Ikalabing Dalawang Kabanata: Pabor
Gulat ako sa nabasa ko sa message niya. It was so beyond my reality that Novales would ask me for my contact number. Para ano? Para mas makapag-usap kami? But I erased that thought. Dahil malayo.
Inisa-isa muli ang pagbasa ng mata sa mga salitang pinadala niya, hindi pa rin makapaniwala.
Novales: Hindi tayo makakapag-usap ng maayos nito. May contact number ka?
Iyon ang tanong niya ngunit may kakaibang hatid ito. Dati ako ang naghahabol sa kaniya. At kung alam ko lang na may cellphone siya, marahil ay hiningi ko na rin ang contact number niya. Ngunit noon iyon. Dahil iba na ngayon. At alam kong imposibleng gawin ko iyon.
I paused for a second. Hindi ako sigurado kung ibibigay ko ba ang numero ko sa kaniya.
And he's online!
Nagmaang-maangan ako sa sagot ko sa kaniya. I even assured the bubble formed my head was just riddiculious.
Jaivien: Puwedeng dito lang ang paraan natin ng pag-uusap. Wala namang pinag iba iyon.
Novales: Hindi ka palagi nag-oonline pag may pasok.
Wow! Look who's talking!
Sa bagay nga naman. Pero may dahilan naman akong hindi ako sanay at ngayon lang ako nagkaroon ng kaalaman dito. Imbes na magpaliwanag ay tanong ulit ang sinagot ko sa kaniya.
Jaivien: Palagi ka bang nag-oonline?
Novales: Hindi. Pero kung may importante, kailangan.
Jaivien: We can just talk through here. This is better.
Novales: Sige lang kung yan ang gusto mo. Basta ang importante ay mas detalyado ang paliwanag mo. Ano ang mga alaman mo sa nakaraan nina Mama at ng mga magulang mo.
Novales: At diyan sa sinasabi mong wala na sa Senyor ang nangyaring iyon.
His long reply then reminded why we had to communicate. Pero may kung ano sa likod ng isip ko na huwag makipag-cooperate.
Again, I paused to think further. Gabi na ngunit tila nawala sa sistema ko ang antok. Habang nagtitipa, umupo ako sa kama. Inisip ko ang Papa. His actions doesn't show of how he's feeling from the past. Maging ang dalawa kong kuya.
Iyon ang nasa isip ko habang nagtitipa muli ng reply para sa kaniya.
Jaivien: Wala na talaga iyon. Hindi ako halos pinapayagan lumabas dati. So I am sure he's forgiven whatever happened.
Ilang ulit kong binura ang nakumpuna kong iyon. Wala rin ako masyadong maisip na isasagot. At dahil hindi nawala sa isip ko ang tungkol doon, kinabukasan sa hapag, hindi ko napigilan ang sariling magtanong sa Papa.
The smile he showed me was the one I was expecting.
"Bakit mo naman iyon itatanong, anak? The past must be forgotten. 'Tsaka, matagal ko nang nakalimutan ang nangyaring iyon noon sa Mama mo. She's in heaven now. And praying for her soul can be a way to show our love."
My lips formed a smile. One question from my checklist is now crossed out.
Tumango ako kay Papa. Wala siyang lakad ngayon kaya balik muli si Adon sa pagsundo sa akin. My last message for Novales hasn't seen last night. Offline na siya noong naipadala ko iyon sa kaniya. At kagaya rin kahapon, nagmamadali ulit akong maglakad para hindi mahagip ang tingin ni niya.
"May meeting raw ulit ang mga faculty. Para na siguro ito sa intramurals natin."
Today is almost the half of the month. Dahil huli na akong nakapag-enroll, at dahil din sa mga bagong kaibigan ko, unti-unti na akong nakakasunod sa mga gawi rito.
BINABASA MO ANG
Crown of Light (Daguitan Series #2)
RomanceDaguitan Series 2 Status: On Going December 31, 2020