Enrollment Para Sa Huling Taon Sa Kolehiyo

31 1 0
                                    

June 25, 2015

Naganap kanina ang pag eenroll para sa huling taon ko sa kolehiyo. Walang kasing saya ang pag gising ko sa umaga mula sa madilim ngunit mapayapang gabi. Wala ring kasing saya ang pakiramdam na gumising akong may kapiranggot na gaan sa aking puso mula sa hindi ko maisatinig na damdamin. Basta, parang pasan ko ata ang mundo. Ang bigat eh. Haha.

Bow.

Oh 'di pa tapos.

Ang higit ay nagising ako at sasalinpapaw na naman ang utak ko sa hamon ng mundo. At ang hamon para sa araw na ito ay ang enrollment.

Pinagpapawisan ako. Pakiramdam ko kasi magiging mahaba ito. Kung tinatamad ka o kaya tamad ka talaga, h'wag mo nang basahin. Kung sinisipag ka naman, gumora ka teh.

Maaga akong nagising. Kakatanggal pa lamang ata ng yapos ng madilim na langit sa kapaligiran nang magising ako. Ngunit kapareho ng mga naunang umaga, hindi ako makatayo agad mula sa higaan. Maswerte ako dahil malambot ang aking kama ngunit masaklap naman dahil hindi ko masagot ang tanong sa komersyal ng Nescafe -- "Para kanino ka bumabangon?" Pwede rin isama ang "Bakit ka babangon?" Haay. Minsan kasi pagkagising ko sa umaga mula sa magulo at maraming panaginip sa gabi, tatamarin na ako. Ahahay.

Loading ...

Naligo ako ng mga beinte minutos. Sa oras na iyon, nakaisip ako ng tula sa loob ng banyo habang nagsasabon ng katawan hanggang magbanlaw. Ito ata ang naisip ko.

Pagligo ba'y 'yong ginagawa?
Pagkukusot ng buhok
Pagsasabon ng mabango
Oh kay sarap sa katawan.

Kung hindi mo uugaliin
Ika'y mangangamoy
At higit pa sa lahat ay
Mga katabi mo'y lalayo.

H'wag nang matakot sa tubig, kaibigan
Aba'y pagligo ay ugaliin mo na
Kikinis ka at babango
Tiyak na nakagaganda at nakagagwapo.

Ewan ko ba, madalas akong makapag isip ng kung anik anik sa banyo. Lalo kapag jumejebs, ay sinasabi ko sa'yo, natatawag kong thinking chair ang inidoro. Dahilan siguro ay kulob at tahimik ito. A very conducive environment for conceptualizing various thoughts and the likes.

Maaga akong nakapaghanda sa sarili. Inilabas ko ang pera pangmatrikula. Muli ko itong binilang. Halos sumalabit at liparin ng hangin ang maraming perang papel. Tig sasangdaan, tig singkwenta at tig bebente na nagkakahalagang pitong libo mahigit. Ang totoo n'yan, walong libo mahigit ang ibinigay sa akin ngunit ang limangdaan ay ipinambayad para sa down payment sa OJT uniform. Ang isa pang limang daan ay pinampamasahi at ipinambili ng pangkain.

Nagdaan pa ako ng ilang mga tindahan para magpapalit ng buo. Napalitan ang tig bebente at ilang tig sisingkwenta ngunit di pa rin nito naitago ang kakapalan ng pera ko pambayad.

Dala ang pag asang maka eenroll sa ganoong halaga para sa installment basis ng pagbabayad, ako ay nagpatuloy. Nakarating sa sakayan at nakipagsapalaran ng halos isang oras na paghihintay ng masasakyan. Kamalas malasan pa dahil sa pinipilahan ko ay matumal ngunit mura. Ayoko namang umalis dahil baka sa pag alis ko ay doon naman dumating ang FX. Magkasalisi pa kami. Kita ko rin ang pag ikli ng pila dahil sa paisa isang alis ng bawat isa dahil sa kainipan. Pero nagtyaga akong maghintay. Lupit eh.

Sa loob ng FX may mga nakasakay akong karamihan ay katulad kong mga estudyante, may nagtatrabaho na at mag inang Muslim. Sa kalagitnaan ng byahe, bukod sa nabobother ako sa kaharap kong lalaki na siguro ay kaedaran ko rin na panay ang untog ng ulo sa salamin ng FX dahil sa kaantukan. Gusto ko ngang iharang ang kamay ko sa pagitan ng ulo niya at ng salamin para makotongan na rin sya para di na siya mauntog kaso baka masapak ako kasi di naman kami magkakilala. Mga naiisip ko talaga. Nawindang at napraning din ako sa nanay na Muslim na malakas na nakikipag usap sa cellphone nya. Ang lakas talaga at parang nakikipag away gamit ang lenggwahe nila. Nakakagulo ng utak makarinig ng salitang hindi nauunawaan.

Mga Kawirduhan Ni WeirdieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon