Ikaapatnapung Kabanata

53 0 0
                                    

Ikaapatnapung Kabanata: I love you


Time for me got so precious I forgot it has its own personality. Like how destiny knows to play you games, the only difference is, time doesn't know you're destined on the far end. Time is seconds. Seconds are heartbeats. And heartbeats will be journeys.

You can be together, but you don't know if it's forever.

Siguro sa aming dalawa ni Novales, hindi ko pa napapatunayan ang alin. Mahirap dahil madaling isipin na oras ang naglalaro sa amin. Pero puwede ring isipin na may kinalaman ang tadhana sa nangyayari sa aming dalawa. But one thing made me sure. Like the light's crown, up above the clouds, our relationship has blunts and sharpness.

We don't know when the storm will ever end. Or does it even have endings? For years, I just know they are constant and that they keep on coming back. Only with different surges and different pains.

Na-estatwa ako sa pagkakatayo.

Nang makita ko si Novales na iniluwa ng elevator, parang nagkaroon ng sariling isip ang mga kamay ko para agad hinawakan ang laylayan ng damit ni Kuya. Napalingon si Kuya sa akin. Saglit lang dahil agad dumausdos ang tingin niya sa damit ko. And he looked at it for a few seconds before looking back at my eyes.

Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ang apoy roon.

He stared at me as if asking me to tell him he's thinking wrong. Kaya lang, imbes na makasagot, napaiwas ang tingin ko sa kaniya.

Then I heard him hissed. "Fuck, Vien! Are you out of your damn mind?!"

Nagulat ako nang umatras siya para makawala sa kamay ko. Tumalon agad ang tingin ko sa kaniya at napagtantong susugurin niya si Novales. Lumakas agad ang kaba ko at mabilis gumawa ng aksyon. I hurriedly grabbed him and when my hand reached his forearm, my petite body then couldn't handle him!

Nasama lang ako kahit pilit kong hinihila siya.

"Kuya! Stop it!" Pigil ko at kitang-kita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao.

Nataranta ako lalo na dahil si Novales ay mukhang walang balak umatras. And I can also see through his eyes that he's ready to attack if raged on. Kaya ang tanging ginawa ko ay ang tumili sa buong corridor para lang mapigilan si Kuya.

"Kuya! Ano ba?! Tumigil ka!" sigaw ko. "Novales! Please go!"

My arms never let go of Kuya's forearm.

Hindi gumagalaw si Novales kaya mas lalong humigpit ang hawak ko pero nagulat ako nang lagpasan lang namin siya. Handang-handa na akong pigilan si Kuya sa buong makakaya ko kaya hindi ko inaasahan iyon.

One press to the elevator button, it immediately opened. Sa pagkakataong ito, mabilis ang mga kamay ni Kuya para siya naman ang gumapos sa pala-pulsuhan ko.

"Don't you dare fucking follow." matigas niyang usal at alam kong kay Novales iyon.

Hinila ako ni Kuya para sumama sa kaniya sa loob. Bago masarado ang pinto, hindi ko inalis ang tingin kay Novales. He's also watching me but with fear this time.

"I-I'll be back," agap ko agad nang pasarado na ang pinto.

At nang tuluyang masarado, agad binitawan ni Kuya ang kamay ko.

"Are you fucking out of your mind?! Talagang may balak kang balikan siya?"

"Kuya, you don't know anything!"

"Of course I know everything!"

"Hindi!" umiling ako.

Galit na binaba ni Kuya ang tingin niya sa akin. I leveled them without fear.

Crown of Light (Daguitan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon