Hello Readers! Pakibasa.

90 8 10
                                    

Para ito sa mga bumabasa ng aking kawirduhan Pagpupugay sa inyo mga kaibigan!

Iniibig ko ang magpasalamat sa inyo sa patuloy na pagbabasa nitong aking akda.  Kahit na kayo ay nabibilang ko lamang sa aking mga daliri, kayo pa rin ay nakapagbibigay ng nginig sa aking kalamnan.

Tapos kapag hindi ko na kinaya ang nginig na iyon, alam niyo na ang aking sunod na destinasyon. Pffft. Haha. *Ang baho*

Naalala ko pa noong sinimulan ko ang kawirduhang ito, nakiuso lang ako. Naghahanap ako ng mga kakaibang gawa ng mga manunulat. Nakabasa ako ng mga katulad din nito na walang sinusunod na story template. 'Yon bang walang plot pero nakapagbibigay aral, tuwa, saya, inis at kakorihan sa mga mambabasa. Kaya nabuo ang aking motibasyon, ang subukang gumawa rin ng isa. Noong una sabi ko "try lang" pero nang tumagal, nasundan na at nasundan pa hanggang dumami na. Well, hindi pa naman madami kasi hanggang dito pa lang. Haha.

Ang purpose ko sa paggawa nito ay ang maging parang diary ko pero diary na hindi ko araw araw na sinusulatan. Inilalagay ko lang mga sa tingin ko ay 'yong mamimiss ko pagdating ng panahon. Na kapag binalik tanaw ko ay mapangingiti at babalik ang nakaraan. Uuhh

*Maalala ala mo kaya*

Noong nagpatuloy na akong isulat ang mga karanasan ko at magpost, hindi ko masyadong iniintindi 'yong mga reads kahit 'yong votes at comments. Eh paano ko nga naman iintindihin eh ang totoo bibihira at minsan wala naman talagang votes at comments dito. HAHA!

Pero okay lang. Okay lang kasi unang una, hindi naman 'yon ang inaasahan ko. Ang akin lang ay kahit papaano ay maging proud ako sa sarili ko na makasulat ako ng grupo ng mga salita na may ibig sabihin. Ang makapag ensayo ako ng pagsusulat at matuto pa.

Natatawa pa nga ako dahil pagkapost ko, ako rin ang unang unang magvovote. Katunayan lang na sinusuportahan ko ang sarili ko. Masaya na ako n'un. ^_^

Nang sumunod na mga araw at buwan, nakita ko na may mangilan ngilan nang bumabasa nito. Tapos may mga nagvote na rin. Grabe lang ang naramdaman ko n'un. Literal na kinilig ako. Natalo pa ang pagkakilig ko sa crush kong bakla noon. Sa kakiligan ko nga dali dali kong minimessage ang mga taong bumoto sa ilan kong mga update para magpasalamat.

Doon nadagdagan ang purpose ko sa pagpapatuloy ng kawirduhang ito. Gusto kong madagdagan ang mga kaibigan ko. At alam kong matatagpuan ko sila rito sa mismong gawa ko. Sa pagboto nila at minsang pagkokomento, nabubuo ang pagkakaibigan. Gusto ko silang kausapin, kilalanin at kalaunan ay maging mga kaibigan. Ang happy ng life.

Sa katunayan bilang na bilang lang talaga sila sa mga kamay ko. Lilima o pipito lang ata kayo. *sinubukan kong isaisahin kaso baka may makaligtaan ako kaya di na lang. Haha*

Tapos 'yong mga kaklase ko binabasa na rin. Napatumbling split kandirit at kembot na ako.

Hanggang sa naging parte na to ng routine ko. Ang magbukas ng wattpad kapag nakaisip, kinilig o may ginawa akong kalokohan, ilalagay ko 'yon dito. Pero kapag sinisipag lang at kung may internet connection.

Nakikita ko sa reads na kahit papaano ay may patuloy na nagbabasa talaga nito sa bawat update ko. Ang lusog lusog na ng puso ko dahil dyan. Gusto ko kayong makilala tapos magiging magkakaibigan tayo. Kahit hindi sa personal at least dito sa wattpad, diba? Gusto ko rin malaman kung bakit nyo patuloy na binabasa ito. Dahil ba natutuwa kayo, natatawa, o kaya nakakarelate? Aba baka may angking kawirduhan din kayo tulad ko. Meant tayo para magkakila kilala. ^__^

H'wag mahihiya sa akin dahil hindi ako nahihiya sa inyo. Kasing kapal ng mga balat niyo sa paa ang mukha ko. Gusto niyo hawakan? Haha.

Litaw naman kayo kapag may time. Paramdam ba minsan kasi gusto ko kayong makilala at mapasalamatan na binabanggit ko ang mga pangalan ninyo.

Nakakaexcite. *^__^*

Maraming salamat sa inyo. Sa nabibilang na bilang ninyo, masaya ako. Salamat din sa mga naging motibasyon ko. Pero ang totoo kayo talaga ang motibasyon ko. <3

*kembot kembot kilig*

- M (11/08/14)

Mga Kawirduhan Ni WeirdieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon