Ikatatlumpo't Limang Kabanta: Ceremony
Naiyakap ko sa dibdib ang cellphone. Ramdam ko nang lumapat ang kamay ko sa dibdib ang lakas ng tibok ng puso.
No. Novales is probably drunk. And it's very evident in his wobbly voice. Pero bakit siya maglalasing? And why would he call me? Naisip ko muli ang numero niya. Bago iyon. At naalala ko na wala siyang numero sa akin. Ako ang lang ang mayroon ng numero niya. Where did he get my number?
Mabuti na lang, nang matapos akong maligo, wala pa ring may kumakatok sa kuwarto na kasambahay. Matapos ang pag-uusap namin ni Papa, siguro, alam niyang hindi ako tatanggap ng anumang alok sa kaniya.
Tuluyan ko nang inangat ang buong katawan sa ibabaw ng kama. I covered half of my body with my comforter and was about to close my eyes when I saw my phone.
Kanina habang naliligo ay nanatili sa utak ko ang mga katanungan. I've seen Novales drink with his friends recently. And I know he's that responsible and would never put himself to that state. Kung anuman ang nag-udyok sa kaniyang uminom ng ganoon ay hindi ko na alam.
At kung sana ay hindi siya tumawag, makakatulog ako ng maayos ngayon. Pero dahil yata sa nangyari sa amin ni Papa, maaga akong nagising at naghanda para bumalik sa trabaho.
"Aling Julia, pakisabi na lang kay Papa na umalis na ako," sabi ko nang makasalubong ko ang ginang noong pababa na ako ng hagdan.
Madilim pa sa labas. At kitang-kita ko rin sa ayos niyang naka-duster na hindi pa siya nakakapaghanda para sa umaga.
"Vien, kung anuman ang nasabi ng ni Veril kagabi, ipagpaumanhim mo na lang iyon," salubong sa akin ng ginang.
Nagtagal lang ang titigan naming dalawa.
I don't wanna put something about her claim.
"Aalis na po ako," paalam ko lang at tuluyang nang hinakbang ang mga paa pababa ng hagdan.
Sa sandaling tagpo namin ni Aling Julia, nawala sa utak ko ang mga sinabi ni Novales kagabi. At dahil madilim pa ang umaga, mabilis akong nakarating sa condo. Agad din akong bumaba nang tuluyan ko nang na-park ang sasakyan. Umakyat din ako pagkatapos.
Masyado pa namang maaga para sa mga gagawin ko ngayong araw. Habang nasa kusina, bukod sa pag-save ko sa numero ni Novales nang maalala ulit iyon, nalibang ko ang sarili sa pag-b-browse sa social media. I never changed my social accounts. They're still the same account I had when I made it while with Daphne and Jaya.
And like how I usually do, I opened my account without glimpsing at my notifications. Tumitingin-tingin lang ako sa pinapakita ng feed. At nang siguro ay nasa kalagitnaan na ng pag-s-scroll, nahuli ko ang isang post na may mga lalaki naka-corporate sa larawan. Not that I was tempted by them. I'd tend to skip if only I didn't see Novales among them.
Napakunot ang noo ko. Umayos din ang likod ko sa pagkakaupo.
I examined the background of the photo and it seemed like they're in a party or something. Naalala ko ang nangyari kagabi. At napansin ko rin na kabilang pala sa grupo si Johnrey.
I clicked a picture. Ang mga kamay nila ay naka-akbay sa bawat isa ang una kong napuna. Napaisip ako. Are these his group of friends? Where was this taken? And based on their closeness, I thought that maybe this was a reunion or something.
Binalik ko sa dati ang screen. Nakita ko rin na si Johnrey pala ang nag-upload nito. At kagabi lang. I also noticed that the likes of the post are minimal. Pero kahit na, I clicked to see those people. Na napagtanto kong hindi ko mga kilala ang naroon. Probably his acquaintances? Maybe he got carried away from this event.
BINABASA MO ANG
Crown of Light (Daguitan Series #2)
RomanceDaguitan Series 2 Status: On Going December 31, 2020