Ikapitong Kabanata

88 2 0
                                    

Ikapitong Kabanata: Search


My head woke up and became aware of what I've just become. Sa loob ng sasakyan, napatahimik ako dahil sa sinabi sa akin ni Adon. Hindi na rin niya dinagdagan ang kaniyang panunukso. Malapit na rin kami sa eskuwelahan. Nauna akong bumaba sa kaniya nang tumigil na kami ng tuluyan. I saw his head moved towards me but I got out from the car seat immediately.

Hindi na rin ako lumingon nang marinig ko ang pagbagsak ng pintuan niya.

Outside the gate, I can see students already. Tuloy-tuloy ang pagpasok. Adon might think I realized something. Ayaw ko nang abalahin pa ang iniisip niya. My legs continued walking in brisks until I passed their classroom. Wala na yata akong lingon-lingon hanggang sa tuluyan ko nang narating ang aming room.

"Kamusta? Nakapag-assignment ka na ba?" Si Jaya nang nakapasok na ako ng classroom.

Pagbaba ko ng bag, umangat agad ang tingin ko sa may pinto bago tinungo ang atensyon sa kaibigan. Tumango ako sa kaniya. Beside her was Daphne. My eyes caught her immediately before I could walk for my seat as I entered.

"May humahabol ba sa 'yo?"

Umiling agad ako pagkatapos ay pinagalaw ang mata nang may pumasok sa pintuan na kaklase. Akala ko susundan ako ng pinsan. Parang tinusok ang puso ko sa biglaang kaba.

"Kasama mo si Adonnis?"

"Hmm?" Bumaling ako sa dalawa. Nahuli ko kung paano pinandilatan ni Jaya si Daphne dahil sa tanong. Sumilay ang ngiti ko. "Kanina, papunta kami rito. Sinundo niya ako sa mansyon,"

"Sa inyo? 'Di ba parang sagabal?"

I shrugged. Iyon din kasi ang iniisip ko kanina. But mine's with a hidden agenda.

Pero ngayong napansin ni Adonnis, parang nahahabag akong ituloy. And that's the reason why I couldn't concentrate during the whole first two subjects in the morning. Dahil habang nagtuturo sa harapan ang aming guro, may mga ulap na agad haharang sa daluyan ng isip ko. Paulit-ulit ang pagbabalik tanaw ko sa mga nakaraang araw kung may kakaiba ba akong kinikilos sa harap ng pinsan. Alam ko naman sa sarili ko na medyo lumalala ang kuryusidad ko kay Novales. At kung mayroon mang kung ano na pumapagitan doon, awtomatiko ang isip sa pagpapaalala. But for Adon to realize that there's something going on seems off. Pero baka hindi lang din siya sanay.

Everyone has their chance to be free. Mine is like this, where I wanted to discover things I didn't know before.

Puro discussions lang ang nangyari buong dalawang subjects na iyon. Hindi rin halata ang paglipad ng isip ko dahil parang magnet naman ang mga mata na sumusunod sa mga guro. Lalo na tuwing lumilipat ng puwesto para magsulat sa blackboard. Jaya beside me was jotting down. Kaya napanatag akong hiramin nalang mamaya ang kaniyang notes.

"Itong yema nalang sa 'yo Vien,"

After the bell rang for recess, Jaya, Daphne, and I headed immediately to the canteen. Sa isang stall kami na hindi marami ang estudyangteng nagtungo. We gave our money to Daphne. She'll be the one who's picking our snacks. Nasa likod niya lang kaming dalwa ni Jaya.

"Sige," sagot ko kay Daphne nang pinili niya ang isang candy.

"Sino ba hinahanap mo? Kanina ka pa hindi mapakali. Napapatingin din tuloy ako," parang kuryente ang hintuturo ni Jaya sa braso ko nang kalabitin niya ako. Binalingan ko siya.

"Tinitingnan ko lang kung lumabas ba sa room nila si Adon at... ang b-barkada niya,"

Balisa ang mata ko kanina palabas pa lang kaming tatlo. Kung hindi nasa bukana, sa classroom naman nina Adon ang tingin ko. Their room was just across the canteen facility. And one room away from the gate. Ngunit dahil hindi ko sila nakita, hanggang tuluyan kaming nakapasok, hindi mapakali ang aking mga mata. They weren't even seated on the table where we had our lunch the other day.

Crown of Light (Daguitan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon