Isang Maling Hakbang

121 5 6
                                    

Isang masaya at nakakapagod na hapon ang sumalubong sa akin last week.

Masaya dahil ... masaya. 'Yong kapag tumingin ka sa hinahanging mga puno eh ang nakikita mo ay nagsasayawang mga balerina na nasa saliw ng musika na hinihimig ng mga naliliparang mga ibon sa kalangitan. Mga ganyang pakiramdam.

Kaso may klase kay Ma'am V.

Ang nagsasayawang mga puno na parang mga balerina ay naiba ang mga indak, naging streetdance, hiphop, jazz at cramping. Ang gal'ng gal'ng.

Ang ending, pagoda ampeg, nalosyang ang lola mo at hapo todamax. Charot!

Isang oras bago magsimula ang susunod na klase, tumambay muna kami ng mga kaibigan ko sa silid-aklatan para gumawa ng assignment at magkwentuhan.

Bigla namang nagpaalam si Iris na magbabayad ng tuition. Sa akin niya inihabilin ang kanyang bag. Ang shoulder bag niya na oh so girly.

Patapos na ang isang oras, natapos na ang assignment ngunit wala pa rin si Iris. Kailangan na naming pumunta sa susunod na klase.

Isinuot na namin nina Jane at Christine ang aming mga bag sa likod. Napatingin ako sa bag ni Iris.

"Dalhin mo na M 'yang bag ni Iris." - Christine

"Ikaw na lang." - Ako

"Ayoko." Pang asar na sagot niya.

Humarap ako kay Jane. "Ikaw na, Jane."

Tiningnan niya ako, tumingin sa bag ni Iris at sa akin ulit. Ngumiti siya ng nakakaloko. "Ayoko."

Palibhasa'y medyo mukha at kilos akong lalaki kaya ganun na lang nila ako pagtripan.

Wala na akong nagawa. Binuhat ko ang oh so girly shoulder bag ni Iris.

Hindi naman sa ayaw kong buhatin ang bag ni Iris dahil ayokong magbuhat, walang kaso 'yon. Ang mga machong tulad ko ay okidoks sa mga buhatan. Charot! Nangyari lang kasi na ang bag niya ay shoulder bag at ang mga macho gwapito na tulad ko ay hindi nagsusuot ng mga gano'ng eklavu.

Hawak ko ang bag ni Iris, buhat ng aking dalawang kamay, katapat ng aking tiyan.

Tinatawanan lang ako ng dalawa kong magagaling na mga kaibigan habang naglalakad kami papunta sa susunod na room.

"Hindi ganyan ang tamang pagbuhat n'yan, M." -Jane

"Alam ko. Ikaw na kasi." -Ako

"Isukbit mo sa balikat mo dali, M. Pipicture-an kita." -Jane

Aba talaga naman.

"Kaloka ka. Tigilan mo ako, Jane. Jojombagin kita d'yan." -Ako

"Dali na." Pamimilit n'ya na hinawakan pa ang handle ng bag ni Iris na buhat ko at pilit iyong isinusukbit sa braso ko.

Wala na akong nagawa, hinayaan ko na lang siyang gawin ang gusto niya. Wala na akong puri't dangal. Chos!

"Ayan!" Sigaw ni Jane. Pinakatitigan niya ako tapos biglang tumawa ng nakakaasar.

--__--  ganito na hitsura ko. Kapag ako talaga naburyong hihilanhin ko pababa ang palda niya para makita ang cycling shorts niyang neon green. Hahaha.

Tinanggal ko sa balikat ko ang bag ni Iris at ipinadausdos ko ito sa likod ko pero hawak pa rin ng kamay ko ang handle. Sinabihan pa ako ni Christine na para raw akong bading. Nadegrade ang pagkafeeling lalaki ko don. Ghaad! LOL.

Nang bumababa na kami ng hagdan, panay pa rin ang kantyaw sa akin nina Christine at Jane. Dumagdag pa sina Jaja at Katkat na nakasabay namin. Ang dalawa ay kapwa mga katropa ko rin sa kalokohan.

Nauuna ako sa pagbaba pero ang atensyon ko ay nakagawi sa kanila na nahuhuli lang sa akin ng ilang mga hakbang. Inaasar nila ako ng kung anu ano na syempre ginagantihan ko rin ng asar na ikinatatawa ko ng hard.

Ang bag ni Iris ay buhat ko na ulit gamit ang mga braso ko.

Busy pa rin ako na nakalingon sa kanila at nakikipagtawan nang humakbang ako sa baitang pababa ng hagdan.

Ngunit ang naapakan ko ay isa ng flat surface at hindi na baitang. Ang inaasahan kong may kababaan na hakbang ay pantay na kaya sinolo ng aking kanang paa ang buong bigat ng katawan ko, bagpack ko at shoulder bag ni Iris.

Nakulangan ako ng pwersa at nakaramdam ako ng panghihina ng tuhod at paa. Huli na nang mapagtanto ko na nawalan na ako ng balanse at nakiss ko ang sahig ng 3rd floor.

Pamilyar ang pangyayaring 'to. Biglang tumahik ang paligid. Nawala ang tawanan at asaran naming apat. Napahinto rin ang dalawang naglalakad na High School students.

Wala na. Nalugmok ako sa lupa. Nakakahiya ng sobra. Wala na akong nagawa kundi ang ...

tumawa ng malakas.

Tumayo ako na parang walang nangyari. Humirit pa ako ng, "Tagay pa!"

Nilapitan ako ni Jane pero nakakaloko dahil grabe ang tawa niya. Ganun din sina Christine, Jaja at Katkat.

Pangalawa na 'to. Oo na! Ako na ang lampa. Wa poise. Hahaha

Isang maling hakbang talaga. Kagago. Hahaha.

-----

Ito na Jane. Nalagay ko na sa kawirdihan. Kahit na hindi mo naman binabasa. Natatawa ako sa'yo. Pagkatapos mo akong tawanan, sinabi mo agad na isulat ko 'to rito.Nagbigay ka pa ng posible titles tulad ng "Unsteppable Step", "A Step To Remember", at "Lampa mode".

KALURKEY! I love you SFs <3

Mga Kawirduhan Ni WeirdieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon