Ikalabing Anim na Kabanata

86 5 0
                                    

Ikalabing Anim na Kabanata: Caught


I haven't thought of what was going on between us since the day we started this. The emotions drew me into whatever I have for him. That the excitement I never expected would flare.

Masyado na pala akong tulala na hindi ko namalayang nakabalik na kami sa mansyon ng mga Costiniano. Masyadong napuno ang isip ko sa sinabi ng ina ni Novales.

Girlfriend. The word almost thundered while his mother kept on repeating that while we were there.

At bakit ba ako nagdaramdam ng ganito? What now if he has a girlfriend? Isa pa, wala namang may sinabi si Novales tungkol sa amin. Nag-uusap lang naman kami ng mga walang makabuluhang bagay. Updating each other for our whereabouts maybe just got into our comfortness from the way we treat each other. And maybe it's another blessing in disguise that Adonnis received a call from someone through the phone. Hindi niya ako halos pansinin kanina hanggang sa walang kamay-kalay kaming nakarating sa mansyon nila.

Nanatili muna ako ng ilang oras. Wala na si Papa pero kahit na sinabi ni Tito Aurelius na babalik siya, naging desidido na akong umalis 'pag matapos ang mga ilang minuto siguro.

"What happened? Why are you being so silent?"

Hindi pa nakakaalis, nasa may veranda ako nakatanaw sa mga nasa labas pang tao nang makita ni Ragnar.

Lumingon agad ako para harapin siya.

He was holding an empty glass. Lumihis agad ang tingin ko sa likod niya. I smiled when I saw no one behind him.

"Nag-away na naman ba kayo ni Adonnis?" dagdag niya.

Umiling agad ako at muling binalik ang tingin sa mga tao na nasa labas ng veranda.

"I thought you had a fight. Nakita ko kaninang may pinagtatalunan kayo."

"Wala lang 'yon." I stiffed my body. "Kanina lang tungkol sa paghatid. May pinag-usapan lang kami ni Adon tungkol doon pero ayos na kami ngayon. May iniisip lang ako rito."

I showed him again my smile, hinting my assurance. Pero wala yatang ibang gagawin si Ragnar kaya mas lumapit siya, sakto lang para magtabi kami rito sa veranda nila. I did not move any muscle. I thought he'll exit after that.

Maybe we'll talk what happened during the days just how we used to. Nanatili akong walang kibo para hintayin kung ano ang sasabihin niya.

Isang tikhim, gumalaw ang mata ko para tingnan ang gilid niyang naabot lang ng mata ko. Pero sandaling katahimikan muna bago niya naisipang ituloy ang sasabihin.

"Tungkol sa mga Argales," nanatili siya sa kaniyang tayo. Nanatili rina ng tingin ng mata ko sa kaniya. "Nagpunta kayo roon ni Adonnis. Alam mo na ba?"

"M-may alam ako... kaunti lang," halos mapasinghap ako.

"Alam ni Tito na ang mga Argales ang pupuntahan ninyo?"

Bumisita sa isip ko si Papa. Pagkatapos ay umiling, dahil sinadya kong hindi banggitin ang patungkol dito. My only excuse to him was that Adonnis and I will be going somewhere. Na hindi niya na pinagtakhan dahil alam kong alas para sa kaniya si Adonnis.

Hindi nakita ni Ragnar ang pag-iling ko. Humilig ang ulo niya sa direksyon ko.

"Mukhang wala na naman sa isip ni Papa ang tungkol sa kung ano mang nangyari noon. He allowed me to roam the Municipality. At pumayag na rin siyang pumasok ako sa isang national high school."

Tuluyan siyang humarap sa akin.

Halos hindi ako kumurap habang sinasabi ang mahabang paliwanag. Nakita ko ang paglalim ng kaniyang mata.

Crown of Light (Daguitan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon