Ikadalawampu't Apat na Kabanata

56 2 0
                                    

Ikadalawampu't Apat na Kabanata: Make a Move

Kagat ko pa ang ibabang labi ko nang tuluyan akong umupo. Hindi ko alam kung totoo ba ang pinapakitang reaksyon ni Papa. Basta nasa kaniyang mga mata ang pag-aalala sa akin dahil sa nalaman. At kahit noong sumasabay na ako sa pag-aalmusal, ang isip ko ay nasa kaniya pa rin.

I feel like I couldn't trust my father easily. Every word thrown by my cousins at me, I was able to digest them thoroughly. Making me having a decision like this for both Novales and I. Dahil alam kong iyon talaga ang makakabuti para sa aming dalawa.

Nakahinga ako ng maluwag nang tumunog ang silya ni Papa. Kaunting galaw ng mga mata, nakita ko siyang tumayo at naglakad paalis. And I know the burden behind left because my body fell from being stiff.

Tuloy-tuloy lang ako sa pagkain ng breakfast.

Lumingon lang ako nang narinig kong nasa malayo na si Papa.

Then a househelp came by with a pitch of water.

"Senyorita, tubig po," bumalik ang tingin ko para ibigay ang atensyon sa isa sa mga kasama ng mansyon.

Tumango ako pero pinigilan muna ang sariling isubo ang inipong pagkain sa ibabaw ng kutsara.

"May gagawin ba ngayong araw ang Papa?" I asked, my body leaning towards her. Agad ding nahulog ang mga mata sa kung saan patungo ang Papa.

"P-po? Senyorita? Ah-opo! Narinig ko po kasing uuwi ngayon ang Senyorito Lhanz." Halata agad sa mga mata niyang hindi inaasahan ang pagtatanong ko.

Most of the house helps here, they don't really interact that much with us. Maliban lang kung may inuutusan o may sadya.

Sunod-sunod agad ang tango ko at naisip na baka gumawa ng paraan si Papa para hindi muli masagi si Kuya sa mga Argales.

I don't trust my father when he's this trying to act caring for everyone. Kung hindi lang tinanggap ng isip ang mga paalala nina Adonnis at ni Ragnar, baka kagat ko na ang mga pinapakitang ito ni Papa.

I'd probably understand if he'd become furious knowing what happened to me. Sabagay, hindi ko binanggit ang kahit katiting ng mga Argales sa kaniya. Because my protective self wants to help Novales.

Knowing the risks they have done.

Kaya una kong ginawa matapos kong ayusin ang sarili sa araw na iyon ay ang magmasid kasama si Papa.

Umiinom ako ng pinagawang orange juice ni Aling Julia na binigay sa akin ng kasambagay pagbaba ko ng hagdan.

Tinanggap ko lang iyon at dinala sa terasa. Naririnig ko kasing nasa labas si Papa- at tama nga ako. Sa hamba pa lang, nahanap agad ng mata kung nasaan siya. He's lying under an old jeep. And a man's helping him mechanize it.

Sumamapa muna ako saglit sa nagsisilbing railings.

Nahuli ko pang napalingon sa akin ang lalaki.

The jeep is owned by my Kuya. At tuwing ganito, totoo ngang darating si Kuya. Na aasagan ko rin agad mamaya.

"Nandito ka pala!" Aling Julia, who I immediately knew that she's behind me, shouted.

Iyon din ang dahilan bakit napatingin sa akin si Papa. Maging ang lalaking kaniyang kasama ay tuluyan nang binigay ang atensyon.

Nakalapit si Aling Julia nang hindi ko nilulubayan ng tingin si Papa. Kahit na ganoon, I knew she's neared already. Nakikita ko ang kaniyang katawan. At kung hindi niya pa ako hahatakin, hindi ko tuluyang mabibigay sa kaniya ang atensyon.

"Tumatawag sa 'yo ang kapatid mo!"

Nanlaki ang mata ko.

Then Kuya's firm physique flashed in my head.

Crown of Light (Daguitan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon