Tanong Ko, Sagot Ko. (Malupet)

128 5 1
                                    

Bigla ko lang 'tong naisip nung naliligo ako. Isipin nyo yon nagana utak ko habang naliligo. At isipin nyo rin yon, naliligo pala ako. Hahaha.

-----

Minsan sumagi sa di kadalasang malusog pagkat payat kong utak ang katanungang ...

"Bakit hindi ako ipinanganak na mayaman at matalino?"

Kung hindi magsisipag e hindi magkakalaman ang tiyan at utak.

Ayon nga sa kasabihan, 'yon bang ipinanganak ka na may nakasubo ng kubyertos na pilak sa iyong bibig kaya ang lahat ng materyal na bagay ay naaayon sa iyo. Ganoon din sa pagsasaliksik ng kaalaman na tila natural pa sa normal ang pagdaloy ng kung anong samu't saring mga kumplikadong bagay ang nananalaytay sa iyong ugat patungo sa rurok ng iyong katawan.

Dapat ko ba itong isisi sa aking pinagmulang dugo at laman na kung tutuusin e isa lamang akong biyayang bunga ng kanilang noon ay may forever na pagmamahalan? Na ang kanila lamang na iniisip noon at ngayon ay ang walang kasing buti na kapakanan ko. *punas luha* Charot!

May nabasa kasi akong article na ni-feature ang mga kabataan na dukha ngunit may angking kasipagan at katalinuhan. Ang mga kabataang iyon ay mga mag-aaral na nakatatanggap ng pinansyal na suporta mula sa gobyerno o di kaya'y sa mga pribadong kumpanya at mga tao upang makapag-aral ng tuloy-tuloy. Tama, iskolar ang tawag sa kanila. Sila na malaki ang pagnanais na makatapos ng pag-aaral at lubos na nauunawaan ang kahalagahan ng edukasyon. Ang mga mag-aaral na hinahangan ko.

At bilang isa ring iskolar, iskolar ng nanay at tatay ko pati na rin ng tita at kuya ko (ang dami diba?), wala akong dahilan para hindi rin sipaging mag-aral at aksayahin ang kanilang pinaghihirang kitaan na pera para sa akin. Pero inaamin ko, tinatamad din ako paminsan minsan. Okay, madalas. Hihi

Ngunit dumating sa buhay namin ang makapos sa pera. Kasabay din nun ang pagkapos ng aming mga hininga sa paghahanap ng solusyon sa aming problema.

Binawasan ko ang pagkatamad ko. Itinanim ko ng malalim ang mga turo ng aking mga guro, nagdilig ako ng kasipagan at sa dulo'y nagbunga ako. Nagbunga ako ng matataas na grado.

Kaya katulad ng mga mag-aaral sa article na nabasa ko, naging iskolar rin ako. Hindi na ng mga magulang ko kundi ng isang komisyon.

Doon ko naisip ang aking tanong sa unang bahagi ng sulat ko na 'to.

Sana ipinanganak akong mayaman. 'Yong sapat na yaman para may maipagpaaral ako sa mga kabataang gustung gustong mag-aral. Sana mayaman kami para hindi na mahirapan pa sa matrikula ko.

Sa kabilang banda napag isip isip ko, kung hindi ako mayaman, dapat maging matalino man lang ako. Pero katulad nga ng nabasa nyo kanina, hindi rin ako ipinanganak na matalino na consistent na nakakakuha ng uno at A+. Ako kasi 'yong mag aaral na kung hindi bilat ang iskor, eh itlog. Well, medyo tumalino na ako ngayon. Ehem. Okay, kaunti. Haha.

Kaya ano na lang ang gagawin ko? Ano ang kailangan ko?

May narinig akong boses ...

Sipag.

Oo. Kailangan kong magpakasipag.

Inipon ko ang aking motibasyon at inspirasyon. Binuo ko na parang kapangyarihan ni Goku. Nilikom hanggang maging bolang kapangyarihan at itinutok sa aking sarili. Kasabay ng pagsigaw ko ng "Kamehame wave!" ay pagtama nito sa akin. Para akong nangisay, naapektuhan ang aking utak at buong sarili. Doon ko naisip ang tama at dapat. Isantabi na minsan ang sarili kong hangarin. May mga bagay na mas magiging kasiyahan para sa kapakinabangan ng nakararami.

Doon ko napagtanto, ipagpapatuloy ko ang aking nasimulang propesyon, ang maging guro. Ang propesyong hindi ko kailangang maging mayaman at sobrang talino para mapag-aral ko ang mga kabataan.

Dahil iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto kong yumaman, ang pag aralin ang mga nahihirapan. Hirap man sa pera o kakayahan.

Kaya sisikapin kong maging marunong ang aking magiging mag aaral para sila naman ang maging talino. Tutulong ako para buuin ang kanilang mga pangarap. Punan ang kanilang pangangailangan at sa kalaunan ay maging produktibo at kapaki pakinabang na mga indibidwal.

Sa ganoong paraan magkakaroon ako ng kapayapaan ng utak at kasagutan sa aking tanong.

Naarok na ba ng iyong malikot na utak ang kasagutan ko?

Bakit nga ba hindi ako ipinanganak na mayaman at matalino?

Kasi 'yon ang kapalaran ko, ang magsimula sa panahon na wala sa akin ang lahat dahilan para mainggit sa mga bagay na wala ako. Pero doon ko rin pala maiisip ang kahalagahan ng mga mumunting palaisipan sa mundo. Kung kulang ako, dapat may gawin ako para mapunan ang kakulangan na iyon. Hindi lang dapat ako makuntento sa mga bagay na pwede namang iimprove.

Hindi masalapi. Katamtamang isip. Pero may maka kapuso, maka kapatid, maka kapamilya at makabayang ambisyon at hangarin.

Saan ka pa? Kay Weirdie na! Joke lang! HAHAHA!

------

Baliw lang. Wala akong maisip kung paano iend 'to eh. LOL.

(04/01/15)

Mga Kawirduhan Ni WeirdieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon