Away Magkapatid

72 3 2
                                    

04/26/15

I won the war between us. I must be joyful and victorious. But, I can't. I know I'll never be.

---

Nakakataba ng heart makita ang magkakapatid na nagkakasundo at nagmamahalan. 'Yon bang hindi madalas nagkakaintindihan pero handang mag unawaan.

Kahit na ba panay na ang walang patid na pang aasar sa iyo ng kuya mo hanggang hindi ka pa umaatungal sa iyak dahil sa pagkapikon.

Kahit na rin ba pumuti na ang lahat ng buhok mo sa katawan dahil sa kunsumisyon sa kakulitan at katigasan ng ulo ng nakababata mong kapatid na lalaki.

Kahit na pa ang kakikayan ng ate mo na kinaiiritahan mo at ang nagpapatililing ng mga ears mo kapag pumalahaw na nang iyak ng baby sister mo.

Lahat ng iyan at marami pang iba ang mga dahilan na meron ang magkakapatid. Mga dahilan na kahit nakapipikon, nakaiinis, nakaiirita at nakauubos ng pasensya ay hinding hindi mo matitiis. At kahit pa hindi mo aminin at sabihin araw araw, mahal mo ang mga/kapatid mo.

Kasi nga blood is thicker than water.

Pero dumarating ang mga pagkakataon na ang away aso't pusa n'yong magkapatid ay nagiging seryoso na ang tingin nyo na sa isa't isa ay magkalaban. Para bang kayo ang north at south korea, ang Pilipinas at China na nag aagawan ng teritoryo, ang gobyerno at mga bandido, si Paquioa at si Mayweather at ang magkaboarding house na nag aaway dahil sa nasunog na sinaing.

Masakit sa tainga.

Ganito ang scenario namin ni kuya. Kuya, mas matandang kapatid na lalaki kaysa akin. Dapat igalang dahil lalaki at mas matanda, may otoridad higit sa akin.

Nagkapalitan kami ng mga salitang mas maanghang pa kaysa siling labuyo at wasabi. Dadaan ng dadaan na parang mga tutubi. Nagkaungkatan pa ng mga isyung malayo na sa pinag awayan na pagnguya lamang ng pagkain.

Sa mga ganitong pagkakataon, ako ang laging umiiyak. Ang kakikitaan ng pagsuko. Ang talo.

Pero hindi sa pagkakataong ito.

Nakayuko ako habang nakikipagtalo kay kuya. Mula sa aking peripheral vision ay nakita kong sinilip ako ni tita na kaharap ko lamang na kanina pa rin kami sinasaway sa pagtatalo namin ni kuya.

Sinalubong ko ang kanyang tingin. Nagtataka ang kanyang mga mata na hindi ako umiiyak. Sabi ko sa kanya na hindi ako naiiyak. Kung hindi sa kaseryosohan ng kapaligiran ay gusto kong matawa sa tinuran niya sa akin. "Keri mo ah!" *laughtrip*

Goal ni kuya ang mapikon ako kaya pilit niya akong pinipikon. Ngunit siya pa ang mukhang patuloy na naiirita sa akin dahil hindi niya maachieve achieve ang goal niya. Patuloy pa rin kasi akong nakikipagpalitan ng salita sa kanya.

Idinaan ko sa malumanay na pagsasalita pero may diin na nakapipikon ang bawat salita ko. Na iyon naman ay mas lalong nakapagpairita sa kanya. Bakas na iyon sa pagtataas ng kanyang boses.

Napahinto na kami. Galit na galit siyang dumaan sa aking likuran at tumungo sa kanyang kwarto. Ngunit bago pa niya maisarado ng malakas ang kanyang pinto na nagpayanig sa aming tahimik na bahay ay narinig ko muna siyang himinghot singhot.

Sa unang pagkakataon, ako ang nanalo sa away namin.

Nakaramdam ako ng kasiyahan at pagmamalaki sa sarili na itinagal lamang ng tatlong segundo.

1 2 3.

Doon ko lang naisip na ito pala ang pakikipagtalo na kailanman ay hindi maganda sa pakiramdam ang manalo.

Kapag nanalo, iyon ay karangalan na tumatagal ang kasiyahan. Ipagdiriwang pa na ipagmamalaki kaninuman. Pero malayo ito sa naramdaman ko. Malayong malayo. Hindi dapat magmalaki at magdiwang.

Kaya doon ko rin napagtanto na hindi talaga at kainlaman mabuting ugali ang lumaban sa nakatatanda. Dahil salamin iyon ng walang karespetuhan at walang paggalang. Isa itong kasalanan.

Ang inyong abang lingkod ay nagkamali at nagkasala. Aminado.

----------

PS. Peace na kami ngayon. Happy :D Pwede na ulit mag away. Joke! XD

Mga Kawirduhan Ni WeirdieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon