Ikaanim na Kabanata

95 3 0
                                    

Ikaanim na Kabanata: Defensive


The conclusions from what Adon has told me kept coming to me. Noon pa man ay hindi ko talaga alam kung ano ang tunay na nangyari sa mama ko. What I knew was that mama died when she gave birth to me. Si papa ang lubos na nasaktan ayon kay Aling Julia. That's why his protection for me got tightened. At dahil siya ang aming ama, maging ang dalawa kong Kuya ay napasunod niya.

Hindi ako agad nakapagsalita matapos sabihin iyon sa akin ni Adon.

The night was serene and only the orange tiny lamps from the gates were illuminating. Bakanteng lote rin kasi ang tapat ng bahay namin pero alam kong may isang bahay roon na malayo pa sa kalsada.

"Vien?" si Adon muli, dahil siguro sa pagiging mahaba ng katahimikan.

My throat tightened a little. Kinailangan ko pang lumunok ng dalawang beses para bumuti ang daloy ng paghinga.

"Hindi ko alam na may sinisisi pala sina papa sa pagkawala ni mama..."

At iyon siguro ang dahilan bakit nasabi sa akin noon ni Novales na sa kanila ang ari-arian noong unang beses kaming nagkita habang ako ay sumisilip sa bangin noon.

Nasa liblib ang bahay nila. Posible kayang malapit lang sa kinaroroonan ko ang tirahan ng mga Argales? Based from the way he was dressed that day, he seems on his comfortable way of dressing. Nagtatago ba siya noon? Lumabas lang siya sa pinagtataguan niya dahil naroon ako?

Katahimikan muli ang sumapi sa pagitan naming dalawa ng pinsan.

"Adon..."

"Vien?"

Bumalik sa isip ko ang pinag-usapan nila kanina ni Novales.

"Puwede mo ba akong samahan sa bahay ng mga Argales?"

The harsh inhale through the phone was clearly because of his shock.

"Anong gagawin mo roon? Pagagalitan ako ni Tito Veril kung malaman niya ito. T-teka lang... naka-landline ka ba? This isn't a cellular number..."

"Basta... magpapasama ako sa 'yo."

Iyon ang huli kong sinabi sa pinsan bago tuluyang umakyat sa gabing iyon.

Before sleeping that night, my thoughts were towards to how I will be able to talk with Novales. Ni hindi niya ako kinakausap at maging ako ay kabado kahit na nasa malapit lang siya. Alam kong may pagka-agresibo ang kaniyang itsura. Pero pinipilit ko paring walain ang isipan tungkol doon. And as my thoughts to him spread like wildfire, a question suddenly popped inside my head. Does he know about the past of our parents?

Pero natawa ako sa sarili kong tanong. Ilang taon ang tanda niya sa akin at siguradong alam niya ang tungkol doon. Ang pinsan ko nga ay alam iyon, siya pa kaya?

Kaya pagbukang liwayway kinabukasan, agad akong bumangon para maghanda. Martes at mas maaga akong nag-abang kaysa kahapon na unang araw sa paaralan. I made up myself before falling to sleep last night that I have to do what I had to do myself. Pero hindi yata umaayon ang pinsan ko dahil noong natapos na akong kumain ng almusal at lahat lahat na mga kailangan kong gawin para sa paaralan, siya naman itong hindi agad dumating.

I also messaged him last night that we must not be late for today.

Binasa ko pa ang minsahe ko sa kaniya habang naghihintay sa malaking couch ng mansyon.

Ako:

Nasave ko na itong number mo. Huwag tayong malate bukas. Hihintayin kita sa mansyon ng mas maaga pa.

Crown of Light (Daguitan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon