Chapter 2: Miss Perfect Girl's Secret

6K 124 35
                                    

 

Heather’s POV

 

“Yan si Ms. Garcia.” Sabi ko, sabay turo sa teacher na nasa class picture ng section namin na hawak-hawak ni Hailey. “Siya yung class adviser namin.” Dagdag ko.

Tumango si Hailey at sinuri muli ang mga pictures na inilatag ko. Tiningnan niya rin yung mga pictures na nakalagay sa yearbook namin nung elementary school, browsing through its contents.

“Wow. Almost every section ng yearbook niyo, mentioned ka.” Sabi niya, flipping through several pages. “No wonder you’re Miss Popular.” She said in outright admiration.

Hindi ko mapigilang mag-eyeroll nang marinig ko ang mga sinabi ng kambal ko. Geez. Hailey just doesn’t understand my situation at all. I mean, so what if I’m the class valedictorian? So what if I’m the student council president? And so what if I’m the lead actress in our drama club? Kahit sino naman kayang makamit ang mga yun if they worked hard enough. Besides, to me, those so-called “achievements” are meaningless. Titulo lang naman ang mga yun eh. Nothing more, nothing less. I really don’t understand why they’re such a big deal to other people. (-_-)

Oh yeah, before I forget, let me formally introduce myself to you guys. I’m Heather Joyce Buencamino, sixteen years old and currently a senior at St. Martin University. As you guys are already aware, I’m Hailey’s older identical twin sister. Oh, hindi niyo pa pala alam na mas matanda ako? Well, ayun. Alam niyo na. Pero I’m only older by fifteen minutes. (~_~)

Umm…so yeah. Ayun na lang ang masasabi ko sa inyo for now. Mukhang na-explain na rin naman kasi ni Hailey ang lahat sa inyo kaya hindi ko na papahabain ang introduction ko. Ayoko namang mabore pa kayo noh. So, nice to meet you guys. (^_^)

Nang lumipas ang ilang minuto, nakita kong kinuha ni Hailey ang isa sa mga photo albums na inilatag ko. Pagka-flip niya ng ilang pages, napunta sa akin ang tingin niya, at isang ngiti ang namuo sa mga labi niya.

“So, ito yung boyfriend mo?” Tanong niya, sabay turo sa lalaking katabi ko sa isa sa mga pictures sa album.

Napatingin ako sa direksyon niya at tumango.

“Yeah, that’s Christian.” Sagot ko.

Tiningnan ni Hailey nang maigi ang picture.

“In fairness, ang gwapo niya ah. Ang ganda talaga ng taste mo sa lalaki, Heather.” Sabi niya.

Hindi ko mapigilang ngumiti nang marinig ko ang sinabi niya.

Well, kung tutuosin, tama rin naman si Hailey eh. Christian Montessa was definitely, without a doubt, any girl’s dream guy. He is the captain of our school’s swim team. Laging siya yung pinaglalaban namin sa ibang schools tuwing may competition, and he always ended up winning all his races. He’s smart, handsome and unlike other guys with his kind of looks, he was actually nice to everyone. Frankly speaking, he was the perfect guy. And I’m absolutely lucky to be his girlfriend.

“Sino naman ‘to?” Tanong na naman ni Hailey pagkalipas ng ilang sandali, hawak-hawak ang isa sa mga pictures.

Lumapit ako sa kanya para tingnan kung sino yung tinutukoy niya, pero agad namang sumikip ang dibdib ko nang makita ko kung sino ang nasa litrato. Buti naman at hindi ko masyadong napahalata ang naging reaksyon ko kay Hailey. I managed to compose myself on time and tried to look indifferent.

“Yan si Dylan. Kaklase ko.” Sagot ko.

Napatingin ang kambal ko sa akin, a curious look on her face.

“Ex mo?” Tanong niya.

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niya.

“Huh?” Ang agarang tanong ko.

Binigyan niya ako ng isang naguguluhang ekspresyon.

“Bakit? Mali ba ako? I just assumed since ang dami mong pictures na magkasama kayo.” Sabi niya.

Nakahinga na rin ako nang maluwag-luwag nang marinig ko ang naging sagot ni Hailey. Naging mapanatag kahit papano yung loob ko.

“Ah, ganun ba? Siyempre hindi noh. Christian’s my first and only boyfriend. Best friend niya kasi si Dylan tapos lagi pa namin siyang nakakasama sa mga gimik kaya madami kaming pictures. Besides, imposible namang maging boyfriend ko si Dylan noh. There’s no way that would ever happen!” Pagdedeny ko, sabay bigay ng isang pilit na tawa.

Buti naman at mukhang naniwala si Hailey sa naging palusot ko.

“Kaya naman pala.” Sabi niya, nakangiti. “Pero kung tutuosin, gwapo rin naman si Dylan eh. Bagay rin naman kayo. But of course, mas boto ako kay Christian para sa’yo!” Tili niya, sabay tapik sa balikat ko.

Nakisakay na lang ako sa biro ng kambal ko at nagkunwaring natatawa. Pero during the whole façade, ilang beses na napunta sa litrato namin ni Dylan ang tingin ko.

Hay. If only Hailey knew. If only everyone knew. If only I could come clean. But the problem was that I couldn’t do that. I can’t tell anyone about this secret. This was a secret that nobody, not even Hailey, should know. I never told anyone about it. Not even my bestfriends Gracelyn and Kurt, two of the few people whom I can completely trust and rely on. And most especially Christian. He should NEVER know about it. Ever.

Besides, tanging dalawang tao lang naman ang nakakaalam nito at dapat hanggang dun lang talaga. This was a secret between me and Dylan. Nobody else but the two of us. And I plan to keep it that way no matter what.

Because if anyone else found out and it got leaked out, I’d end up breaking Christian’s heart.

To Lie and PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon