Ikalabing Pitong Kabanta

74 2 0
                                    

Ikalabing Pitong Kabanta: Daguitan River


Hindi ako makabawi ng tingin.

His right cheek shifted upwards, revealing to me the dent I didn't know he had on that side of his lips. Pero kahit na nagpapakita ang dimple niya, his eyes were as if they're from a predator who found its prey. He's watching me intently!

Hinuhuli niya siguro ang susunod na reaksyon ko. Hindi ko rin alam paano ko napilit ang sarili kong hindi magpaapekto.

"Vien," bulong niya, saka naman ako nag-iwas ng tingin.

Next thing I heard was the crushing of the pebbles. Sandaling gumalaw ang mata ko para makita siya. He neared. But still I can feel his eyes digging intently at me.

"Dahil ba kay Mama?"

Umiling ako. Pero narinig ko ang mahinang halakhak niya. Kumunot ang noo ko saka nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Totoo?" Nakangisi ang mga labi niya.

Mas lalong dumiin ang pagkunot ng noo ko bago nag-iwas muli ng tingin. "Walang may kinalaman ang sino man, Noval. I already told you. 'Tsaka kung ano mang iniisip mo, hindi 'yan totoo,"

"Talaga? Why do you have to look away while saying that then?"

Lumuwag ang pagitan ng mga talukap ko. Bigla rin akong natigilan bago ilang sandaling nakabawi. And I heard his laughter escaping through his nose.

Bigla akong humarap sa kaniya.

Agad namang bumagsak ang kaniyang mga kilay para pantayan ang seryoso kong mukha. But his smile couldn't cooperate. Naroon pa rin iyon habang pinapanood akong naka-angat ang tingin sa kaniya.

"Sabihin mo," he said, his smile now released from being controlled.

May kung ano agad sa lalamunan kong bumara kaya nang umawang ang bibig ko ay walang kahit isang salita ang lumabas. He came here without any sign of warning! I was caught off guard!

Lumalim pa lalo ang kaniyang pagyuko. Pero dahil masyado siyang matangkad, nanatili parin ang pagitan namin.

Muli kong binalik ang tingin sa kabilang kalsada. Kinailangan ko pang umatras dahil lumapit siya kaya humaharang siya sa paningin ko. I know I am already defeated. May palagay akong ikapapahamak ko pa lalo kung dipensahan ko pa ang sarili ko.

Marahil kung alam kong magkikita kami, I could have at least prepared some weapon. Not like this, so defenseless.

Nagkaroon kaming dalawa ng katahimikan. Even without my eyes moving, I know he's still intently eyeing me. His stares were like daggers, even without putting any attention, you'll immediately know his eyes are onto you.

Nanatili ang tingin ko sa kabilang kalsada. Pinapahupa rin ang kung anong mayroon sa aming dalawa ngayon. We're in front of our municipality gym, and between us, I am the one who's nervous.

Saka lang siguro naging maayso ang paghinga ko nang gumalaw siya para tabihan ako.

Moments like this should be perfect for Adonnis to interrupt. But I guess he couldn't do that for now.

"Hihintayin mo pa ba si Adonnis?" basag niya sa katahimikan.

Napansin kong bumaba ang kaniyang tingin para hintayin ang sagot ko. Tumango lang ako sa kaniya at agad binalewala kung ano man ang magiging reaksyon niya.

It was the stilted moment of my entire life. Mabuti na lang talaga na ang ilang mga estudyante ay naka-uwi na. O kung hindi man, nasa may terminal ng mga habal habal naghihintay.

Crown of Light (Daguitan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon