Ikalimang Kabanata: Hindi Bandido si Novales
Naging maayos ang takbo ng buong araw ko sa paaralan. And within the day, I have become more and more comfortable with my seatmate. And I think she knows how I was struggling to fit in everything they do. Alam ko ring binibigyan ako ng special treatment ng mga guro rito. I am aware by how they sudden their voice modulation change.
Ayaw ko ng ganoon kaya palagi akong napapayuko sa hiya. Lalo na dahil ang ibang classmates ko ay nililingunan ako.
"A-ah, puwede bang... sumabay ako sa inyo sa lunch bukas?" Sabi ko kay Jaya noong natapos ang ikatlong subject namin sa hapon.
Nakalabas na ang mga studyante. Nakita kong hindi niya pa nililigpit ang mga gamit niya. Mukhang palabas din ito ng classroom. Tinagalan ko lang ang pag-aayos ng gamit ko para makasabay ako sa kaniya at sa kaibigan niya.
Lumingon siya sa akin. "Sige lang," pagkatapos ay bumaba ang kaniyang tingin. Napatingin din ako sa mga gamit ko.
"Sasabay na lang ako sa inyo," sagot ko agad hindi niya pa man nasasatinig ang tanong.
I tried to see why they aren't preparing for home yet. One of my guy classmates was gripping a soft broom already. I mentally concluded what they will be doing.
"Maglilinis pa kami ng room..."
Tumatango na ako.
"'Di ba kayo magsasabay ng... pinsan mo?"
Bumaling ang tingin ko kay Jaya.
"May laro daw silang basketball ngayon. Diyan lang daw sa plaza," my hand raised to point outside where the supposed plaza was according to how I remember Heracleo directed it.
Katabi nitong national high school ay gym na pinapagitnaan ng paaralan na ito at ng municipal hall ng bayan. Kaunting lakad pagkalagpas ng municipal hall ay plaza. May basketball court doon kung saan naglalaro sina Adonnis ngayon.
Everything is compact here. Sa labas lang ng paaralang ito ay kalsada. Na ang patungong kanan paglabas ng gate ay barangay kung saan ang mansyon naming mga Sullivan. I haven't had the chance to roam the whole proper yet but I know that this school is scoped under Hulatan proper. Ilang liko naman sa kaliwang daan ang patungong Bonifacio galing dito.
"Ah, oo nga pala. Well, sige, d'yan ka lang muna kung hihintayin mo kami,"
The classroom isn't wide enough to take everyone's time for the whole cleaning. Kagaya ng ginagawa ng ilang kasambahay sa mansyon, nagwawalis, nagpupunas, at nag-aayos lang. Pero rito, mga armchairs ang inaayos. I initiated arranging them which they hesitated to allow. I had to assure them a couple of times until they let me. Mabigat nga lang pero nakayanan ko naman.
Puwede naman akong maghintay sa labas at manood hanggang matapos ang laro. Pero alam kong naroon si Novales. At tuwing nakikita ko siya, kakaiba ang nararamdaman ko. My mind conceived that maybe it's because from the way he looks at me. Kaya bumabalik din sa isipan ang huling tagpo naming dalawa noon sa kalsada.
Patapos na ang lahat sa ginagawa nang lumapit sa akin si Jaya. Nakasunod sa likod niya ang isa ring babae na marahil ay si Daphne. "Hindi ka nalang dapat tumulong. Mapagalitan pa kami ni Ma'am Jonah,"
Pailing iling agad ako. "Ayos lang. Nakakahiya nga. Ako itong walang ginagawa,"
"Hayaan mo na. Sanay naman kami rito,"
Daphne smiled when my eyes flew to her.
Kaming tatlo nalang ang natitira rito. Ang iba ay nakapag-paalam na kanina pa.
Kinuha ko na ang bag. Jaya followed behind me. Si Daphne naman ay nasa likod na nito ang backpack niya.
"Magpinsan pala talaga kayo ni Adonnis, ano?" tanong nito.
BINABASA MO ANG
Crown of Light (Daguitan Series #2)
RomanceDaguitan Series 2 Status: On Going December 31, 2020