Pagtirik ng Mata Thingy

173 10 20
                                    

Don't love me for fun, girl

Let me be the one, girl

Love me for a reason

Let the reason be love.

La la la la la ..

Feel na feel ko ang pagkanta habang naglalakad paakyat ng hagdan sa unibersidad na aking pinapasukan.

Heto na naman ako, tinutungo ang malayo sa kabihasnan naming silid-aralan. Malayong kabihasnan sapagkat ang aming departamento ay malayo sa iba pang departamento. Malayo rin sa main entrance kaya mahaba habang lakarin ang kailangan bago marating ang building namin pagkatapos pa ay aakyat na ng hagdan. Hanggang tuktok.

Buti na nga lamang ay hindi ako nahilig magsuot ng mga may takong ng sapatos. Flats ang aking laging suot. Komportable na, pwede pang pagtatatakbo kung gusto ko. Astig eh.

Pero dahil maaga pa. Chill lang ako sa paglalakad at pakanta kanta pa. LSS ako sa kantang 'yon. Ewan ko ba, hindi naman ako nakakarelate. Haha.

Narating ko ang floor kung saan ang room ko. Fresh na fresh at hindi hingal kabayo. Kaunti pa lang ang mga tao. Kumanta ulit ako.

Don't love me for fun, girl

Let me be the one, girl

Love me for --

Nang may madaanan akong bulletin board na may glass cover, tumingin ako doon at pumalakpak ng isa at itinuro ang aking repleksyon sabay tuloy sa kanta. 

-- a reason

Let the reason be love.

Paulit ulit lamang ako sa chorus dahil hindi ko na kabisado ang iba. 'Yan lang ang tumatak sa isip ko habang nakatunganga sa bus na may radyo papunta sa eskwelahan.

431, 432, 433, 434. Patuloy akong naglakad sa corridor hanggang marating ko ang Room 435. Excited akong makita ang mga kaklase ko at syempre ang mga kasama ko sa kalokohan.

Ngunit laking gulat ko dahil wala ang mga kaklase ko sa loob. Bakante ang 435. Wala bang pasok?

Inalala ko ang araw. Huwebes. Tama naman.

Oo, tama naman na Huwebes kaya, kaya mali ako. Napakamot ako sa batok. Room 432 nga pala. Kapag MW pala sa Rm435.

Free section kasi kami lahat sa kurso ko kaya kami ang naglalakbay patungo sa room ng aming mga professor.

Naiwan ata ang utak ko sa hagdan at masyado akong nadala sa pagkanta.

Ang ending bumalik ako at nakarating sa Room 432.

"GOODMORNING!" Bati ko sa aking mga kaklase. 4 pa lang sila.

"Naligaw na naman 'yan." - Jhoms

"Paano mo nalaman?" Tanong ko after mailapag ang bag pack sa aking upuan. Tumungo kay Christine, Jane, at Cess upang bumeso.

Hindi ko alam kung bakit namin ginagawa iyon. Baka sign ng pagkamiss. Lagi nila akong namimiss. Haha. Kumikiss na rin tuloy ako. 

Si Cess, isa sa tropa namin na bookish. Laging nakaslouch at nakadekwatro habang nagbabasa sa gilid. Minsan pangiti ngiti, madalas dedma.

"Eh lumagpas ka kanina eh." - Jane

"Lutang na naman." - Christine.

Inayos nya pa ang buhok kong kulot. Magulo na naman siguro. Ang sweet.

Napakamot ako sa ulo kong matigas. "Eh nakalimutan ko na 432 nga pala." Sabay tawa.

"Good morning biii."

Sabay sabay kaming napalingon sa pinto. Si Iris. Beso ulit. Namiss na naman ako. Hehe.

"Ang aga mo ah." - Iris

"Syempre!" Nagpogi pose pa ako.

"Ang kapal ng kilay mo, bii. Ahitan kita mamaya." -Iris

"Sige lang!" - ako

"Ako rin, Iris!" - Cess. Nabuhay siya.

Haaay. Kailangan ba talagang ahitin ang makapal at salubong na kilay? Siguro kabawasan 'yon sa kagandahan. Basta ako mahal ko ang mga kilay ko kahit ganyan sila. Hindi kabawasan sa pagiging astig at cool. Haha.

Maya maya, dumating na si Prof. Ang subject, major. 3 hours. Mahaba habang upo at pakikinig ulit.

Mga isang oras pa lang, hindi na ako mapakali. Nililingon na nga ako ni Christine sa tabi ko. Gusto kong tumayo, tumalon o kaya magCR kaso maganda ang tinuturo ni Ma'am kaya hanggang likot lang ako. Tungkol kasi sa Self-Efficacy of Teachers.

Lumingon sa akin si Jane. Malamlam at namamasa ang mga mata, namumula ang ilong at mukhang kawawa. Indikasyon ng taong inaantok. Natawa ako.

Nilingon ko ang iba, ganun din. Sandaling nagmukhang mga bangag ang kaklase ko.

Napansin naman ata ni Prof kaya after 1 1/2 hour, pinagbreak niya kami. Tumayo ako agad.

"Saan ka pupunta?" - Christine

"Gusto ko maglakad lakad!" - ako

"ADHD na naman. Halika magsiCR ako." - Jane

"'Yon oh! Sama ka Christine!" -ako

"Ayoko, nakakatamad." - Christine

"Kaya ang taba mo eh." - ako

"Lampake." - Christine

"Sige n- " hindi ko na natuloy dahil hinila na ako ni Jane.

Pero sumunod din naman si Christine.

Ang saya sa feeling. Naunat ko mga galamay ko.

 Patungo sa CR, madadaanan namin ang kolehiyo ng musika. Rinig ang iba't ibang instrumento na tinutugtog ng mga musikerong mag aaral. Rinig din ang mga estudyante doon na umaawit ng mga awitin gamit ang kanilang magagandang mga tinig. Parang ibong tiririt.

Pagdating sa CR. Tig isa kami sa mga cubicle. Tabi tabi. Pakanta kanta pa si Jane. Ginagaya ang mga nasa kolehiyo ng musika.

H'wag na tanungin ang boses ni Jane. Please.

Patapos na ako umihi ng nagsalita siya.

"Bakit kaya kapag natatapos umiihi, napapatirik ang mata?"

Tirik ng mata?

"Ha? Kinikilig lang ako eh." - ako

Gan'on daw kasi 'yon sabi ng Science Prof namin, nagkakaroon ng sudden change of temperature sa katawan matapos mailabas ang mainit init na urine kaya may pagnginig na nangyayari.

"Baka ikaw lang! Adik ka eh." - Christine

"Bakit kayo ba, hindi?" - Jane

"Hindi!" - ako at si Christine

At yun na nga bumalik na kami sa room. Natapos ang klase at nag uwian.

Ngunit hindi ko pa rin makalimutan si Jane at ang pagtirik ng mata niya kapag umiihi.

Kaya naman tinry ko pagdating sa bahay. Uminom ako ng maraming tubig.

Ang ending, epic.

Ayoko na ikwento, try nyo na lang. Hahaha.

-----------------

'Yon lang. Walang kwenta XD

Mga Kawirduhan Ni WeirdieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon