede po bang ihatid niyo na po ako sa kwarto ko? Magpapahinga na lang po ako doon.” Pakiusap ko, umaayos ng upo.

Agad kong naramdaman ang pagtulak niya sa aking wheelchair, at pinatungo niya ako sa direksyon ng pasukan.

“You’re bored again, aren’t you?” Sambit ng tumutulak sa akin, at dagli namang nanlaki ang aking mga mata nang mamalayan kong hindi pala si Nurse Cabrera ang kasama ko.

Dali-dali naman akong lumingon sa aking likuran, at nagkasalubong kami ng tingin ng walang iba kundi ni Dylan del Amar. Isang masamang titig ang agad kong ibinigay sa kanya.

“Ano na namang ginagawa mo dito?” Demanda ko.

Patuloy naman siya sa pagtulak sa aking wheelchair, tila mawalang-bahala.

“I dismissed the nurse. Sabi ko ako na lang ang bahalang magbantay sa’yo, at ako na lang rin ang maghahatid sa’yo pabalik sa hospital room mo.” Sagot niya.

Iritado naman akong nagbuntong-hininga.

“Dylan, hindi ka ba talaga susuko diyan sa mga pinaggagawa mo? Don’t you see that what you’re doing right now is completely wrong? Girlfriend ako ni Christian, na siyang best friend mo naman. Don’t you realize that you’re betraying his trust by being like this?” Sumbat ko.

Nanatili lang siyang nakatingin nang diretso.

“Pero hindi ba’t hindi naman ikaw si Heather?” Pakli niya.

“Ano?” Tanong ko naman, naguguluhan sa kanyang mga pinagsasabi.

Tumigil na siya sa pagtulak sa aking wheelchair, at tiningnan na rin niya ako nang diretso pagkatapos.

“Technically, right now, hindi ikaw si Heather Joyce Buencamino, kundi ang kakambal niyang si Hailey. That’s the main reason why you made her pretend to be you in the first place, right? So I’m not really betraying Christian by being with you.” Pagdadahilan niya.

Hindi ko mapigilang mag-eyeroll.

“That’s a completely irrelevant sentiment.” Kontra ko.

He immediately chuckled afterwards.

“No, it’s not. I’m just stating mere facts here, and my explanation is completely reasonable.”

“Hmph. Whatever.” Sabat ko naman, sabay cross-arms at talikod sa kanya.

He chuckled once again.

“O, ano? Hindi mo na ako sisigawan at ipagtatabuyan tulad noon?”

Huminga naman ako nang malalim.

“There’s no point in doing that anymore. Tutal, alam ko namang ipagpapatuloy mo pa rin ang pangungulit sa akin kahit ilang beses pa kitang sumbatan at paalisin dito.” Ang mariin na saad ko.

Nakita kong napangiti siya sa aking gawi.

“I guess we’ll just have to compromise then.” Tugon niya, at pagkatapos ay kanyang ipinagpatuloy na lamang ang pagtulak sa aking wheelchair papasok ng ospital.

Napayuko na lamang ako at hinayaan siyang gawin ang kagustuhan niya, at mamaya-maya ay unti-unti kong naramdaman ang pamumuo ng ngiti sa aking mga labi.

Kung tutuusin, wala naman talagang patutunguhan ang lahat kung patuloy kong ipagtatabuyan si Dylan. Sa huli, pareho lang kaming masasaktan, kung kaya’t hahayaan ko na lang siyang manatili sa tabi ko. After all, this doing would only continue for a short period of time, and soon enough, I’ll be released here from the hospital, and afterwards, things would definitely go back to how it used to be. Hailey would stop her act, and I’ll return and reclaim my place as the true Heather Joyce Buencamino. Sandali na lang at magiging normal na rin ang lahat-lahat.

But for now, lulubusin ko na muna ang pagsasamahan namin ni Dylan. Panandalian lang naman itong lahat e, kaya wala itong masyado magiging epekto sa kinabukasan.

So, for the mean time, I’m willing to compromise.

To Lie and PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon