Unang Kabanata

202 4 0
                                    

Unang Kabanata: Novales


Habang tumatagal ang pagtitig ko sa kisame, hindi ko napapansin ang sariling masyado ko na palang inalala ang nangyari kanina. I was starting to make myself curious of his whereabouts. Medyo nakakagulat dahil hindi naman ako ganoon naagawan ng pansin lalo na sa isang lalaking estranghero. Dagdagan pa ang dungis nito sa katawan.

Sunod-sunod ang pagkurap ko nang maalalahanan ang sarili.

Humilig ako sa pagkakahiga sa kama at inisip nalang ang sinabi niya. I had to remind myself that whatever I was thinking earlier, they were only compliments. That's only it. Kaya habang pinapanood ko ang liwanag sa lamp ng desk sa tabi ng kama, binalikan ko ang sinabi ng lalaki kanina.

He said that the realm I was stepping earlier is owned by them. The part of the land... or maybe the boundary from our land. Was I trespassing already? I'm guessing the guy was only delusional.

Dahil sasabihin ni papa na huwag akong lalagpas, kung mayroon man, sa lupain namin doon sa rancho dahil may magagalit.

Natulog ako na tinanggap ng isipan na ang lalaking iyon ay nag-iilusyon lang. At sinabi na rin ni papa na baka isa iyon sa mga bandido sa lupain. Pero paggising ko, laman pa rin iyon ng isipan. Muli kong naalala ang sinabi ni papa na maiintindihan ko rin kalaunan ang lahat.

I had to retrace the word the man said when I recalled what papa has told me.

I was only home-schooled so I haven't got that much friends. Kaya sa araw na iyon ay tinawagan ko si Kuya dahil nagkaroon ako ng kuryusidad dahil sa idinahilan ni papa.

"Vien... kamusta kayo ni Papa?" Si Kuya Lhanz.

Alas tres na ng hapon at ngayon lang ako nagkaroon ng oras para matawagan siya. Kaaalis lang din ng teacher ko. Hindi na ako sumama sa paghatid sa kaniya palabas dahil buong session ng lesson namin, ang bagay na ito ay hindi mawalawala sa isipan. Kaya sinukbit ko ang oportunidad na ito para matagtanong sa kaniya.

Wala ngayon si Papa dahil umalis siya papuntang syudad. Kuya Lhanz is in Manila and my brother next to him is with him also.

Umupo ako sa harap ng maliit ng na ligaw na halaman sa hardin sa likod lang din ng mansyon. Talahib na ang likod mansyon ngunit may hangganan naman na mga makukulay na halaman bago magtalahiban. Naisipan ko lang na gawin ang tawag dito dahil mas mapayapa ang lugar na ito kumpara sa harapan.

Idiniin ko ang paghawak sa cellphone na nakalapat sa tainga.

My other hand touched the leaves of the outlier plant I found.

"Umalis ngayon si Papa... nagpaalam na may bibilhin lang daw."

"Oh? Why did you call?"

His voice through the phone's earpiece loudened. Lumapit siya siguro sa kaniyang phone. Hindi ko alam na may ginagawa siya ngayon. Tahimik din ang likod ng kaniyang linya.

Inisip ko agad ang sadya.

"A-ano kasi... ang tungkol sa rancho..." I said suddenly becoming hesitant.

I heard his lips parted. Kasunod noon ay may munting tawa akong narinig. I decided to continue my talk.

"May nakausap kasi akong bandido kahapon. Ang sabi niya sa akin—"

"What?!"

Bigla akong tumigil sa pagsasalita. Natutop ko rin ang mga labi dahil sa gulat.

"Ano ang naka-usap mo?!" He continued without even pausing.

Natakot ako at nabitawan ko pa ang daliri sa nilalarong halaman para lang mapantayan at mapagtuonan ang paraan ng pagtatanong ng kapatid. His voice was loud and I can feel his anger through the phone.

Crown of Light (Daguitan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon