Heather’s POV
Most. Relaxing. Day. Ever.
“So far.” Pahayag ko, sabay inom sa Iced Caramel Macchiato na binili ko kani-kanina lang.
I leaned back on my seat and sighed. Nasa Starbucks ako ngayon, walang ibang magawa kundi ang tumambay-tambay na lang. Hinihintay ko kasing dumating si Hailey galing sa school, and she’s getting quite late. Sighing again, I got out my phone and looked at the time. It was already 5:00 PM. She was supposed to arrive about two hours ago. Another sigh. I’ve been waiting for almost two hours already, and I was getting impatient. Sa’n na kaya yung kakambal kong yun?
I crossed my legs in irritation and unlocked my phone. Makapag-facebook na nga lang. Tutal, may free wi-fi naman dito eh. At least, I think so. Anyways, may free internet usage pa naman ako kaya okay lang.
After a while, when I finally got connected, I browsed through my home page and looked through the news feed. I saw a post from our school’s page and clicked on the link. So, nanalo nga talaga si Christian sa swimming competition niya sa Europe. Well, it really was no surprise. That was already so expected of him. Most likely, he should be arriving home by now. Imposible namang magkita pa sila ni Hailey. I’m sure that won’t happen.
Pagkalipas ng ilang minuto ng pagsu-surf, I finally logged out and returned my phone to my pocket. Tiningnan ko ang paligid ko, nagbabaka-sakaling dumating na ang kambal ko. But to no avail, there was no sign of Hailey anywhere. Hay naku. Saan pa kaya nagpunta yung babaeng yun? (-_-)
But as I looked through my surroundings, agad na nanlaki ang mga mata ko nang masilayan ko ang isang napakapamilyar na lalaking naglalakad papunta sa café.
No way. What is HE doing here?!
Tinanggal ko ang tali sa buhok ko at hinayaang takpan ng buhok ko ang mukha ko. Saktong-sakto, pumasok sa loob ng Starbucks si Dylan, at agad na dumiretso sa counter.
“Isang Iced Caramel Macchiato.” Narinig kong itugon niya.
Pinilit ko ang sarili kong wag tumingin sa kanya. He must not see me. He must not see me. HE MUST DEFINITELY NOT SEE ME! (>_<)
After a few minutes, I sneaked a peek at his direction, at nakita kong nakuha na niya ang order niya. If luck is on my side, he would just leave the café without noticing me. Pero kung hindi, ewan ko na lang talaga kung anong mangyayari. (O_O)
Pero mukhang minamalas ata ako ngayon.
Naglakad si Dylan papunta sa isang table, na saktong nasa TAPAT lang ng pwesto ko. Iniyuko ko ang ulo ko, at nagdasal na sana hindi niya talaga ako makita. Buti naman at nung umupo siya, nakatalikod siya sa akin. Agad akong nakahinga nang maluwag. Madalian kong inayos ang mga gamit ko, at halos patakbo nang lumabas ng café.
Nang makalayu-layo na ako, dun ko naman narinig ang boses ng kakambal ko.
“Heather!” Ilang beses niyang tawag, habang tumatakbo papunta sa akin.
Agad akong lumapit sa kanya at hinila siya palayo.
“Dali na. Sa SM na lang tayo.” Sabi ko.
Mukhang naguluhan si Hailey sa mga ikinikilos ko, pero buti naman at sumunod pa rin siya sa akin.
“Pero akala ko ba sa Starbucks muna tayo? May nangyari ba?” Ang mga nagtatakang tanong niya.
“I’ll explain everything later.” Ang madaliang sagot ko.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa tumigil kami sa tapat ng pedestrian lane. Hinintay naming maging pula ang stoplight, at nang sa wakas at nagsitigil na rin ang mga sasakyan, ay agad akong nauna sa pagtawid.
Pero nung nasa kalagitnaan palang ako ng kalsada ay dun ko lang napansin ang motorcycle na umaaligid padiretso sa akin. I didn’t even have the time to blink, let alone run away, before it came swerving towards me.
“HEATHER!” Ang huling tugon na narinig ko galing sa kambal ko nung mga sandaling iyon.
And after a sudden crash, agad na nagdilim ang lahat.
BINABASA MO ANG
To Lie and Pretend
Teen Fiction[Love, Lies, and Deception Trilogy Book I] [Summary] Simula pagkabata, ni isang beses, hindi naranasan ni Hailey Buencamino ang magkaroon ng normal na buhay. Home-schooled at laging nasa ospital dahil sa kondisyon niya, hindi niya kailanman naranasa...