Ikaapatnapu't Tatlong Kabanata

58 0 0
                                    

Ikaapatnapu't Tatlong Kabanata: Want


Hindi na ako nagsalita matapos sabihin 'yon. Maging si Kuya ay nanahimik.

Naging abala ang mata ko sa kalsada. Kahit papaano, hindi ko maitago ang nararamdamang kaba. Even the calm green pasture surrounding our road failed to level my worry. Or at least they're on mediocre verges.

Pero binabalik ko sa isipan ko ang kailangan kong sabihin sa Papa.

Kung sakali ngang tama ang sinabi ni Novales tungkol sa Samuelle na 'yon, kailangan kong ipagdiinan sa kaniya na hindi ko itutuloy ang anumang kagusutuhan niyang iyon.

And with those thoughts, I remembered something that Novales' mother had told me before. Bigla nalang iyon lumabas sa utak ko na hindi ko na kailangang maghalughog. If I remember it right, sa sinabi ni Tita Zenaidda, tinuturo silang may sala sa pagkawala ni Mama. I forgot the whole story. But something about it rings a bell in me.

Isa rin kaya 'yon sa dahilan kung bakit gustong patayin ni Papa si Tito Alexander? Pero bakit sinabi ni Kuya na may kinuha noon ang mga Argales kay Papa? Or maybe it was Tito Alexander then? That he did something to him? Or to my mother?

Pinilig ko ang ulo nang napansin ang pagkakatulala ko.

Mabuti na lang malaya ang kalsada at wala akong may mababangga.

Binalingan ko pa si Kuya at mabuti nalang hindi niya napansin iyon.

When we reached the gates of our mansion, two guards opened them then guided me to the bermuda parking. Nagtagal pa ang tingin ko sa kanila dahil wala naman akong naalalang nag-hire sila ng guard.

Ilang sandali pa ay tinapakan ko na ang gas para ma-igiya ang sasakyan. Isang van din ang napansin ko pero alam kong amin iyon.

Binalingan ko si Kuya pagka-patay ko na ang makina.

"Kakausapin ko si Papa," sabi ko.

"I have to talk to him first-"

"Kakausapin ko si Papa, Kuya!"

"Vien, hindi mo mapipigilan ang Papa sa desisyon niya-"

"Kakausapin ko siya!" sabi ko at binuksan na ang pinto.

Diretso ako sa paghakbang papasok. Sunod kong narinig ang paglabas ni Kuya at inasahan ko agad na pipigilan niya ako. Pero nakapasok na ako sa baitang ng terasa ay hindi ko naramdaman ang pahila niya.

I looked back on my shoulder to see him. Nakatingin siya sa akin pero marahan lang ang lakad niya. I then proceeded to go on.

Pagpasok ko sa living ay isang kasambahay agad ang nakita ko.

"Si Papa?"

Nakaupo ang kasambahay at mukhang pinupunasan ang muwebles sa engrandeng hagdan. When I asked her that, nagulat ko pa yata dahil napatalon ang balikat niya.

"Ah! M-ma'am Vien!" naibalik niya agad ang sarili mula sa disposisyon. "Ma'am, Vien, kayo po pala! Ang inyong Papa po ba?"

Before my eyes decided to look at her, my head's attention was on the whole living. At nang walang may nakitang Papa, saka ko tinuon ang atensyon sa kaniya.

"Nasa taas ba sila?"

Umiling siya. "Naku, Ma'am! Wala po roong tao! Nasa Bonifacio po sila ngayon!"

"Aling Julia?"

"Kasama rin po siya,"

Binalingan ko si Kuya.

Crown of Light (Daguitan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon