Ikalawang Kabanata

140 4 0
                                    

Ikalawang Kabanata: Costiniano


I don't know why my insides felt a little satisfied after hearing his name. The feeling of knowing a little part of him was a satisfaction. That after all those days of being curious about him, finally, I got something already.

Hindi nagsalita si Novales sa harapan ko. I remained watching him glaring the guy on the other side of the road. Sumabog agad ang tawa ng kasama niya. Iyon ang dahilan kung bakit nilingon ko ito.

"Gago ka! Sino 'yang kasama mo?" Umaalog ang boses nito dahil sa pagtawa.

I did not react.

His friend was tall, too. But unlike him, he doesn't possess the body of an Achilles. Nahagip ko ang malaking sako sa tabi nito na inaalalayan para hindi tuluyang matumba. Lumalabas sa bunganga nito ang mga sanga ng kahoy na maaaring napulot nila sa gubat. And then I saw the tall grass behind him being parted. Doon sila siguro lumabas.

Maybe they're now heading somewhere. Iuuwi siguro ang mga nakuhang kahoy. Pero natigil lang dahil bigla nilang nakita ako.

Naramdaman ko ang pagbalik ng atensyon sa akin ni Novalis. Iyon ang dahilan kung bakit bumalik ang tingin ko sa kaniya.

"Nangangahoy pala kayo..." I said with hesitation.

His eyes were now sharply digging inside me. Parang may puwersa ring humahamon doon

"Ako nga pala si Jaivien... uhh, J-Jaivien Sullivan..." inangat ko ang kamay ko.

Narinig ko agad ang mahabang 'oh' ng kasama niya. But I shrugged the thought and held out my hand more to ease the tension.

Bumaba ang tingin niya sa kamay ko dahil sa ginawa. I watched him observed it. Gusto ko sanang matawa dahil parang hindi siya sanay na nag-aabot ako ng kamay. Maybe they aren't used to it here in the forest. Pero napagtanto kong baka hindi maganda ang ibig sabihin nito sa kanila.

Binawi ko nalang ang kamay ko at mabilis na nag-isip ng panibagong gagawin.

"A-ano..." I pointed at myself. "Ako si Jaivien Sullivan. Noong nakaraan, uhh, nagkita tayo,"

Nagtagpo sa ginta ang kaniyang mga kilay.

Nag-iwas ako ng tingin at pinagbutihan pa ang pag-iisip.

I assumed he cannot understand me properly. Ganoon siguro ang mga kagaya nila. They are outlaws, and maybe outlaws weren't privileged enough to go to school. But the way he looked at me made me realized what I'm doing is wrong.

"Get out." He said.

My eyes widened.

Narinig kong may sinabi ang kasama niya pero hindi ko pinansin iyon.

"Anong ginagawa mo rito?" dagdag niya.

My heart then paced rapidly. Bigla kong napahiya ang sarili ko.

"Bakit ka nandito?" ulit niya.

His voice wasn't enticing. They were... full of warning. There's even an invisible rage from him binding us apart from each other.

Tuluyan na akong nalamon ng kaba. Ang ngiti ko kanina ay tabig na ang disposisyon. I even felt it trembled. Pero hindi ako nagpahalata kahit na alam kong nagsusumigaw na ito sa panginginig pa lang ng panga.

"M-may hinahanap lang akong h-halaman."

"Walang mga halaman dito. Get out."

Bumaling ako sa kasama niya. He's watching us. At naka-krus na pala ang mga braso nito. Kinagat ko agad ang labi ko. Pagkatapos ay binalik ang tingin kay Novales. The fear in my smile remained evident.

Crown of Light (Daguitan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon