Transwoman Kuno

69 6 2
                                    

Nitong nakaraan ..

Pagkasakay ko ng tricycle papunta sa aming unibersidad, kukuha na ako ng pamasahe pambayad nang makita ko na buo pala ang moneybells ko.

Nakalimutan ko ata na may kasabihang "Barya lang po sa umaga." Kinabatutan akez. Baka walang panukli si manong tricycle driver.

Dapat pala naghintay muna ako ng kakilala upang makisabay at makapagpalibre. Hehehe. Kaso sumakay na ako kaagad at umandar na rin ang tricyce kaya no chance to turn back.

Kailangan kong umisip ng paraan para hindi ako mapagalitan ni manong driver dahil umagang umaga eh buo ang ibabayad ko sa kanya.

Napatigin ako sa labas ng triycle. ABA! kung sinuswerte nga naman ako. Nakita ko si Ellen na pasakay din ng tricycle. Hihintayin ko na lang siya sa harap ng university.

Huminto na ang tricycle. Hudyat na nasa babaan na ako . Bumaba ako at hindi pa muna nagbayad. Hinintay ko muna ang sinakyang tricycle ni Ellen. Kaso ang tagal. Natatawa na ako sa feslak ni manong driver na nag iintay. Bahala na. Binayad ko ang perang buo.

Hinintay ko na hingian niya ako ng barya o kaya pagalitan ako kaso hindi. Binuksan niya 'yong maliit na upuan sa loob. Nanlaki ang eyes ko. Ang daming moneybells. May panukli si manong. Galing!

Nakangiti ako nung inabot niya sa akin ang sukli kaso napangiwi rin ako dahil tigbebente at baryang mamiso at limang piso ang isinukli niya sa akin. Mag ooverload sila sa coin purse ko. Loko loko 'to si manong. Napatawa tuloy ako.

May pagtataka lang akong tiningnan ni manong pero ngumiti rin naman pagkatapos ay sumibat na.

Maya maya'y dumating na si Ellen at tumabi sa akin. Sabay na kaming naglakad papasok.

Sa may entrance, nandoon ang dalawang gwardya. Isang lalaki at isang babae. Si manong guard ang nag iinspect ng laman ng mga bag. May hawak syang parang drum stick. Si lady guard naman ay nasa information desk.

Nauuna sa akin maglakad si Ellen. Nang nagpapatingin na siya ng laman ng kanyang bag, ako naman ay abala sa pagbubukas ng zipper ng akin.

"Goodmorning po." Bati ni Ellen kay manong guard.

"Ang ganda mo naman." Puri ni manong kay Ellen.

Lumingon sa akin si Ellen. Tiningnan ko siya. Aba't ngiting ngiti. Feel na feel na nasabihan ng maganda. Well, maganda naman kasi talaga si Ellen.

Nung turn ko na, binati ko rin si manong ng magandang umaga. Nakangiti siya tulad ng araw araw niyang pagsalubong sa mga mag aaral ng aming unibersidad.

"Ang ganda mo rin ah." Puri rin ni manong sa akin.

Nginitian ko naman siya ng nakakaloko habang sinasarado ang bag ko.

"Naku kuya hindi po. Pogi 'to." Sabi ko sa kanya ng nakapogi sign.

Natawa siya, "Ay pogi pala."

"Yes kuya." hirit ko pa bago lumagpas sa kanya na tumatawa pa rin.

Hay naku 'to si manong guard. Halata nangbobola lang siya dahil lahat naman ay sinasabihan niyang maganda.

Pagdaan namin ni Ellen sa information desk, nagsalita si lady guard. "Italyana ka ba?"

Napahinto ako at napatingin sa kanya. Ako ba ang tinatanong niya? Nilingon ko si Ellen sa tabi ko. Aba wala. Nilagpasan na ako. Hindi ako napansin na huminto.

Nakatingin si lady guard sa gawi ko. Tumingin ako sa paligid. Wala na akong ibang kasabay. Ako nga ata ang kausap niya.

"Hindi po." Sagot ko sa kanya.

Napahinto siya at parang nag isip. Akala ko babanat siya eh.

"--ilander?" Tanong niya ulit.

Medyo nangunot ang noo ko dahil hindi ko masyadong narinig. Islander daw? Tsinelas? Napatingin ako sa sarili ko. Sa pagkakaalam ko ay hindi naman ako tsinelas at hindi ako nakatsinelas.

Tumingin ako kay Ellen na nauna. Huminto pala siya di kalayuan at nakalingon sa akin habang nakatawa.

Narinig niya siguro si lady guard at nababakas nya ang tinatakbo ng utak ko dahil sa hitsura ko.

Bumalik ang tingin ko kay lady guard. "Hindi po" Sagot ko ulit sa kanya.

Napahinto at parang nag isip ulit siya.

"Filipina?" Natatawa na niyang tanong.

Tumango ako. "Opo."

"Okay. Sige na." Pagddismiss niya sa akin habang tumatawa.

Napakamot na lang ako sa ulo ko. Lakas trip ni lady guard.

Sinalubong ako ni Ellen habang tumatawa. "Italyana tapos Thailander? Ang layo naman nun." Sabi niya.

Thailander pala yung tanong ni lady guard sa akin kanina. Kabungol ko talaga.

"Akala ko sabi niya Islander." Sabi ko.

"Ano ka tsinelas?" Tumatawang tanong ni Ellen.

Napaisip naman ako. Hindi nga ba ako isang tsinelas? AY! Erase erase! Gumana na naman ang wilab kong utak.

"Thailander. Thailand. Diba doon legal ang magpapalit ng genitals?" tanong ko habang naglalakad kami.

"Oo." Walang lingong sagot niya.

"Dapat pala sinabi ko na oo na Thailander ako at transwoman ako para astig." Sabi ko sabay hagalpak ng tawa.

Natawa rin si Ellen sabay lingon sa akin. "Oo nga noh?"

At sabay kaming tumawa na parang mga baliw.

Well, baliw nga ata talaga. Hahahaha!

-----

La kwents. Eto oh mais.

(01/24/15)

Mga Kawirduhan Ni WeirdieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon