Adieu Kiko

78 9 36
                                    

May mga bagay na hindi ako maipaliwanag. Sa katunayan, napakarami nila.

Isa na nga rito ang pagiging malapit ko sa mga hayop. Naisip ko nga minsan na baka kauri talaga nila ako at nagkakatawang tao lang ako.

Sabi rin kasi kapag pinagagalitan kami ni kuya kapag nag aaway noon, "Mga hayop! Kapag hindi pa kayo tumigil, kunin nyo na ang kutsilyo doon sa kusina at magsaksakan na lang kayo!" At ayun nga titigil agad kami ni kuya. Wala ng pansinan whole day.

Hayop nga siguro ako, naisip ko noon. Pero habang lumalaki, natututunan ko na hindi naman pala ako hayop sa bagay na iniisip ko. Ako ay isang hayop, hayop na nasa pinakamataas na uri. Hayop na matalino higit sa iba pang mga hayop. Hayop na tinawag na mga tao. Hooray!

Kaya hayop nga talaga ako. Kung ganun, mga hayop din kayo. Mga hayop tayong lahat. Bwahaha.

Hindi ko alam kung bakit ako malapit sa kanila, lalo na sa mga nilalang na may maninipis na balahibo, matatalim na kuko, matatalas na pangil at may mahahabang bigote. Ano sila?

Non other than ... cats.

Kaya nitong nakaraan na may ngiyaw nang ngiyaw na kuting sa labas ng aming barung baro, agad ko itong kinuha para alagaan.

Days old pa lang si Kiko. Kay munti at liit. Pinangalanan siya ni Tita na Kiko. Si Kiko ay kulay brown nang nakita ko. Kalaunan ng nilinis ko siya, kulay puti at dilaw pala siya. Ang kyut. Haaay.

Namroblema ako kung paano ko siya paiinumin ng gatas o kaya paiinumin ng tubig.

Kung pwede nga lang na sa joga ko, doon na eh kaso wala talaga. Baka magreklamo pa si Kiko at biglang magsalita ng, "Gago ka M, gugutumin mo ako lalo, wala ka namang joga." Hahaha.

Panay ang painom ko ng tubig at gatas kay Kiko gamit ang kutsarita. Tapos nakahingi si Tita ng feeding bottle at tsupon sa mga good neighbors namin na may mga baby para kay Kiko.

Nagsearch pa ako sa Google kung paano mag alaga ng mga kuting. Natuwa ako sa mga impormasyong nabasa ko.

Noon ang lakas niya ngumiyaw pero nitong mga nakaraan, hindi na gaano. Unti unti na siyang nasasanay sa akin at sa bahay. Ang saya ko nun.

Kapag jumerbaks siya at umihi, nililinis ko yun kasi kung hindi, jojombagin ako ni Tita.

Sabi ng mga kapitbahay namin na nadaan, malabo raw na mabuhay si Kiko kuting. Ang gadaliring laki at haba na kuting daw ay suportado pa dapat ng inahing kuting sa pagpapajoga.

Hindi, ayoko. Mabubuhay si Kiko.

Isang araw pa ang lumipas sa pag aalaga ko kay Kiko. Pinaiinom ko siya ng gatas at tubig, nililinis ang jerbaks at ihi niya, at hinakawakan kahit maamoy at madumi siya dahil hindi pa siya marunong himurin ang sarili niya.

Ngunit siguro tama nga ang sinabi ng mga kapitbahay namin. Malabo talaga siyang mabuhay.

Nilagay siya ni kuya sa taas ng lamesa na nilalagyan ng aming mga sapatos dahil ipapasok niya sa terrace ang motor niya.

Mukhang okay naman si Kiko sa lamesa. Nilagyan ko na lang ng mga harang sa bawat gilid para hindi siya malaglag.

Kinabukasan nun sinilip ko sya bago umalis papasok sa eskwela. Wala na sya doon. Hinanap ko sa mga gilid kung nalaglag pero wala. Hinala namin, kinain ng mga pusang gala.

Naawa at nalungkot ako pero nagmove on ako. Taray.

Pero kaninang umaga may nangamoy na mabaho sa terrace. Inayos namin ni kuya ang mga gamit dahil may hinala na kami sa kung ano ang nangangamoy.

At ayun nga, si Kiko.

Si kuya ang nakakita. Ayoko tumingin. Ayoko tingnan pero kinikiliti ako ng aking kuryosidad.

Si Kiko nga. Mapayapang nakahiga sa ilalim ng lagayan ng mga sapatos. Napasinghap ako, hindi alintana ang baho ng amoy. May biglang kumirot sa bahagi ng katawan ko. May mga langgam sa paanan ko. Kainis.

Ngunit mas nanaig ang kirot sa aking puso.

Tumingin sa akin si kuya. "Oh hwag kang umiyak, M" Sabi niya.

Napahawak naman ako sa pisngi ko. Wala naman. Loko loko talaga to si kuya.

Hindi ako iiyak. Pero sa loob loob ko naiiyak na ako. Haaay.

Hinayaan ko na lang na asarin ako ni kuya. Inumpisahan ko na lang na isulat ang update na ito. At dito na nga natatapos.

Nandito pa rin naman si Diego the Puspin ko. Jontis. Hintayin ko na lang mga junakis niya.Hahaha.

At siyempre, wala na naman kayong pake sa mga nabasa niyo. Jombagin ko kayo eh. Chos! Hahaha ;)

-----

(11/28/14)

#Huhubels

Mga Kawirduhan Ni WeirdieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon