Ikalabing Isang Kabanata: Asking
I left our chat box without replying. Pagkabasa ko sa mensahe niya, inulit ko pang basahin ito. Baka namali lang ang basa ko. Pero iyon nga.
Novales: Mag-usap tayo bukas. Lunch break. Puwede pagkatapos ng klase. Sasabay ako kay Adon.
Kumunot ang noo ko habang nakayuko ang ulo habang binabasa ang mensahe niya. The light from the phone screen should hurt my eyes but it didn't. Kumurap ako. Seryoso ba siya?
Gusto ko sanang mag-reply ng hindi ako seryoso sa sinabi ko pero muling nadagdagan ang mensahe niya.
Novales: Don't send me long messages. I won't read them.
I wasn't typing anything. Nakalabas lang ang keyboard ko pero hindi ako nagtitipa. I exited the app and threw my phone on the bed. Naupo rin ako sa tabi nito hanggang sa nahiga at tuluyang nakuha ng antok. Kaya paggising ko kinabukasan ay ganoon ang posisyon ko.
Ramdam ko sa sarili ang ganda ng umaga. Sandali kong nakalimutan ang pinag-usapan namin kagabi. Matapos kong maligo, nagbihis agad ako at bumaba. The househelps were already preparing the table. Wala pa sa baba si papa. I was halfway done when I saw him coming down the grand staircase. My smile immediately showed.
"Nasa baba kana pala," bungad niya.
"Sir, kain na po kayo."
Papa headed for the table. Dahil nauna akong kumain sa kaniya, hindi ko na rin hinintay na matapos siya. He had his calls so it would only mean more time for me to wait for him.
Tumango naman si Papa nang tingnan ko para magpaalam na aakyat na. He's talking to someone on the phone.
Umakyat na ako para kunin ang gamit. Saka ko lang naalala ang mensahe ni Novales noong kinukuha ko na ang cellphone sa kama. Paggising ko kanina ay hindi ko na pinansin ito.
"Senyorita? Magpapasundo raw ba kayo kay Adon?"
Nasa kamay ko na ang cellphone. Nag-angat ako ng tingin diretso sa pinto dahil sa kumatok.
"Aalis daw ang papa mo ngayon." dagdag ng kasambahay na kumatok.
My eyes widened.
"Sasabay po ako sa kaniya! Pakisabi pong sandali lang ako!" I rapidly tucked my phone inside my skirt pocket. "At pakitawag na rin kina Adon na sasabay ako kay Papa!"
Mabilis kong kinuha ang bag sa tabi ng study table. Destiny is cooperating. I have no plans on showing Novales I am interested in talking with him. And I know I won't be comfortable talking with him. At mamaya, kung tututohanin niya man ang kaniyang sinabi, sasabihan ko si Papa na sasabay ako sa kaniya.
Mabilis ang mga lakad ng dalawang binti ko pababa sa engrandeng hagdan. Lumingon agad ako sa direksyon ng mahabang lamesa. Diretso kung saan palaging umuupo si Papa.
"Nasa labas na po, Senyorita,"
Lumingon agad ako sa labas. Hindi ko agad nakita roon si Papa pero dumiretso ang lakad ko patungo sa pintuan.
Wala akong alam kung ano ang mangyayari sa amin ni Novales mamaya. Gusto ko sanang pigilan ang sarili sa pag-iisip noon pero nang ilang metro na lang ang layo ng sasakyan namin sa labas ng paaralan, ang pamilyar na SUV nina Adon ang una kong nakita.
Umaandar pa rin kami. Nakaparada na sa tapat ng gate at parehong bukas ang mga pintuan. At kahit nasa malayong distansya pa kami, kita ko kung sino ang lalaking kasabay niyang lumabas.
I was seated on the front seat. Si Papa ang nagmamaneho dahil pupunta raw siya ngayon sa rancho. Sinabi niya lang na may emergency. Hindi na ako nagtanong ng iba pa.
BINABASA MO ANG
Crown of Light (Daguitan Series #2)
RomanceDaguitan Series 2 Status: On Going December 31, 2020