Pandesal With Cheap Margarine Inside

191 9 16
                                    

Ako si Weirdie, may katakawang taglay. Walang pinipiling tao, lugar o kung anupaman basta nagugutom at mayroong pagkain, kakain ako. *BOW*

HAHAHA!

Madalas pa sa patak ng ulan, ako ay gabi na natutulog. AY! Erase. Ako ay madaling araw na natutulog. 12AM. Hindi naman araw araw pero madalas lalo kung hindi pagod. Kaya naman madalas din sa patak ng ulan na ako ay medyo, medyo medyo nahuhuli ng gising sa umaga.

Ang pasok ko tuwing ika una at ikatatlong araw ng linggo ay ikapito ng  umaga. Sa layo ng aming bahay mula sa aking unibersidad na pinapasukan, kailangang kailangan kong gumising ng maaga upang makarating sa oras. Pero upang makarating sa tamang oras, may mga hindi ako nagagawa. Tulad ng pagkain ng "most important meal of  the day," ang almusal. Kaya ang dapat kong kainin na almusal sa bahay ay ipinababaon na lang sa akin upang kainin sa sasakyan o sa eskwelahan.

Umalis ako ng bahay bitbit ang almusal ko. Sumakay ako ng jeepney. Dati ako ay nagbubus na airconditioned para mabilis ngunit kamakailan ay bumalik ang aking motion sickness, nakararamdam ako ng hilo at pagsuka kaya balik sa nakagawian. Masaya naman magjeep eh. Mausok, mabaho, maalog, maingay at mabagal pero masaya. Iba't ibang tao ang makakasalamuha at iba't ibang pagyayari ang masasaksihan. Kapag nagjjeep ako, nasasabi ko sa sarili ko, "Ito ang tunay na buhay ng mga Pilipino." Chos! Basta masaya, wala rin akong nararamdaman na pagkainis kahit marumihan ng kahit kaunti ang puting puti at malinis kong uniporme.

Basta masaya magjeep, maaksyon.

Habang nasa jeep, sinilip ko ang almusal ko, pandesal na may palaman na margarine. Pinadalhan ako ni Tita ng apat. Sarap. Kukuha na ako ng isa ng may sumakay na lalaki at napatabi sa akin, mga isang dipa ang layo niya. Sinipat ko siya ng tingin.

Kung inyong nabasa ang aking "Paalam Birhen kong mga Mata" mapapansin nyo na mayroon na akong parang phobia sa mga lalaking nakakasakay ko sa jeep na may kakaibang mga ikinikilos. Panay kasi ang silip ng lalaki sa bintana ng jeep tapos pipikit siya, matutulog ata. Ang isa niyang kamay ay nakatungkod malapit sa aking tagiliran.

Sinarado ko ang aking bag at niyakap ito, pinakiramdaman lang ang lalaki. May pagkaparanoid kasi ata ako. Tinitingnan ko siya mula sa aking peripheral vision. Baka kasi ang kamay niya ay biglang lumakbay sa akin. Naku wala siyang mahahawakan sa akin. Lahat maliit. Yayks. Basta pinakiramdaman ko lang siya.

Biglang pumreno ang driver, mula sa inertia, ang motion ay paforward. Napadilat ang lalaki, parang slowmo na mapapaforward din siya. Pero pasideward talaga sa akin kasi nga jeep. Automatic naman ang aking reflexes, nagulat ako at akmang umangat ang pwet ko sa upuan upang umiwas sa lalaki.

Pero naalala ko na nakatungkod pala ang kamay niya sa upuan kaya imposible na mapatianod sya sa forward motion. Tila ata nagulat at nagtaka siya sa aking ikinilos.

Nang mapansin ko na wala namang mangyayaring something. Bumalik ako sa aking pagkakaupo. Humawak ako sa hawakan ng jeep, ibinaon ko ang aking mukha sa aking braso at tumawa. Natawa ako sa sarili kong kabaliwan. Muntanga ako doon.

Pumara na ako sa babaan. Tuluyan ng nakalimutan ang pagkain ng aking almusal.

Tumakbo na ako dahil alasyiete na. Sa dulong building kami at pang apat na palapag pa.

Dumating ako sa room ng pagod ngunit wala pa ang aking propesor. Gusto kong maglupasay sa lapag. Argh!

"Goodmorning Montressor!" Bati sa akin ng isa kong kaklase.

Bakit Montressor? Last meeting kasi, ipinalabas ang ginawa naming film. "The Cask of Amontillado" ni Edgar Allan Poe. Ako ang gumanap na Montressor. Requirement namin for Finals. Natuwa sa amin si Professor Honey Bee. In character daw ang lahat. Nabest actor pa ako sabi ng mga kaklase ko. Actor talaga? Kailan ba ako magiging actress? Kahit wala ng best. Pero oks na oks Lang dahil exempted na sa finals. Wala eh, 100. Haha.

"Goodmorning din." Bati ko rin.

Maya maya dumating na si Prof. Honey Bee. Sa AVR daw kami ulit dahil ang next group na ang magpapanood ng kanilang film. Pagdating namin doon, ang tagal pa mag umpisa dahil ayaw makisama ng projector. Naalala ko ang aking almusal. Ang pandesal na may margarine.

Tomguts ako. Kinapa ko na ang pagkain sa loob ng aking bag. Tumunog ang plastic na pinaglalagyan. Nilingon ako ni Utoy na katabi ko, "Bawal kumain dito sa loob, M. You know the rules." Sinenyasan ko lang siya ng h'wag maingay.

"Gusto mo ba ng pandesal?" Alok ko sa kanya para manahimik.

"No thanks." Sabi niya. Inenglish niya pa ako.

Inilabas ko ng tuluyan ang aking pandesal. Wapakels.

Ang mga katropa ko ay nasa kabilang side ng AVR. KAilangan kong tumawid sa gitna upang makarating sa kanila.

Tumayo ako. Tuluy tuloy papunta sa kanila. Sabi ko pa, "Uy gusto niyo ng tinapay?"

Hindi sila nagsalita. Binuksan ko ang plastic. Tumunog na naman ito.

"M, what's that? - Nanlamig ako at napahinto. Si Prof. Honey Bee.

Shems, nakalimutan ko na nandun pala siya sa likod.

"You are not allowed to eat here." Seryoso pa niyang sabi.

"Ah Ma'am. I will not eat this. I promise." sagot ko na kakaba kaba. Ayokong mapalabas. Ang sarap dito sa loob. Airconditioned.

"Eat that food outside."

"Promise Ma'am!"

"No." Seryoso pa rin. Tinitingnan ako mula sa likod ng kanyang mga salamin.

Nakatingin na sa akin ang mga kaklase ko. Ito na ba ang katuparan ng kagustuhan kong maging actress?

"Ma'am" Sumamo ko.

"If you will not let that food out. Come here."

"Ma'am naman. Promise talaga." Sabi ko pa.

"Come here."

No choice. Tumayo na ako at lumapit kay ma'am dala dala ang masasarap na mga pandesal. Ang mga mata ay nasa akin.

Malapit na ako sa kanya ng nagtanong siya, "What is the spread?"

Nagulat ako. "Ma'am?"

Narinig ko ang ilang tawa ng mga kaklase ko.

Bakas kay Prof ang nagpipigil na ngiti.

"Margarine po."

"Ay cheap." Pairap niyang sabi.

Nangiti na ako sabay kamot sa ulo.

"Ma'am oh. Alok ko sa kanya."

"No. Im just kidding. Go back to your seat."

"Hwag ka na mahiya maam."

"Go back and eat that silently or I'll change my mind."

Nangiti ako ng kasing lawak ng sunken garden.

Bumalik na ako sa upuan ko at binigyan ang mga kaklase ko. Kumain kami ng pandesal with cheap margarine spread habang nanonood.

Sa utak ko, ang weird ni Prof Honey Bee ...

pero napakaconsiderate.

Mabuhay! :D :D

----------------------------------------

Pa exam week nyo na rin ba? Goodluck ah! Tumbling!

- M

Mga Kawirduhan Ni WeirdieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon