Balentayn <3

106 8 2
                                    

February 14, 2015

Puno ng sweet messages at posts na pumapag-ibig sa Facebook. Mayroon din namang mga bitter sa Twitter. Ang daming mga ibinebentang bulaklak at lobong puso sa bawat kanto ng daan. Nagsilabasan din ang iba't-ibang promo sa mga donut stalls. Puro love songs ang ipinatutugtog sa radyo. AT! Ang sweet ng mga tao.

ANO'NG MERON??? KALOKA!

Dahil ba ika-14 ng Pebrero? Ayieh.

Nakatutuwang makita na abala ang mga tao. Natatawa rin ako sa pakikinig ng radyo dahil ang daming nagpapalitan ng kani kanilang mga love messages on air para sa mga fafa at chikabeybe nila. Ipinakikita rin sa TV ang mga nagddate na couples.

Well, may date din naman ako. May date kami ng laptop ko kahapon. Gumawa kami ng baby. Joke. Gumawa kami ng lesson plan (LP) para sa Peer Presentation na final requirement sa subject ni Ma'am V. Sarap.

Home alone ako kaya nagfeeling ako na isa akong busy woman na kumikita na ng yayamaning salapi habang ginagawa ang LP.

Nagring ang CP ko na may ringtone na "Don't" ni Fafa Ed Sheeran.

Si mader ang tumawag. Magkita raw kami ng 4PM sa ComMarket. Sumige naman ako.

Nagmadali akong kumilos. Nag iwan din ng note sa ref. Hindi ko pa natapos ang LP ko. Huhu.

Pagkasakay ko ng bus, parang gusto kong bumaba dahil mali ata ako ng nasakyan. Bakit puro couple? SIGE NA! AKO NA ANG NAG IISA!

Habang nasa byahe, nakatunganga lang ako dahil trapik. May sumakay na mani vendor mayamaya.

"Mani! Bili na kayo ng mani. Masarap kumain ng mani kapag araw ng mga puso. Tangkilikin n'yo ang mani natin. Bili na. Bili na. Oh mani mani!" Alok ni manong mani vendor habang palakad lakad sa gitna ng bus.

Napailing na lang ako dahil natatawa ako sa kanya pero pinigilan ko lang. Ang kulit.

Nang mapadaan siya sa gawi ko, nanawa na lang ako sa amoy. Ayokong bumili, nakakabitin lang. Ang kaunti maglagay. Tipid na tipid. At anong meron sa mani kapag araw ng mga puso. Mani pa rin naman 'yon. Ganu'n pa rin ang lasa. Pauso si manong.

Nakabili na ang mga nakabili, pababa na si manong pero may pinansin pa siya na lalaki na nakahalumbaba sa bintana malapit sa pinto. "Oh bakit malungkot ka? Wala kang date?"

Napatingin ako sa lalaki, natawa siya kay manong mani vendor na nakababa na.

Hindi ko napigilang matawa

rin. Ang lakas ng trip.

Pagkababa ko sa ComMarket mga 4:30PM, agad hinanap ng mga mata ko si mader. No spot of her anywhere.

Naglakad lakad ako. Ang daming tao. Sumakit ang ulo ko kaya tumigil muna ako sa ilalim ng overpass nailsipang doon na maghintay kay mama sa harapan ng maliit na kainan doon.

Text na ako ng text kay mader pero wareps (walang reply) siya.

15 mins. 20 mins. 30 mins. Wala pa rin si mader. Nagsimula ng mawindang si Weirdie nyo. May pagkamainipin pa naman ako at kinakain ko ang hinintay ko ng matagal. Haha. Joke lang. Gross.

45 mins. 1 hour. Wala pa rin si mader. Bumili muna ako ng Tomi sa karinderya para may karapatan akong makiupo.

Ang katabi ng kainan ay pwesto ng bilihan ng mga saging. Para hindi ako maging istorbo sa mga kumain, ipinahiram na sa akin ni mabait na kuyang bantay sa kainan ang upuang plastic nila at pumwesto ako sa harap ng bilihan ng saging.

Nakacasual Tshirt ako, slightly above the knee shorts, tsinelas at small body bag. Ang classic nito, mukhang ako ang tindera ng mga saging.

Natawa pa ako sa bata na kumain sa kainan na nagsabi sa akin na, "Ate bayad na po 'yong kinain ko ah." bago siya umalis. Tinanguan ko na lang siya. Napagkamalan pa akong anak ng nagbbusiness.

Nagpaload ako. Barya na lang natira sa wallet ko. Kapag hindi dumating si mader, wala akong pamasahe pabalik. Tinawagan ko siya agad. Nalaman ko na natrapik siya at malayo layo pa. Namatay bigla CP ko, battery empty na.

Kung tipikal na hintayan 'to baka maiyak na ako, mayamot at maisipang umuwi na lang kakahintay. I really have that limit in terms of waiting.

Pero ewan ko ba, hindi ako nainip at nayamot na hintayin si mader kahit magdadalawang oras na niya akong pinaghihintay. Alam ko kasing darating siya at hahanapin niya ako.

Hayun nga, namataan ko na siya sa ilalim ng overpass. Sinauli ko ang upuan at nagpasalamat.

Sinalubong ko na siya at nagmano. May iniabot siyang bagpack. Akin daw. Ang bait ni mader. Pinakain niya ako ng hotdog at pizza at pinainom ng samalamig. Solve ang paghihintay ng matagal.

Ang daming tao. Ang daming bulaklak, lobo at puso sa daan. Huminto si mama sa bilihan ng tig 15 na mga puso puso. "Oh pili na, 'nak."

"Nye! Seryoso ma?" Natawa ako.

"Oo. Bilhan mo rin si tita mo. Pavalentines ko sa inyo."

"Ang sweet ma ah." Sabi ko at humatak na ako ng dalawa.

Ang isa ay inabot ko sa kanya. "Happy Valentine's day, mama. I love you. Regalo ko sa'yo. Bayaran mo na ma." Sabay ngisi.

"Loko ka! Regalo mo sa akin na ako rin magbabayad. Kurutin kita d'yan." Sabay tawa niya.

Natawa rin ang tindera.

Dahil nagmamadali si mader, pinasakay na niya ako.

"Bye ma. Ingat. Labyu." Sabay kiss

Pinadadala kasi sila ng kumpanya sa Cavite. Siya na busy. Haha.

Natawa pa ako sa kanya dahil abot abot ang pagtanaw niya sa jeep na sinakyan ko. Kumakaway pa. Ako, sige rin ang pagkaway.

Hindi pa ako umuwi, dumaan muna ako kay pader. Nagkwentuhan kami. Nagtawanan at ibinigay ang moneybells.

Sa paghatid niya sa akin sa sakayan, kumain kami ng ice cream. Maya maya inirereklamo na sa akin ang pagsakit ng ngipin niya. Haha.

Hanggang sa pagsakay ko sa jeep, tanaw din niya ako.

May nakasakay ako na magjowa, nasa harapan ko. Halatang mas matanda si man ng kalahati ng edad ni woman. Nakaakbay siya kay woman at pabulung bulong. Tamis.

Pagdating sa SMF, ang dami lalong tao sa terminal. Parang zombie apocalypse.

Nahirapan pa akong mahanap ang isaw na pila. Nang nasa pila na ako, may kumalabit sa akin na nagtatanong kung tama ba ang pilang napuntahan niya pero napa "shet" pa siya ng makita ako. 'Yong totoo?

"M!" sabi ni Yen sa akin. Kachurchmate ko na close friend ko. At yun na nga, nagdaldalan kami. Nakwento niya na niyaya siya ng manliligaw niya na makipagdate. Ang dami niya dala na regalo. Peymuth at byutupul kasi itong si Yen.

Natatawa ako sa kanya dahil kinakabahan daw siya kung paano ipaliliwanag sa mama niya ang mga dala niya galing sa suitor niya. Nagpapraktis siya ng alibi niya sa akin. Sabi ko sabihin niya ang totoo sa mama niya. Matutuwa pa 'yon.

Pagkauwi, ibinigay ko ang mga pasalubong ko kay kuya at tita. Natawa lang si kuya sa puso na bigay ko sa kanya.

Kinwento ko ang nangyari buong araw.

"Magbboyfriend na nga ako para may chocolate at flowers din ako." Pabirong sabi ko.

Sinupla naman ako ni kuya. "Chocolate ang gusto mo? Nandun sa ref, may choco ice cream dun."

Natawa na lang ako. Nakatanggap naman ako ng text galing kay Yen na sinabi niya ang totoo sa mama niya at natuwa raw ito. Tanong daw ng tanong. Napangiti ako.

Pagkatapos kong magmuni muni, natulog na ako.

At 'yan nga ang simpleng araw ko na masaya naman kahit papaano.

Pero babatiin ko pa rin kayo ng belated HAPPY Valentine's Day! :D

---

Sorry sa typo errors at magulong pagsulat. Dapat kagabi pa 'to kaso nakatulog ako habang nagttype. Haha.

Kumusta ang balentayn niyo? <3

Mga Kawirduhan Ni WeirdieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon