Ikadalawampu't Pitong Kabanata

64 1 0
                                    

Ikadalawampu't Pitong Kabanata: Changed


Sa pagkaka-alala ko, noon pa man, plano ko na talagang ipagpatuloy ang negosyong unang sinimulan para sa akin ni Papa. I'd give the reason that I had no one with me for my decision, and taking up a degree is a light for my future. At bukod doon, siguro, 'di ko na binago ang sariling desisyon. The reason why I then decided to enroll in a private institution.

College is harder than I expected. Especially during my starting days and transition.

Mas mahirap ang kolehiyo sa akin lalo na dahil wala akong kakilala. Pero nang magtagal, Nelsa became my companion rather than being a classmate in the other end.

"Late ako last Monday. Solo ka sa groupings, 'di ba?"

Lumingon ako sa katabi nang maramdaman ang marahas na pagkalabit niya. Second week ng pagiging freshmen student ko sa kolehiyo kaya 'di ko inaasahan na may gagawa agad ng ganoon sa akin. I had noone close with me.

It was our second subject for that day. Everyone was seated quietly while our teacher discussed the topic.

Nagtaka pa ako noong una pero nang makabawi, tumango agad ako.

"Sige, ha? Groupmates tayo?" Agad siyang kumuha ng papel.

Ilang sandali, nakayuko na siya at mukhang may sinusulat. Napagtanto ko rin agad kung para saan kaya hinayaan ko nalang. And it only took her a while before turning to me, one-eighth yellow paper being held out, and her name already written on it.

"Pasensay na. 'Di ko alam buong pangalan mo. Isulat mo nalang. Ako na magpa-pass nito kay Ma'am,"

I assume her name is Nelsa B. Alcala, based from what she has written on the upper left corner of the paper.

Yumuko na ako matapos basahin ang pangalan niya para isulat naman ang akin. And I guess it all started there, our friendship. Because eventually, without realizing it, we're getting along each other. A kind and 'knows how to manage you' personality later came out from her. And when I say 'knows how to manage you', she knows how to manage men. With a wink.

"Vien! Totoo?! Natagalan ka raw kahapon sa pag-uwi?"

Kadarating ko lang ng school. Gaya ng kadalasan, sa lounge ako dumidiretso para abangan si Nelsa sa unang subject namin ng araw. Mag-aalas nuebe palang naman at alas diyes pa ang unang subject namin ngayon.

Pero nasa hallway palang ako papuntang lounge, nakita ko na agad ang ulo ng kaibigan, ang direksyon ng ulo patungo sa akin.

Kumunot ang noo ko.

Her hair is damped and a little scattered. Ibang-iba sa kadalasan kong nakikita na ayos niya.

"Huy! Totoo nga?" aniya, nasa bar na ako noon, tuluyan nang nakapasok ng lounge.

She isn't even bothered by how my brows were compressed together.

"Maaga ka ngayon? May problema ba?" Binaba ko ang bag. Narating ko na ang lamesa niya.

"Sagutin mo muna ako!"

This isn't her usual self. And I know there's something up with her. Pero hindi ko muna pinansin iyon dahil abala pa ako sa pag-aayos ng gamit.

"Vien! Kayo na?"

"Huh?" Bigla akong bumaling.

Nahuli ko ang pagbilog ng kaniyang mga mata bago lumuwag ang kaniyang labi para sa isang ngisi. "Oh, wait, so kayo na ni Orly?"

Mas lalo akong nalito. Mas lalo ring dumiin ang pagkunot ng aking noo.

I on my attempt to ask her about it when I snapped after realizing something. Ako naman ngayon ang nanlalaki ang mga mata. Pero imbes na sa gulat, parang pinagsasabihan siya.

Crown of Light (Daguitan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon