Ikawalong Kabanata

88 3 0
                                    

Ikawalong Kabanata: First Step


I don't know if what I'm doing was okay.

Tinipa ko lang ang pangalan niyang Novales. After clicking the enter, there were so many results that immeidately showed. Nadismaya agad ako. There were too many profiles named just like him. Nakaramdam tuloy ako ng pagsisi. Bakit hindi ko inalam ang buong pangalan niya. I tried scrolling more but my seconds thoughts are already behind me. After few more scrolls, I was about to exit the app when my eyes widened.

I remembered Adon! And during our call, he mentioned Novales surname!

Tumuwid ang likod ko nang subukin kong alalahanin. Pinindot ko rin agad ang search icon. Paglabas ng keyboard, pinipindot ko isa-isa ang mga letra ng pangalan niya. I typed in his name. Novales Argales. Hindi pa ako sigurado kung tama ba iyon. Walang pagdadalwang isip na pinindot ko ang enter.

I waited until the loading stopped. My heart was pumping erratically.

Isang larawan agad ng ppamilyar na tao ang lumabas. Nang makita ko iyon, wala sa sarili kong nailapit ang katawan ko sa lamesa. Ang dalawang siko ko ay parehong nakatukod habang hawak ng dalawang kamay ang cellphone.

Novales Alexander Argales. That was the name written beside his profile. I was familiarizing it a bit before finally clicking it. Muling nagload nang dinerekta na ako ng application sa timeline niya. And my heart was beating so fast I could almost feel my forehead sweating.

Muli, nakita ko ng mas malaki ang larawan ng profile picture na ginamit niya. Ang kulay berde niyang background at ang pamilyar na monumento ni Rizal, kinuha ang larawan sa plaza. At naka-uniporme rin siya sa larawan niya. Hindi ako nakuntento at pinindot ko ang larawan nito. From small picture growing to a larger one. Mas lalo kong napagmasdan ang itsura niya.

He's wearing a black cap backwards, and from the way he's squinting his eyes, and the way his head was tilted, it seems like he's trying to escape the sunlight from touching his face. But the picture looked good, though. I mean better. In a facrtor... I mean... I just couldn't find the exact words.

Sunod kong inalam kung may iba pa ba siyang larawan. I tried swiping first. Puro cartoon characters lang ang mga kasunod bukod sa isang picture nilang mga magkakaibigan. My cousin was even in it. They were even blurred at some point. Bumalik ako sa timeline para mas lalong makapaghanap. His profile has only less pictures. Saka ko lang din napansin na halos lahat ng pictures at post dito sa timeline niya ay mga shared post lang. Ginagamit niya pa ba ito?

At sa ganoong pag-iisip, nakumbinsi ko ang sarili na hindi niya nga siguro ito ginagamit. Kaya lakas loob kong pinindot ang add friend sa ilalim ng display picture niya. Siguro hindi naman iyon nagfifacebook. Tama. he doesn't have a cellphone to use for such. Kung mayroon man, baka hindi niya masyadong ginagamit dahil abala siya sa mga gawain niya.

Nawala sa isip ko ang ginawa kong iyon nang malibang noong nabuhay ang ginawang groupchat naming tatlo. Hindi ko rin maipagkakaila na ang ginawa kong iyon ay malaking bagay. If ever he uses that account, and would be given a chance to be accepted as his friend even just through there, I'll try messaging him with our parents' past. To at least convince him about my point.

Tuwang tuwa ako sa pag-uusap naming magkakaibigan. Nagpadala rin sila ng sariling larawan para ipakita kung ano ang kanilang ginagawa. I only showed them my notes. Daphne sent a picture of some tall wild grass while Jaya only gave her big smile through her selfie.

"Senyorita? Handa na po ang hapunan ninyo..."

Napalingon ako sa may pinto nang kumatok. Tiningnan ko ulit ang cellphone para tingnan ang oras. Masyado pala akong nalibang. Hindi ko rin nagalaw ang mga dapat kong aralan.

Crown of Light (Daguitan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon