Ikatlong Kabanata

108 3 0
                                    

Ikatlong Kabanata: Dark Aura


Medyo nagtagal ang pananatili ko sa labas. Nanonood lang ako sa ginagawa ng pinsan. Minsan may pinapakuha siya pero kadalasan ay nagtatanong-tanong lang ako sa kaniya. He would answer willingly though. Kung hindi naman ako nakatingin sa kaniya, nasa bagong lagusan sa gilid ng mansyon ang atensyon ko.

Agad akong tumayo nang napansin na lumabas na si Papa galing sa loob. Adonnis noticed him, too. Inaalalayan na niya ang motor kaya nakabaling na siya sa malaking lagusan ng moderno nilang mansyon. That's how he noticed him too.

"Adon, kayo lang pala rito ng Mama mo ngayon," si papa hindi pa man tuluyang nakakalapit.

"Opo, Tito Veril,"

"Hindi pa pala nakaka-uwi si Ragnar rito."

Muling tumango ang pinsan. Then papa noticed me beside them. Mabilis akong tinuro nito.

"Jaivien will be staying here for the day. Nababagot. Gustong sumama."

"Iyon nga po ang nasabi niya, Tito," pagkatapos ay bumaling sa akin ang pinsan. "Pupunta naman dito ang iilang mga kaklase ko. Panigurado pong malilipang siya rito."

"Sige, hija," papa hugged me lightly bidding his goodbye.

Hindi na ako sumunod noong nagtungo na siya sa gate. Sumunod na ako kay Adonnis. Tinutulak na niya ang motor papunta sa mabatong parte kung saan naputol ang bermudang pumapalibot sa paligid. The trees were tall and I realized it's a good spot. The motor can be protected from the sun's burns.

"Sa loob ka nalang muna. Naroon na si Mama."

"Dito ka lang ba?" tanong ko, pinanood ko naman ngayon ang pagpapatag niya sa maliliit na bato.

The pebble-like stones were leading to where I was looking earlier. Doon sa mga gilid ng mansyon, sa panibagong lagusan papunta sa likod nila. Napansin din siguro ni Adonnis kung saan nakabalinga ng atensyon ko.

"Gusto mong pumunta roon? Maputik pa ang dulo dahil hindi pa ayos. May mga talahip pa rin. Baka makakita ka ng ahas." He said.

I moved my two legs towards the direction. It's intriguing. But as I moved closer, the coolness coming from the tall trees got me a little discomfort.

Maaraw pa naman pero parang may kung ano sa akin na hindi nagustuhan iyon. The trees from far across were big and tall. And I don't want to get wronged; the shade and the way the sun enters from the top of the tall trees got the view more like of a paradise. Pero pinili ko parin ang tumalikod at harapin ang pinsan.

"Medyo nakakatakot," I blurted the opposite.

Muling nagtama ang mga maliliit na batong naaapakan ko dahil sa paghakbang ko ulit paglapit sa kanaroroonan niya. Medyo lumayo rin ako sa kaniya dahil pinuwesto niya ng mas maayos ang motorbike.

"Gagawin 'yang activity area. Sa taas sana kaso ayaw ni Mama dahil mainit kapag katulad nito. Ayos na rin dahil maganda naman diyan."

"Hindi ba magiging delikado?"

Umatras na siya sa motorbike at bahagya pang napalingon dahil sa tanong. Maayos niya nang naitayo ang bike. Ang tingin ko ay naroon pa habang siya ay papunta na sa Bermuda.

"Bakit naman magiging delikado?" Natawa siya. Inalis ko ang tingin sa bike at naglakad na rin para masundan siya.

"Wala namang mga hayop na pumupuslit. Wala ring mga magnanakaw. Halos kilala na namin lahat ng mga tao rito."

"Mga taga rito? Talaga?" My eyes widened when a thought immediately came. "Kahit 'yong mga bandido?"

The amazement on my voice was evident. Pero kumunot ang noo niya. Napatalikod din siya para mabalingan ako dahil sa tanong ko. My eyes were now directed at him. He made a face but chose not to say whatever he's thinking. Tumawa lang siya pagkatapos ay muling nagsalita.

Crown of Light (Daguitan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon