Kalandian Thingy

106 11 26
                                    

Last 2 weeks ago.

Nanood kami ng Magpakailanman sa TV. Ang istorya ay tungkol sa mag asawa. Napatay ng asawang lalaki ang kapitbahay nila dahil tinangka nitong gahasain ang kanyang aswang babae.

Ang gumanap na mga bida ay sina Lovi Poe at Benjamin Alves Gwapo.

Habang nanonood nun, nanonood din ako ng Game of Thrones sa laptop. Oha? Multi tasking.

Natempt kasi ako na simulan na ang Season 2 na ni-copy ko sa kaklase ko. Ang ganda talaga ng palabas na 'to. Feeling ko nakakatalino. In a sense that the characters are talking in riddles and/or the whole story is a riddle. Basta! :D

Winter is coming! :D

Mabalik tayo. Ligayang ligaya ako sa panonood sa laptop habang nakikinig at pasulyap sulyap sa TV.

Sakto namang pagsulyap ko sa TV ay sakto ring hinuhubad ni Benjamin Gwapo ang suot nyang T-shirt.

Bigla kong naipause ang pinanonood ko sa laptop at tumutok sa telebisyon na nasa harap namin ni Tita.

Sa utak ko dahan dahan ang bawat galaw ni Benjamin Gwapo. May background sound pa ng isang tumutugtog na saxophone.

Medyo perv ako, Lord. Sorry!

Tuluyan na ngang nahubad ni Benjamin Gwapo ang T-shirt niya.

Natulaley ako. Lumipad ang isip. Nasambit ang "Oh my God!" ng hindi namamalayan.

Nalingat lang ako nang biglang lingon si Tita sa akin.

"Problema mo d'yan, M?" Kunot pa ang noo.

Ibinalik ko ang tingin sa laptop. Kunwaring nanood ng Game of Thrones.

"Oh my God tita kasi ang astig at ang aksyon nitong pinanonood ko. Ibang level!" Sabi ko sabay punas ng pawis sa sintido.

Bumalik rin sa TV ang tingin niya pagkatapos.

Ako? Napakamot na lang sa batok kong hindi naman makati.

AARRGGHH!

----------------

#BoomHarot HAHAHA!

Mga Kawirduhan Ni WeirdieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon