Ikadalawampu't Walong Kabanata: Unknown
I don't know what to do!
Ramdam ko ring sobrang lakas ng tibok ng puso ko!
Nang inabot sa akin ng kaibigan ang kaniyang phone, wala sa isip ko itong tinanggap. At huli ko nang napagtanto na kita pala sa mga daliri ko ang nararamdaman kong kaba.
"Pasensya na mga attorney. Pang remembrance ko lang," narinig kong bulong ni Nelsa.
Saglit na bumaba ang tingin ko kay Novales. Nahuli kong seryoso ang kaniyang mga mata. And based from where he's gazing, when his eyes lifted, a particle in my head immediately concluded where he's attention was. Na dahilan para dagdagan ang kabang bumabalot sa puso ko.
It's been so long since the last time I saw him. Many things have changed. Without excluding me, and the way how I perceived myself.
And to know that he looked my 'down there', made me become uncomfortable!
"Sige na, Vien," nalipat ang atensyon ko kay Nelsa.
Isang lalaki ang pagitan niya kay Novales. Medyo humahalo rin siya sa mga katabi nito.
Agad akong nabalisa sinabi niya.
Kanina ko pa binuhay ang camera ng phone niya. Ngunit hindi pa man nagkakalahati sa pag-angat, agad kong binaba dahil kita ko sa mga gilid nito ang panginginig ng mga daliri ko.
Napamura ako sa isip ko.
I needed my fingers to be obedient! And with so many chances, now that Novales is here in front of me, they have become this rebellious!
"T-teka lang," palusot ko.
Kinagat ko ang ibabang labi at nagkunwaring may kinakalikot ako sa phone. At habang ginagawa ko iyon, ramdam ko naman ang mga titig ng mga nasa harapan.
I did that for a few seconds.
When I gained my courage back, I then decided to lift the phone again.
Nakita ko agad sa screen ang pag-ayos nila habang tinututok ko ang camera sa kanila.
"One, two, three..." sabay pindot sa shutter.
I clicked two for that shot.
"Isa pa?" Sigaw ni Nelsa.
"A-ayos na." sagot ko.
Biglang lumihis ang tingin ko kay Novales. Nahuli niya ako kaya agad kong binawi ang tingin ko. Tuluyan namana ng paglapit sa akin ng kaibigan.
"Ikaw? Ayaw mong magpa-picture? Mga guwapo 'yan sila."
Nasa kalagitnaan pa rin ako ng pagdidiwang na natapos agad iyon. Pero sa huling pangungusap na binulong niya, parang nawasak agad iyon.
Umiling ako sabay subok na hilahin siya.
"Bumalik na tayo,"
"'Di pa kita masyadong napapakilala sa kanila."
"Ayos lang, Nelsa. Hindi na kailangan."
"Huh?" kumunot ang kaniyang noo.
Muli ko namang sinubukang abutin ang kaniyang palapulsuhan.
"Babalik na ako!" sabi ko nang hindi ko nagawang kunin ang kamay niya.
People inside this hall are noisily gossiping their own businesses and whereabouts. At dahil tapos na ang program, may nakita akong iilan na wala na sa kani-kanilang lamesa. Pero sa lahat ng mga taong nananatili pa rin dito, tanging mga mata ni Novales na nakatuon sa akin, ultimo kibot niya, nararamdaman ko!
BINABASA MO ANG
Crown of Light (Daguitan Series #2)
RomanceDaguitan Series 2 Status: On Going December 31, 2020