Ma'am V (Kaloka)

81 7 7
                                    

Kapag pumapasok sa eskwelehan, kailangan malinis. 'Yon bang bagong ligo, mabango, maayos ang buhok, bagong laba at plantsado ang uniporme at maganda o gwapo ang aura. 'Yong fresh na fresh ang hitsura.

Ganyan kami ng mga kaklase ko tuwing Lunes ng umaga.

Dadaan ang unang subject na masaya at aktibo. Susunod ang pangalawang subject na kay lamig lamig dahil sa airconditioned room kami nalagi.

Tapos naglunch time na. Fresh pa rin ang aura at masaya. Sinabayan pa na ang lahat ay bochog na.

Darating ang pangatlo at pang apat na subject na iisa lamang ang aming propesor. 3 hours.

Pagpasok pa lang sa room, bago makaupo, ramdam mo na ang init. 12:30 ang oras, kasagsagan ng tanghaling tapat. At ang ganung oras ay nakakaantok lalo pa at bagong kain.

Parang gusto kong humilata sa upuan ko at matulog. Hayaan silang magklase at dedmahin si prof. Kaso pagkaupong pagkaupo ko pa lang, napatingin na ako sa chalk board at sa katabi nitong white board.

Nakasulat doon na may quiz kami sa MSC6 (pangatlong subject) at ganoon din sa FSC4 (pang apat na subject). Malupet. Nakasulat din doon ang mga dapat idagdag sa aming portfolio at mga dapat sagutan sa aming mga libro sa dalawang subject na nabanggit. Halos napuno ang chalkboard at nangalahati ang whiteboard sa notes ni prof.

Kinalimutan ko munang antukin para isulat ang notes mula sa board. Sabi ng kaklase ko, nagccheck daw ng notebook si prof kung naiisulat ang mga importanteng mga bagay. Napatawa na lang ako dahil kolehiyo na pero nagccheck pa rin ng notebook. Well, naiintindihan ko naman dahil ang kursong kinuha ko ay kailangan na masipag magsulat at marami talagang paperworks.

Dumating na maya maya si professor, si Ma'am V kung tawagin namin. May kalakihang babae, hindi mataba pero matangkad. Siya rin ang babaeng may boses lalaki na kapag narinig mo ay aakalaing mong tatay mo.

Matakot na ang mga kamag-aaral ko kapag nasita sila dahil kahit katiting na na-violate sa rules ng university ay papansinin niya. Kapag nag ingay sa hallway at corridors, h'wag papahuli dahil madadakma ang ID mo. Maibabalik lang kapag nagpasa ka ng salaysay. Minsan nga nag aactivity kami, may maiingay na freshmen ang dumaan sa room namin. Nilabas sila ni Ma'am V at sinabi sa mababang boses ang "Teka, mga brother at sister." Natawa na lang kami ng mga kaklase ko sa mga hitsura ng freshmen na mga takot at kabado.

Hindi rin dapat nakasisilaw sa dami ng dyamante o kaya parang bouquet sa laki ng bulaklak ang mga sapatos ng girls. Ang buhok ng mga lalaki ay dapat nakasunod sa gupit na inirerequire ng unibersidad.

May nasampolan nga siya sa isa sa mga kaklase kong lalaki. Sabi niya hindi raw pwede ang mga kalahi sa buhok ni Elvis Presley sa room namin. Hayun, ginupitan niya ang buhok sa bandang batok. Sinabi niya pa na nag aral daw siya ng barbering noong panahon niya pero hindi na raw siya binalikan ng mga costumer matapos niyang gupitan.

Napakaganda ng aming unibersidad. Mayroong magagaling na mga professor at well, magagaling din na mga mag aaral. Ngunit ang sunod sa pinakananais nito ay hindi lamang ang magkaroon ng maka-Diyos at matatalinong mga mag-aaral kundi maging disiplinadong mga tao sa hinaharap. Kaya hindi na nakapagtataka na may katulad ni Ma'am V sa amin na kasing strict ng lola mo at kaboses ng tatay mo.

Pagkadating nga ni ma'am ay sinimulan na ang quiz. The subject was Assessment of Learning, surely there were lots of computations.

Madali lang naman ang quiz pero dapat maging maingat dahil kapag namali ang isa, the rest will be all wrong.

Naging maingat naman ako at maganda ang simula. Sabi ko pa "sisiw" pero may hindi ako natandaan na procedure ng pagsolve sa kalagitnaan. At kapag hindi nasagutan iyon ay hindi mo na masasagutan ang mga susunod na tanong. Nagkandaleche leche flan na.

Hanggang nagcheck na. Natawa na lang ako dahil hindi umabot ng kalahati man lang ang score ko. Boploks. Haha. Ang mga marurunong ay hindi laging marunong.

Lalo pa akong natawa nung kinolekta ni Ma'am V ang mga papel namin. Sabi niya sa halos lahat na bumagsak sa quiz, "Kung ako ang magulang niyo ilalaga ko 'tong mga papel n'yo tapos ipapainom ko sa inyo na parang tsaa. Mag advance reading."

Ang negative ng dating pero natawa ako. Nasa harapan pa ako nun. Can't imagine naman kasi ang lasa ng nilagang bagsak na quiz. Bawi na lang.

Matapos ang quiz, pinagawa pa kami ng 15 item multiple choice test tungkol sa past lesson. Dahil may kadiinan akong sumulat, sumakit ang kamay ko pero natapos ko rin naman.

Natapos ang pangatlong subject. Nagsimula na ang FSC4. Nagquiz din at tsinekan ang mga activies na nasagutan sa workbook. Ngunit bago magcheck, may hindi ako nasagutang activity kaya kahit marami, dali dali ko itong sinagutan. Sulat dito sulat doon. Umabot naman ako sa oras. Ang sakit ng kamay ko.

15 minutes before dismissal, nagpagawa pa si Ma'am ng crossword puzzle na may tig 10 across and down. Tungkol ulit sa past lesson.

Sa abot ng aking makakaya, lubos kong pinilit na matapos ang crossword puzzle pero time na at malelate na kami sa susunod na subject, eh naglilinya pa lang ako para sa boxes ng letters. Wala pa akong ruler kaya kahit hindi pantay pantay, tinuloy ko pa rin. Nilingon ko ang mga kaklase ko, desidido rin silang matapos. Kinabahan na ako na baka hindi ako makapagpasa. Binilisan ko pa, medyo malapit na akong matapos, may sumigaw na kaklase ko,

"Ma'am time na, assigment na lang!"

Napatingin kaming lahat kay ma'am V. Hindi agad siya sumagot. Pero sinabi rin niya ang bumarag sa utak ko at pumuno ng stress sa pagkatao ko. "Sige."

Nagulo ko bigla ang buhok ko out of frustration at napatulala. Napamura pa ako sa utak ko. Rinig ko rin ang ungot ng mga kaklase ko.

May tumawag sa akin. "M,Nakakausap ka pa ba?"

Lango ko lang siyang tiningnan at nginitian. "Kabuang." Sabi ko.

Matapos ang closing prayer, napatingin ako sa mga gamit ko. Parang binagyo sa gulo.

Nagkalat ang mga libro, mga papel, calculator, ballpen, correction liquid at kung anik anik pa.

Tiningnan ko ang sa mga kaklase ko. Kay Christine at kay Jane, ganun din.

Nagkatinginan kaming tatlo na parang mga lasing at sabay sabay na napabumuntong hininga. Nagkatawanan na lang kami sa dami ng pinagawa ni Ma'am V.

Well, every meeting yan. Paglabas sa room niya, gulo gulo na ang buhok, matamlay ang mga mata at tagaktak ang pawis. Parang na-rape.

Hay. Isa lang ang masasabi ko. "Kaloka kay Ma'am V!"

Pero idol ko siya. Hahaha.

-----

02/03/15

Sino pwede dedicate-an?

Mga Kawirduhan Ni WeirdieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon