Girlfie Boyfie Halfie

180 13 10
                                    

Sa magbabarkada, nauuso ang mga tawagan. Bi, Teh, Tropa, Friendship, Bes, kups (kupal), at kung anu-ano pa. Minsan naman ganun din kung dalawa lang, may tawagan pang nalalaman kahit na magkaibigan lang. Meron pang mga tawagan na kayu-kayo o kayong dalawa lang nakaaalam at nagkakaintindihan.

Katulad na lang ng tawagan namin ng kadabarkads kong si Katchie. Dahil, not just one, not just two, but three ang endearment namin sa isa't-isa.

Girlfie, Boyfie, Halfie.

Depende sa aura namin ang tawagan. Kapag girly ang ayos ng isa, tatawagin siyang Girlfie. Kapag boyish ang dating, Boyfie naman. Kapag pantay lang o hindi maidentify, tatawaging Halfie.

Magulo?

Madalas kasi na T-shirt, jeans, at shoes ang attire ko. Casual lang. Doon ko nararamdaman ang kakomportablehan sa katawan. Feeling presko. Makakagalaw ako ng matiwasay. Pwedeng itaas ang paa na madalas kong ginagawa. Tapos itatali ko pa ang buhok ko ng lastiko pataas. Aba eh, damang dama ko na ang hangin sa batok ko. Such a refreshing feeling. Kaya madalas ako si Boyfie.

Si Katchie na always nakaskirt na uniform, minsan may nail polish ang mga kuko, nakabraid ang buhok at laging hinaharot ako ay si Girlfie. Pang girlfriend material 'to si Katchie eh. Very cute, matapang at writer. Dito. Oha!

Tatawagin naman naming Halfie ang isa't-isa kapag ano .. trip lang namin. Hehe.

Eh ano ba talaga si Weirdie?. Girl, Boy, Bakla, Tomboy?

Kapag nakakakita kasi ako ng mga babae na magaganda. Syempre naggandahan ako sa kanila. Lilingunin ko talaga sila lalo na kung nasa uso ang suot at maganda ang hubog ng katawan. Kayo rin naman diba? Lalo na ang boys. Pero kung iisipin naman, bihira mapigilan ang sarili para humanga sa mga bagay na kakaiba sa ating mga mata at hindi naman nila kasalanan na pinanganak silang may mga magandang pisikal na hitsura at katawan. Tama? Kaya napapalingon talaga ako. 180 degrees.

Kapag mga lalaki naman ang nakikita ko, lalo na kung gwapings, napapalingon din ko. Ang mga tao na may mayuming hitsura ay madaling makakuha ng atensyon kahit wala pa silang mga ginagawa para kuhanin ang atensyon ng mga taong nasa paligid nila. Napapawow pa ako kapag macho gwapito. 'Yong tipong hindi absent ang abs. Sabi nga ng ilan, kanin na lang daw ang kulang. Mahaharot! Haha. Pero truth be told, napapa "O" talaga ang bibig ko sa paghanga. Konting tickled pink din. Hehe.

Kung tutuusin, same lang naman.

Isang masterpiece para sa mga lalaki ang mga babae. So as women to men.

Basta ako, kahit kalabit lang sa abs ng may mapupungay na mga mata na si Matthew ng My Destiny, masaya na ako. Pati na rin pala ng kay Jimin na napakagaling sumayaw. Juskoday! Sorry po.

HAHAHA!

Mga Kawirduhan Ni WeirdieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon